Prologue

4 1 1
                                    

Walang kibo ang nag iisang babae na naka kulong sa tuktok ng mataas na gusali habang nakasilip sa maliit na bintana sa kaniyang silid. Bukod sa napaka lawak na karagatan ay wala na sya'ng iba pang makita.

Hindi nya na mabilang kung ilang taon na syang bilanggo ng silid na kaniyang kinaroroonan. Silid na walang ibang laman kundi sya lamang.

Natutulog sa malamig na sahig at tanging puting warat warat na bistida lamang ang kaniyang panlaban sa lamig.

Kamatayan...

Minsan nya ng naisipang wakasan ang kaniyang buhay pero wala syang makitang dahilan para gawin ito.

Itinatak nya sa kaniyang isipan na lalabas sya ng buhay sa Mataas na gulasing ito at babalik para parusahan ang mga taong nasa likod ng kaniling paghihirap.

Napa tingin ang babaeng bihag ng bumukas ito. Pumasok ang lalaking may naka sabit na baril sa tagiliran habang bitbit-bitbit ang tray ng pagkain.

Lumabas din agad to ng silid ng walang binibitawan na salita.

Lumapit sya sa pagkain na dala ng lalaki at sinimulan itong kainin. Hindi pantay ang trato ng mga bihag sa mataas na gusali. Sya lamang ang nakakakain tatlong beses sa isang araw, pero hindi sapat yon para sabihin na masuwerte sya.

Booghs.....

Agad syang napasilip sa maliit na bintana ng makarinig sya ng pagsabog. Malalaking barko ng sundalo ang nakita nyang naglalayag patungo sa Isla na kinaroroonan nya.

Dito na ba matatapos ang lahat?

Tanong nya sa kaniyang isipan. Bumalik na lamang sya sa kaniyang pagkain. Hindi na sya umaasa pa na maligtas ng mga sundalong paparating.

Sobrang taas ng lugar kung saan sya naka kulong. Kaya napaka imposible na makita pa sya nito at mailigtas.
Kung plano naman nilang gibain ang Mataas na gusali. Suguradong kasama sya sa mga guguho, Pati narin ang kaniyang pangarap na makalaya.

To be continue...

Were DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon