Chapter 1: Leaving You

5 0 0
                                    

Sky's POV

Umaga ng June, araw ng Sabado, hinatid ako ng matalik na kaibigan kong si Ceng sa Terminal ng bus.
Ceng: Aalis ka na talaga?
Ako: oo. Hindi ko na kayang makita pa si Sebby. Ayaw ko na. Nasasaktan ako everytime na nakikita ko siya. Kailangan ko magpakalayo talaga. At tsaka ceng, sa maynila rin naman talaga ako mag kokolehiyo e.
Ceng: Mag ingat ka sa byahe ah? Alam ko naman minahal niyo isa't isa pero siguro eto kailangan niyo.
Ako: Salamat Ceng

At niyakap ko siya ng mahigpit. Aalis na kase ako. Pupunta ako ng Manila para dun an magstay hanggang sa grumaduate ako ng college. Dun ako kila tita Jes titira pansamantala. At sabi ko sa sarili ko. Hindi ako uuwi ng probinsya hanggat hindi ako nakakamove on kay Sebby.

Papaalis na yung bus ay nakita ko si Ceng sa labas ng bintana. Nakita ko rin siya. Oo. Siya. Tumatakbo papalapit. Pero napahinto nalang siya. Di ko na siya nilingon at hinanda nalang yung sarili ko na umalis.

May natanggap akong text message galing kay Ceng

Ceng:

"Pinuntahan ka ni Sebby. Lintek to. Lakas ng loob magpakita e aalis ka na. Bigwasan ko to e. Umalis na ako agad nung nakita ko siya. Hays. Kalimutan mo na siya ah! Mag ingat ka sa byahe mo. Susunod ako sa july. May aasikasuhin lang ako"

Sobrang galit naramdaman ko nung nalaman kong pinuntahan niya ako. Pero huli na. Paalis na ako. Nireplyan ko ang bestfriend ko. Ang sabi ko ay;

"Sige. Thank you. See you soon"

At natulog na ko sa byahe, ng may pusong puno ng lumbay at galit na ang nais lang sa ngayon ay lumayo sa sakit na dulot ng pagibig.

After 6 years

Nakagraduate na ako. So far. Masaya naman college life ko. Sabay kaming grumaduate ni ceng and we spent college together.
And ever since nuon di pa ako umuuwi ng probinsya. Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa siya kayang makita.

Papasok ako sa unang job interview ko, bumungad saakin ang isang babae naka blackdress. "Miss, Are you ready for your job interview?"

"Yes. Opo, uh saan po ba ako papasok na room?" Tanong ko sakanya sa sobrang kaba ko, syempre, first time kong mag apply sa isang job. For sure kayo din pag na-experience niyo ito, magmumuka din kayong tanga gaya ko.

"That room miss" and tinuro niya yung room na malapit sa front desk. Actually magkakalapit lang mga rooms dito, hindi naman kasi ganun kalaki yung building, 2 floors lang.

"Ah. Thank you po." Pagpapasalamat ko sa babae sa pagturo ng room kung saan ang job interview. Pumasok ako sa room kung saan niya sinabi. Duon may mga taong naka upo sa isang mahabang table, alam mo yung parang ginagawa nila sa movies? Kung saan nagmimeeting yung mga officials ng company, ganun! Parang ganun ang meron dito. Pero, tatlong tao lang ang nandito. Isang matandang lalaki na medyo 50's, lalaking 30's and isang babae na 30's.

"Hi Ms. Ramirez." Bati nung lalaking 50's ang age. Grabe yung kabog ng chest ko. Kinakabahan talaga ako. "Hi po Sir." Bati ko pabalik sakanya, *Sigh Grabe, kinakabahan ako.

"I am Rodrigo Tolentino. CEO of the company."  " This is my son James Tolentino, company's President." Pagpapakilala ni Sir. Rodrigo sa anak niya. Yung 30's ang age kanina, "And this is Beatrice Romualdez, James' Executive Assistant." Pagpapakilala niya sa babae na yung 30's din ang age. After nuon, The Job interview went well, Tanong diyan, tanong here, tanong everywhere, endless katanunangan, example, 'Bakit mo gustong magtrabaho dito?' 'Masipag ka ba?' 'May experience ka sa publishing and editing industry?' Nakakapagod na tanong, pero thankfully nakuha naman ako sa job.

Patungo Sayo ( A Love Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon