2: Ngiting Marikit

168 19 2
                                    

Unang beses kang masilayan,

ika'y 'di na naalis sa aking isipan,
kurba ng iyong labi ng ako'y ngitian,
isa sa napakagandang guhit mula sa nakaraan.

Ngiting para sa aki'y kakaiba,
sa nanahimik na aking puso'y humahalina,
kung aking ipagtatapat maniniwala ka ba?
'di ko man maamin ika'y mahal ko na.

Puso'y nabihag ng iyong ngiti,
tanawing sa pagod ko'y pumapawi,
makita lang kita 'di man palagi,
puso kong ito'y tila laging wagi.

Ngunit sa likod ng iyong ngiti'y may isang katotohan,
hindi pala tayo ang nakaukit sa iyong kamunduhan,
nariyan pala siya't kayo'y nagmamahalan,
puso kong walang laban ay labis na nasaktan.

Sinta ako'y tahimik na lalayo,
masakit man tatanggapin iyan ang totoo,
sa pag-ibig may mananalo't matatalo,
sa larong ito ako ang nabigo.

Sana sa ating muling pagtatagpo,
lahat ng hinanakit sa puso'y maglaho,
ayaw kong isiping puso ko'y tuluyang nabigo,
bigong makuha sa huli iyong mailap na puso.

~ wakas ~

BOOK I: Ang Tula [ REVISED VERSION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon