Bakit kailangang mag-umpisa sa isang napakagandang simula para lang magwakas sa napakasakit na paraan?
parang tayo,
nag-umpisa sa pinakapaborito kong introduksyon,
subalit nagtapos sa hindi ko lubusang maintindihan na dahilan.
Bakit kailangan na ang isang napakagandang awitin kung minsan ay kailangan ka munang saktan?
tila ba ang kantang buko na gustong-gusto kong patugtugin
para lang paulit-ulit masaktan gamit ang ating nakaraan.
Bakit kailangang makilala pa kita kung kailangan lang pala kitang palihim na iyakan sa huli?
Ang mga lihim na pagngiti sa aking puso'y iyong pinalitan sa hulihan ng mga luhang sa gabi'y mga unan ang siyang nag-iisang saksi.
Bakit pakiramdam ko para bang nakilala lang kita para matuto ako ng napakalaki?
Na kung nahulaan ko lamang ay hindi ko mapapayagang sa umpisa pa lang ay ituri kang sa paningi'y 'sang tunay na lalaki.
Bakit kailangang sumulat ng isang napaka madamdaming tula para sa isang taong minsa'y pag-aari na ng iba?
Isusulat sana para sayo ang tulang ito kaso naalala kong ang nakaraan ay ayaw ko ng mas humaba pa.
Bakit kailangang napakaguwapo mo sa umpisa para lang makita kong nakakunot ang iyong mukha sa wakas?
BINABASA MO ANG
BOOK I: Ang Tula [ REVISED VERSION ]
Şiir#684 in POETRY Sa pagbuklat ng aking mga tula, ang kailangan mo lang dalhin ay ang iyong puso at mainam na pag-unawa. ? One book says that what's invisible to the eyes is essential to the heart.