The Secret Coven Book 5: Last Heaven

6.2K 85 57
                                    

“My love is more than enough for the both of us. Kailangan lang na nandito ka sa tabi ko para hindi ako mawala sa sarili. Not having you around after realizing that I’ve fallen for you really turned my world upside down.”

 

Chapter 1

 

“I am not going back to the Philippines and that’s final!” sigaw ni Rin sa loob ng kanyang kuwarto. Tinakpan pa niya ng unan ang kanyang mukha para lang hindi maalerto ang buong kabahayan nila sa sigaw niya.

 

Ilang beses na niyang ipinaalala sa kanyang ina na wala siyang balak na bumalik sa Pilipinas at pamahalaan ang pharmaceutical company ng pamilya nila. Dahil tapos siya sa kursong Pharmacy ay siya ang pinili ng mga magulang at kamag-anak na humawak ng family business nila. Ang iba kasi niyang pinsan ay may kanya-kanya ng kompanya na inaasikaso.

 

“Rinuha!” sigaw sa kanya ng kanyang Mommy Lyn habang kinakatok nito ang pintuan niya.

 

“Yes Ma?” iritableng sagot niya. Ibinalibag pa niya ang unan at padabog na tumayo mula sa kama. Binuksan lang niya ng kaunti ang pinto bago nagbalik sa kama para muling mahiga.

 

“Your tito Ver will be the one to drop you off at the airport tomorrow evening. Shou will be picking you up from NAIA and then ididiretso ka niya sa binili naming apartment. Your work starts next month as the new CEO of Rueda Pharmaceuticals. Hindi ka na bata, huwag puro karate at muay thai ang inaatupag mo,” litanya ng kanyang ina bago tumalikod. Ang siste, hindi pa nito isinara ang pintuan niya.

 

She was asked by her late Tito Frank ilang buwan bago ito namayapa to take over their family business dahil may background umano siya sa pharmacy. Hesitant siya dahil ano naman ang kinalaman ng pagiging licensed pharmacist niya sa pagpapatakbo ng negosyo? Wala.

 

Idagdag pang mas gusto niyang mamalagi sa US dahil sa dami ng opportunities. She worked part time in a hospital kung saan nurse ang kanyang ina. Kinausap siya ng Hospital Director kung gusto niyang mag-full time at magtrabaho under nito na tinanggap naman niya. In a span of two years ay naging mas maunlad ang ospital nila. With the help of Ivo San Gabriel na isa palang kilalang hematologist ay naging bukas ang ospital nila para sa mga taong may kakaibang sakit sa dugo. Her friend Jane, Ivo’s wife introduced her to the research they’re making. Madaming doctor from all over the world ang nagpupunta sa isa sa mga in campus facility nila para magseminar. Karamihan sa mga ito ay namamalagi na rin para pag-aralan ang mga bagong tuklas na gamot ng mag-asawang San Gabriel. Each doctor takes home so much information that enables them to help people from their own countries.

 

She was the go to person of the hospital’s Director when it comes to medications and research as the Chief Pharmacist. Kung paano niya nagawang mag-thrive ang career niya from being a regular pharmacist to someone who became a key person in a hospital ay hindi niya alam. The only reminder that she has are the countless books and researches that she came up with para sa pinapasukan. Aksidente lang na nakita iyon ng kanilang Director kaya naman heto siya at kabalikat na sa pagpapaunlad ng King James Hospital.

 

Bumuntong hininga siya at pumikit. “I guess it’s about time I take this seriously… but Philippines?” frustrated na tanong niya sa sarili bago nagtalukbong. At least nasa Pilipinas ang mga kaibigan niya at magkikita-kita silang muli after five years. She’s okay coming back but there seems to be someone that will constantly bother her habang nandoon siya, si Vinci.

The Secret Coven Book 5: Last HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon