----------------------------------------------------
*KATIE'S POV*
Payapa kaming nag lalakad ni Henrick sa hallway habang magka-holding hands kami ng may tumawag sakin. Ang babaeng laging naka-sigaw.
''KatPusaaa!!'' Isa lang naman tumatawag sakin nyan ee. Hindi ko na kailangang lingunin. Pero kailangan dahil baka mabatukan ako ng wala sa oras.
''Be, nakuha ko na!'' Masaya nyang sabi sakin ng makarating sya sa harapanan namin. Nilakihan ko naman sya ng mata, kita naman siguro nya na andito si Henrick diba? Baka mabuking kami hindi pa nga kami nag-sisimula.
''Anong nakuha mo na? At wag mo ngang tawagin si Katie na 'BE' ako lang pwedeng tumawag sa kanya nun.'' Sabi ni Henrick. Umaatake na naman ang sakit nyang pagiging possessive. Kahit si Jen pinagseselosan.
''Heh! Pake mo ba? Like you can do something about me calling Katie 'BE'. Like what will you do? Block me on her FB? HAHAHA.'' Aaaaannd! Nang-aasar na naman 'tong babaitang 'to.
''OO!!'' Halos pasigaw ni Henrick. Kaya bago pa magsimula ang gera ay nagsalita na ako.
''Mamaya nalang tayo magkita.'' Sabi ko kay Jen.
''Okaaay!.'' Sabi nya at tumalikod na pero humarap din agad.
''BTW, Henrick, you can block me to her FB but never in real life! BWAHAHAHAHA!'' At umalis na sya habang tumatawa pa din na parang baliw.
''Psh. Gustong-gusto talaga nyang iniinis ako no?'' Sabi ni Henrick. Kaya na pangiti nalang ako ng parang nag-dadalwang isip kung sasagutin ko ba yung tanong nya o hindi.
''Weeeelll..''
''That's a long well! So I'm guessing yes.'' Sabi nya. Nginitian ko nalang sya. Dahil totoo naman yun, hilig asarin ni Jen si Henrick at 'tong isa namang 'to ay pikon lagi, kaya it always end up in a war. Haha.
''Pabayaan mo nalang yun. Ganun talaga yun.'' Sabi ko sa kanya at nag-umpisa na kaming mag-lakad.
''Ano nga pala yung sinasabi nyang nakuha na nya?'' Tanong nya sakin.
''Wala yun. May pinapakuha kasi ako sa kanya sa library.'' Pag-sisinungaling ko. WHITE LIES!! Haha. Defensive much?
''Ah, gusto mo samahan kita mamaya?'' Tanong nya. Umiling nalang ako.
''Wag na. Ako nalang mag-isa, kaya ko na naman ee. Tsaka si Jen lang yun, baka naman magselos ka na naman.'' Sabi ko. At baka mag-away lang ang dalwa.
BINABASA MO ANG
Never Mess With The Girlfriend
FanfictionThis is My BIDA-KONTRABIDA story! Never mess with me, 'cause you don't know what I am capable of.- Katie Cover by @jhe_apolinario :))