'Sa pagitan ng tayo'

11 0 0
                                    

"Sa pagitan ng tayo"

Minsang sumagi sa isip ko at sinalo ng puso ko ang mga tanong na ito
Ang mga tanong na bumabagabag sa kaluluwa ko
Meron bang tayo?
Pero habang tumatagal ang ating pagsasamahan
Unti unting naliliwanagan ang aking isipan
Alam ko na ang sagot sa kaisa isang tanong na pinanghahawakan
Merong ikaw at ako ngunit walang TAYO
Merong ikaw dito sa mundo ko
Merong ikaw na nagpapasaya sa isang tulad ko
Merong ikaw  na isinisigaw ng puso ko
Ng paos na paos na puso kong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka
Merong ikaw na sumalo sa paghulog ko
Pero hindi ko aakalaing bibitawan mo din agad ako
Sinalo mo ako para hindi masaktan ang damdamin ko
Pero mas masakit pala yung unti unti mong bibitawan ang puso ko mula sa pagkakahulog ko sayo
Mas masakit pala yung dahan dahang pagbitaw mo sa kamay kong mahigpit na nakahawak sayo
Mas masakit pala yung dahan dahang paghiwalay mo
Dahan dahang paglayo
Dahan dahang pagkawala
At eto ako ngayon
Nakatingala
Nakatunganga
Nagiisip ng paraan kung paano humiwalay sayo
Sayo na unti unting naglalaho
Unti unting lumalayo
Bawat hakbang patungo sa ibang direksyon
Tila ba nagsasabi ng isang mahalagang leksyon
Tila ba ipinamumukha sakin ang mga salitang iyon
Na meron kang parte sa buhay ko
Pero ako wala palang papel sa buhay mo
Minsan kong itinanong sa iyo
"Ano nga ba ako sayo?"
Sabi mo "mahalaga ka sa buhay ko pero hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo"
Mga salitang binitawan mo na paulit ulit sumasaksak sa puso ko
Mali ako may papel ako sa buhay mo at yun ay para maging kaibigan mo
Kaibigan.kaibigan mo.
Masakit? Oo tangina masakit
Pero anong magagawa ko?
Hindi ko naman gustong ipagpilitan ang sarili ko sayo
Pero sana naman hiling ko sayo
Hindi mo na sana ako pinakilig kung di mo kayang panindigan
Alam mo namang malambot ang puso ko at madaling masaktan
Oo mali ako kasi minahal kita at nasobrahan
Nasobrahan na dumating sa puntong ayaw na kitang pakawalan
Pero kailangan.
Kailangan ko ng umalis dito sa mundong ating ginawa
Isip na sinasabing lumayo sayo pero pusong nagmamakaawa
Hanggang dito nalang ba talaga?
Wala bang pag asang lumagpas sa pagitan ng ikaw at ako?
Pagitan ng mga pader na iyong binuo?
Na pilit kong sinisira dahil ayoko ng ganito
Ng manatili sa ganito
Na manatili lamang sa pagitan ng ikaw at ako.

Talaan ng NararamdamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon