Noong isang araw pa 'to gumugulo sa isip ko. Kaya heto na, bibigyan ko na ng buhay ang mga salita.
-
GROUP PROJECT ni L.J YusoresARAW ng biyernes nang mapagpasyahan naming magtipon-tipon para sa isasagawang group project.
"Buti at sasama ka," Ani ni Nica, ang lider namin
"Kapag ba 'di ako sumama, ipapasa niyo pa rin ako?" tanung ko na nakapagpatikom ng bibig niya
Gano'n naman talaga, dapat mong ipakitang nag-eeffort ka para may grade ka.
Ako si Selena pero mas kilala ako sa pangalang Yna. Hindi ako masyadong nakikipaghalubilo sa mga tao sa paligid ko, kadalasan kasi ay toxic lamang sila para sa 'kin.
"So, guys.. 7PM dapat nasa bahay na tayo, ha." saad ni Nica na ikinatango nalang namin
MAG-AALAS otso na ng gabi nang makumpleto na kaming anim.
"Wala ba ang parents mo rito, Nics?" tanung ni Kyla habang inaayos ang mga upuan sa salas
"Wala, sa Sunday pa ang balik nila. Nasa probinsya sila." sagot naman ni Nica
Abala silang lahat sa paglabas ng kaniya-kaniyang laptop at notes.
Sinuyod ko ng tingin ang buong bahay.
"Ang ganda ng bahay nila 'no? Ang laki at ang gara ng mga gamit."
Napatingin ako kay Lorenz na nakatayo sa likuran ko.
Humakbang siya't tinapik ang balikat ko, "Masaya ako kasi kasama kita. Kahit ngayon lang." kasabay ang isang tipid na ngiti
Hindi ko na lamang siya pinansin at dinaluhan na ang mga kagrupo namin.
Ilang beses na rin akong pinagtsismisan sa department namin dahil kay Lorenz. Lumalapit kasi siya sa 'kin at nagpapakita ng kung anu-anong motibo. Natuldukan lang 'yon lahat nang siya na mismo ang umamin at humingi ng chance, pero.. Tinanggihan ko.
"Ikaw, Yna? May masa-suggest ka bang project na pupuwede nating i-implement sa lugar na iyon?" tanung ni Jake, VP namin sa klase
"Hindi ba, wala silang CR do'n? Bakit hindi nalang iyon." saad ko
"Well, actually.. Pwede 'yon. Kaso, hindi lang naman iisang CR ang ipapagawa natin. Mas ma-effort 'yon and time consuming." litanya ni Lorenz na ikinatango ko nalang
Marami na akong na-suggest pero kinukontra naman 'to ni Lorenz. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa mga suggestion ko, okay naman ang mga 'to.
"Kailangan ka na nila ro'n,"
Ibinaba ko muna ang baso ko at tinapunan siya ng tingin, "MAS kailangan ka nila ro'n. Ang galing mo nga, e." sarkastiko kong sabi
Umayos siya ng tindig at itinukod ang dalawang kamay sa mesa, "May problema ka ba sa 'kin, Yna?"
Saglit ko siyang tiningnan, "Wala," saka ako naglakad palabas ng kusina
Nang bigla niya nalang hawakan ang braso ko, na nakapagpahinto sa 'kin.
"Ano bang punto mo, Yna? Lagi mo nalang akong iniiwasan." kasabay ang isang pekeng ngiti
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at saka ako umayos ng tayo.
"Alam mo kasi Lorenz, masyado ka kasing magaling, e. Simula no'ng mareject kita, nag iba ka na. Naging bitter ka na. Problema rin kasi sa 'yo, masyado kang mayabang. Tingin mo ba 'di ko nahahalata na kinakalaban mo 'ko kanina?" litanya ko na nagpatahimik sa kaniya, "at sa ating dalawa, ikaw ang may problema." dagdag ko
YOU ARE READING
GROUP PROJECT
Mystery / ThrillerREAD AT YOUR OWN RISK. KUNG 'DI MO KAYANG I-HANDLE ANG SOMETHING 'SPG' PLEASE, HUWAG MO NALANG PAG-AKSAYAHAN NG PANAHON 'TO. THANK YOU. - Ang susunod na mga pangyayari ay hango lamang sa makulit na pag-iisip ng manunulat. Huwag seryusuhin.