Sky's POV
*ding*
Kakagising namin ni ceng.
"Oy may nagtext sayo!" Sabi ni ceng habang pinipilit labanan ang antok
Dali dali kong tinignan yung message. At laking gulat ko. Napasigaw pa ako. "SHITTTT !!!"
Nagulat si Ceng sa pag sigaw ko at dali daling bumangon sa higaan "ANO YON? ANO MERON?" tanong niya saken
"Shet friend, May reunion ng batch namen nung highschool. Invited tayo. Tinext ako ni Mika" sabi ko sakanya, Habang nakatitig sa kawalan.
"Ano ba yan?! yun lang? oh edi pumunta tayo."
"Pero kasi ano e..."
"Anong pero? Matagal na panahon na ang lumipas Sky. kaya mo na yan wag ka mag alala. Tsaka ilang araw lang naman e. wala naman sigurong bongga na pangyayare ang magaganap ng isang araw lang." sabi ni Ceng
"Alam mo? siguro nga tama ka, tsaka baka wala rin naman yun dun e. diko nga alam kung buhay pa yun o ano, Nakablock parin siya sa Facebook ko" sabi ko kay Ceng.
"Tama! kailan ba yan? san daw?" tanong ni ceng.
Inexplain ko sakanya details about sa reunion. After nun ay mag breakfast na kame, Sabado kase ngayon. Yung reunion nga pala e sa Isang araw na. Mag bubus nalang kame para mabilis byahe, tutal isang araw o dalawa lang naman kame duon kaya di na ako magpapaka hassle pa na magdala ng sasakyan.
---------------------------------
"Nakaempake ka na ba?" Tanong ni Ceng saakin
"Oo. Hindi naman ganun kadami dadalhin ko e." sabi ko
"Tara na. alis na tayo baka maiwan tayo ng bus." sabi ni ceng at kinuha ko na yung mga gamit ko
Lumabas na kami sa apartment ko at pumunta sa sakayan ng bus.
Grabe, Ang daming tao, Yung tipong may naiinip, may natutuwa kase ngayon lang makakauwi sa mga pamilya nila, May mga batang umiiyak, may mga tao naman walang pake sa mundo at may mga taong takot bumalik sa nakaraan. Parang ako. Takot bumalik sa 'nuon'
sumakay na kami sa bus. Tabi kami ni Ceng ng upuan, siya yung nasa bandang salamin, pero yung katapat namin upuan e may babae. Bata, mas bata saamin, Siguro College pa lang to. Ilang oras na kami bumabyahe at kanina ko pa siya napapansin. Sabog na sabog yung earphones niya ng mga sad love songs, yung tipong pang broken talaga, At di ko lang naiwasang isipin yung sarili ko nung lumuwas ako papuntang manila para mapalayo sakanya. ganyan na ganyan din ako, Umiiyak habang papalayo, luha tumutulo pero pilit pinipigilan dahil baka makita ng iba mapagkamalan pang baliw ako.
Rinig na rinig ko talaga yung tugtog niya, naririnig ko bawat lyrics, Grabe si ate, sobrang wasak
Pasensya na, kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa
Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakitBaka sakaling makita kitang muli
BINABASA MO ANG
Patungo Sayo ( A Love Story )
RomanceHanggang kailan magpaparaya? Hanggang kailan ang pantasya? ng kilig at saya? Hanggang kailan hihiling sa may kapal Magtitiis pa ba sa hirap? Lahat titiisin Lahat gagawin Makabisado lang daan patungo sayo. (Based on true events)