-2-

85 11 0
                                    

-----------------------------------------

*KATIE'S POV*

''Katie, bilisan mo na dyan! Nasa labas na si Jen.'' Narinig kong sigaw ni Mommy sa baba. Kaya nag-madali na akong magbihis at mag-ayos.

Lagi kasing ang aga nun ee. Which is really weird dahil dati ng mga bata pa kami ay tamad yang gumising ng maaga. Hmm. Kailangan kong malaman ang dahilan. HAHA.

Okay! Tama na ang daldal at akoy bababa na.

''Mommy! Daddy! Aalis na po ako.'' Paalam ko sa kanilang dalwa ang humalik sa cheeks nila.

''Oh sige. Ingat kayong dalwa.'' Sabi ni Daddy.

Lumabas na ako at nakita kong nandun si Jen nakaupo sa tapat ng gate namin.

''Oy! Tara na.'' Tawag ko sa kanya.

''Wow! Good morning din ha!'' Sarcastic nyang sabi.

''Hindi ka na nasanay.'' Sabi ko sa kanya. Ganyan naman kasi akong bumati lagi ee. Kahit sa chat,text,call at kung saan pa. Haha. Pero sa kanya lang, kasi--ewan ko! Basta hindi ako sanay maging formal sa kanya. Siguro dahil komportable na talaga ako sa kanya.

''Oo na! Tara na.'' Sabi nya kaya nag-umpisa na kaming mag-lakad. Oo lakad lang kami, lagi kaming lakad pag-papasok sa school. Trip kasi namin ee. Si Henrick? Ayaw kong sinusundo nya ako, sa school nalang kami magkikita. Mapapagod pa sya kung pupunta pa sya sa bahay namin, ayaw ko namang mangyari yun sa Babe ko.

''Oy! Naka-text mo pa ba si Kaktus hanggang gabi?'' Tanong ko sa kanya.

''Hindi na! Psh. Nakakadiri teh! Parang mas gusto ko pang sabihan si Kokey ng ILY kesa sa mukhang alien na yun.'' Sabi nya na may mukhang nandidiri. Napatawa nalang ako dahil parang nandidiri talaga sya.

''Ginusto mo yan ee. Tsaka wag kang aayaw ha? Hanggat hindi pa natin nakukuha ang sweetest revenge.'' Sabi ko sa kanya. Siya lang naman kasi ang gumagawa ng mga bagay na kahit si Henrick ay hindi mamagawa para sakin. Kaya I consider myself the luckiest person to have her as my bestfriend and sister by heart! AHCK! Ang corny! Haha.

''Oo na! Alam mo naman hindi kita matitiis diba? Umuwi pa ako para lang sayo.'' Sabi nya. See what I mean? Umuwi sya dito para lang sakin ng malaman nyang may umaaligid kay Henrick. Dahil kahit lagi nyang inaasar ni Henrick ay lagi nyang sinasabi sakin na 'Gusto ko kayo nang dalwa hanggang huli. AT AKO ANG MAID OF HONOR!' Oh diba? Kaya umuwi sya dito dahil gusto nya daw bugbugin yung mga babaeng umaaligid kay Henrick. Buti na nga lang pinayagan sya nila Tito Thomas na umuwi dito at dito na magpatuloy ng pag-aaral. Hihi. I'm so lucky! Haha.

''Kaya labs kita ee.'' Sabi ko at niyakap sya.

Never Mess With The GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon