Chapter 2

1.8K 65 35
                                    

Phoexe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Phoexe

🌑🌑🌑

"P*tang*na mong hay*p ka! Lumayas ka dito! Wala kang ibang ginawa kungdi mangbabae!"

Agad akong nakaiwas sa basong muntik ng tumama sa binti ko. Akala mo, sila lang nakatira sa apartment na 'to eh noh? Akala mo walang naiistorbo sa mga pagaaway nila. Akala mo walang nasasaktan na tenga sa lakas ng boses ng mga kapitbahay. Nakakairita. Araw-araw na lang ganyan ang mag-asawang 'yan at kahit si Nanay Berling (owner of the house) ay naiinis na rin dahil sa marami itong naiistorbo.

Speaking about her, nasa harapan ko na sya. Hirap na hirap pa syang ikawit ang dalawa nyang matabang kamay sa bewang nito para magmukhang "fierce" daw kuno.

"Pasensya ka na, Hija. Ah? Palalayasin ko na rin ang mga 'yan, mamaya. Pasensya ka na talaga, gusto mo dun ka muna sa amin--"

"'wag na po, may pasok din po ako." pagtanggi ko sa kanya.

"Bakit, hija? May gagawin ka pa ba pagkatapos mong pumasok sa paaralan?"

"Uh--opo. Alis na po ako," atsaka ako naglakad paalis. Baka malate pa ako kung makikipagusap ako sa matandang 'yon. Mas comfortable akong magisa kaysa may kasama. It's just like that I feel alive when im alone.

"Teka--" bago pa sya makapagsabi ng kung ano-ano ay binilisan ko pa ang paglalakad ko. Hindi nya na natuloy ang sasabihin nya dahil muntik na syang mahagisan na kung anong bagay na hinagis nung may katandaang babae.

Nakahinga na ako ng maluwag nang makalabas ako ng apartment.

After the day when I get the letter, walang nagparamdam sa akin. Hindi ako binabangungot. Who would not be afraid if the killer knows you? I felt like I've received death threat!

Inaamin kong kinabahan ako dahil sa panaginip na 'yon at hindi makatulog. Pero sa tingin ko kailangan kong mag-ingat sa mga kilos ko. Lalo na't may nakakaalam ng mga drinadrawing ko. Kung magsumbong naman sya tungkol sa mga ginagawa ko, mapapahamak rin sya. But for pete's sake! I got a letter from a stranger and that person knew my biggest secret! It makes me develop my anxiety again.

But then, I decided to keep and shut my mouth about that letter.

Nagpatuloy na akong maglakad papunta ng WU Cafè. Iyon ang part time job ko. Halos whole day akong nagtratrabaho doon kapag walang pasok. Kapag weekends ay whole day ako doon. Umuuwi ako sa unit ko ng 8 o'clock na ng gabi.

Ang sahod ko sa trabahong 'yon ay ang pinangbabayad sa upa ng tinitirhan ko. Kalahati lang ang binibigay sa akin kada buwan. Yes, magkapatid ang may ari ng apartment at ang may-ari ng cafè. Buti nga nakahanap ako ng matitirhan after that incident.

Pumunta ako sa maliit na eskinita kung saan dapat dumadaan ang mga staffs katulad ko bago makapasok sa café. We have our own entrance door for staffs. Bawal kasing pumasok ang mga staffs sa main door ng café, unless costumer ka. Isa sa mga batas 'yon na kailangan tandaan ng mga staffs. Ewan, ang daming alam. Tss.

[1] Shades Of BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon