Hindi ko alam,kung pano ko ba sisimulan ang araw ko ngayon...gustong gusto ko sanang matulog ng mahimbing at mapayapa,pero pano?
Isa isahin ko nga kung ano yun,una dadating si lolo at kailangan kong magtino
ika-lawa,first day ngayon kaya kailangan ko ding pumasok dahil nga dadating si lolo...letseng matandang yan kung hindi lang yan marunong kumarate!Dadalawa na nga lang puro mabigat pa.
Bumangon nako sa kama at humarap sa salamin
"Ganito na ba talaga ako?"tanong ko bigla sa sarili ko
Tinignan at sinuri ko ang buong sarili ko sa full length mirror
"Wala talagang pagbabago"Bigla akong natawa
Hindi ako mahinhin,hindi din ako mahilig sa mga pambabaeng gamit...in short tomboy daw ako.Hindi ako tomboy,hindi ko din alam kong boyish ba ako o ano.
Yung katawan ko,hindi din kasing puti ng mga babaeng nakikita ko sa school,okay na sana yung katawan ko pero parang na-over sa work-out
Aisshhh...ba't ko ba to iniisip.Basta ang alam ko lang sa sarili ko Hindi ako babae o lalaki hindi rin ako tomboy o bakla
Nag stretch ako ng kamay ko habang naglalakad para masimulan ko na ang araw ko
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Boy
Roman pour AdolescentsNag sisimula palang mali na agad ako...Hindi ko alam kung bakit ganon ang pananaw nila sakin,they don't even bother kung ano ang simula nang kwento ko,sabi ko nga 'Nagsisimula palang Mali na ako'