'Laro ng tadhana'

7 0 0
                                    

"Laro ng Tadhana"

Umpisahan natin to sa simula
Sa simula kung saan nahulog ka sakin ng bigla
Hindi inaasahang hahantong sa ganito
Nag umpisa tayo sa laro na diko aakalaing seseryosohin mo
Pinagbigyan kita
Kasi ayokong masaktan ka
Pag nalaman mong hindi sapat ang nararamdaman ko sinta
Pero hindi ko kaya
Hindi ko kayang makita kang masaya sa mga peke kong pagsabing mahal kita
Kahit hindi naman talaga
Kaya iniwan kita
Iniwan kita ng hindi alam ang dahilan
Gulong gulo ang isip mo tinatanong sa sarili anong ginawang mali?
Wala kang ginawang mali
Ginawa mo lahat para ako'y manatili
Pero pasensya na hindi ko talaga kayang manatili
Kaya iniwan kita
Iniwan kitang umaagos ang mga luha sa mata
Sa dagat ng kalungkutan magisa ka ng namamangka
Ayaw mong makita ang unti unting paghakbang palayo sayo sinta
Kaya ako nalang ang tumingin sa unti unting mong pagkawala
Ngunit lumipas ang ilang segundo,minuto,araw,buwan at taon
Para bang may parte sakin na biglang nawala ngayon
Tila ba hinahanap ko ang mga ginagawa mo sakin noon
Saka lang ako nagising sa katotohanan
Minahal na din pala kita ng lubusan
Kaya bumalik ako sa dati nating tagpuan
Nagbabakasakaling ika'y muling masilayan
ikay muling mahagkan
Ngunit ng makita kita
Puso ko'y biglang nanghina
Isip kong nawalan ng pag asa
Nakita kita oo nakita kita
May kasamang iba
Masaya ka sa kanya
Masaya ka na pala
Libo libong bakit ang sumagi saking isipan
Pilit sinasagot ng aking nararamdaman
Nakita kita at nakita mo ako
Pero tila ba hangin ,dinaanan mo lang ako
Mahal bumalik na ako
Eto ako yung dating minahal mo
Handa ng suklian ang pagmamahal mo
Bumalik na ako
Nandito na ako
Pero biglaang sabi mo
"Pasensya na may iba na ako
Napuna na nya ang mga hinahanap ko sayo
Napasaya nya ang wasak kong puso
At higit sa lahat,minahal niya ako ng totoo"
Bakit sobrang sakit?
Na tila ba puso ko'y napupunit
Nahiwalay sa katawan ko,tangina ang sakit
Ang hirap pala magtiwala sa tadhana
Bakit ganito huli na
Mahal na kita pero mahal mo na sya
Bakit pa kasi iniwan kita
Ngayon isip at puso ko'y nagsisisi na
Dapat maaga palang natutunan ko na
Dapat pala sinabayan ko ang laro ng tadhana
Dun kasi tayo nagsimula
larong sa huli ko sineryoso
Tadhana tuloy ang tumapos dito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Talaan ng NararamdamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon