Chapter 1: Sariwang hangin

7 1 0
                                    

Gabi na pero nakakarinig parin ako ng mga putukan na nag mumula sa baba. Hanggang ngayon ay di parin natatapos ang gerang nagaganap sa baba.

Siguradong masasaya ang mga bilanggo sa baba dahil sa wakas may dumating na para iligtas sila.

Hindi ko maiwasang matuwa dahil may tsansa na silang maka labas ng Impyerno na ito. Mamumuhay ng tahimik at magkakaroon ng masayang pamilya.

naka upo lamang ako sa malamig na sahig ng aking silid---hindi! Ng aking selda. Habang naka sandal ang aking likod sa malamig na pader at walang kibong nakatingin sa buwan na nakikita ko mula sa maliit na bintana.

Bilog na bilog ang buwan ngayong gabi at ng dahil dito ay lumiwanag ang aking selda.

Marahan kong pinikit ang aking mata at pinakinggan ang mga pagsabog na nagmumula sa baba. Alam kong kayang talunin ng mga sundalo ang mga halimaw na may kagagawan nito saamin, pero masakit parin isipin na Hindi ako masasama sa taong ililigtas nila.

Gusto kong umiyak sa mga oras na ito, pero wala ni isang luha ang lumalabas sa mata ko, dahil siguro sa araw araw kong pagiyak noon kaya naubos na ito.

"Siguraduhin nyo'ng hindi makakaakyat dito ang mga letseng sundalo nayan!" Tinig na aking narinig mula sa labas.

Kung ganun malapit na silang matalo ng mga sundalo. Pamilyar saakin ang boses na iyon at alam kong dito sya patungo sa selda ko.

Marahas na bumukas ang pinto ng aking selda at iniluwal nito ang lalaking may dalang mahabang baril.

Mabilis itong tumakbo patungo sakin at hinablot ang aking braso at saka kinaladkad palabas ng aking Selda.

Anong gagawin nila? Ibibigay ba nila ako sa mga sundalo o ..... Isasama nila ko kung saan sila mag tatago.

Paika-ika akong naglalakad sa madilim na pasilyo habang hawak ng lalaking pumasok kanina sa aking selda ang braso ko.

Damang dama ko ang malamig na sahig dahil sa wala akong suot na panyapak.

"Put*ngina! Bakit kailangan pa nilang mangialam sa mga plano ko!" Dinig kong bulong ng lalaking humihila sa akin.

Sa sobrang tagal ko na sa Impyerno na ito. Alam kong sya ang tinatawag na Bossing ng mga kalalakihan dito.
Bumaba kami sa hagdanan at ganun nalang ang awa ko sa mga nakikita ko.

Parang kinukurot ang puso ng makita ang sitwasyon ng mga bihag dito sa baba. Nakakulong sila sa rehas. Ang papayat nila at kitang kita sa mga mata nila ang pagod.

Alam kong tulad ko ay gusto narin nilang makalabas sa Impyerno na ito---sino bang hindi gusto makalabas dito.

"M-maawa ka.... P-pakawalan mo n-na k-kami." Napa tingin ako sa isang selda na may marinig na nag salita.

Matandaang lalaki ang nasa idad anim-na-pu ang nakita kong hirap na hirap sa kaniyang kalagayan. Kahit hirap mag salita ay pinarating nya parin sa Halimaw na ito ang nais nyang sabihin.

Napaka-walang puso nila! Pano nila nagagawa ang kanitong kahayupan sa mga taong nandito? May mga sariling buhay ang mga taong ito at pilit nilang kinuha para ano? Gawing bihag at patrabahuhin ng buong araw, at ang simple pag bigay lang ng pagkain ay di pa nila magawa!

"Bossing, Maawa kana sa amin." Naiiyak na makaawa ng dalagang babae.

Pero ni isa sa daing nila walang pinakinggan ang halimaw na ito. Dare-daretso lang syang naglalakad at parang hangin na dinaanan ang mga bihag na nag mamakaawa sa kanya.

"A-ate..." Awtimatiko akong napahinto ng marinig ang tinig ng isang batang lalaki na hirap na hirap sa kaniyang kalagayan.

Nag mamakaawa ang mga mata nitong naka tingin saakin.

Were DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon