Chapter II

39 3 2
                                    


" Brenda! Hali kana kakain na tayu" ani Drick na nasa labas ng kwarto naghihintay sa akin para sabay kaming bumaba upang kumain ng hapunan.

Tumayo ako mula sa higaan saka binuksan ang pinto. Matapos ko kasing marinig yung usapan ng mga di ko pa kilalang babae ay bumalik agad ako sa kwarto di ko alam,pero naiinis ako saka bat si Drick pa?.. Tama naman yung isang babae dapat si Osing nalang..

" tara na " walang ganang wika ko sa kanya saka na una ng lumakad. Tamahik lng syang nakasunod sa akin habang pababa kami sa hagdanan.

Mukhang wala ata syang planong kamustahin ako, kung ok ba ako o hindi. Hays!

" hi Drick! " ngiting bati ni Vita kay Drick mula sa likuran nito.

Bat ba biglang sumusulpot ang babaeng ito sa kung saan-saan? Para bang multo. Kainis!

" oh ikaw pala Vita" ngiting bati rin ni Drick dito.

" bababa kayu? " tanong nito sa amin.

Anong pake mo kung bababa kami!? Tss! 

" OO! at BAKIT namn!? " medyo tinaasan ko ang boses para naman marealize nito na naiinis ako sa kanya!.

" chillax lng Bren" wika ni Shedrick na mukhang natatawa sa inakto ko..

" PROblema MO!? " baling ko kay Shedrick na di parin mawala sa mga mukha ang ngiti dahil sa pinakita kong kamalditahan kay Vita.

" Wala. Wala. " sabay taas ng kanyang dalawang kamay na nagpapakita na sumusuko na sya.

" PERFECT! " sabay pitik ng kanyang kamay sa ere. " papunta rin ako don kaya sabay nlng tayu" saka hinablot ang kaliwang kamay ni Drick at saka sabay na silang bumaba.

Nginang babae! Talandi talaga!  Bweset!

Sumunod nlng ako sa kanila habang minumura ko si Vita sa mahinang boses. At ang magaling na babae naman ay abot hanggang tenga ang ngiti habang pasimpleng tinitignan si Drick sa mukha..

Hay nakung babae ka! Ang landi-landi mo!!!

" Dito ka umupo sa tabi ko Drick" hinila ni Vita si Shedrick para makaupo ito sa tabi nya.. Sus kung makaakto tung si Bruha parang boyfie nya si Drick.. Grr! Sarap sapakin!

" cge kumain na kayu " ani Aling Margareth, isa sa mga taga pangalaga namin dito sa orphanage.

Mataas ang nguso kong umupo sa upuan at kumain. Di ako nagsalita kahit isa mas minabuti ko nlng na abalahin ang aking sarili sa pagkain.

Andito ako ngayon sa labas sa may pintuan habang tinitignan ang mga bituin sa langit, di nako sumali sa mga asaran at tuksohan nila sa loob kasi wala ako sa mood makisaya sa kanila,sinira na ng bruhang Vita eh saka pati na rin yung babae na may gusto kay Drick..

" anong ginagawa mo rito? "biglang tanong ni Shedrick sa likod ko.

" anak ng tipaklong Drick!  Bat kaba nanggugulat!? " galit kong sinta sa kanya. Ikaw ba namang gulatin, tignan natin kong di kaba mahihimatay dahil sa gulat.

" sorry kung nagulat kita "paumanhin nya.

Linilingon ko ang mga kasamahan namin sa loob saka nagsalita." Bumalik kana don mukhang nagkakatuwaan sila. " turo ko sa mga nagtatawanan sa loob." ok lng ako dito. Kaya pwede mo nakong iwan" saka ako naglakad papalayo sa kanya.

" Sandali nga lang Brenda, may problema ba tayu ha? " kunot noong tanong nya sa akin.

Siguro napapansin na nya ang katahimikan ko mula pa kanina.. Actually madali lng naman talagang mapapansin kasi lage naman akong madaldal saka minsan ako pa nga ang nangunguna sa mga biruan at asaran pagkatapos naming kumain ng hapunan..

The PromiseWhere stories live. Discover now