C Y R I L
Napamura na lamang ako sa aking isipan nung nakita ko ang lubo na nakatingin sa amin at parang tinitignan kami na mistulang masarap na hapunan niya.
At dahil dun ay binalot ako ng takot at kaba. Takot para sa ano man ang mangyari at kaba para sa aking nakakabatang kapatid.
Kahit na magsisigaw at humingi ng tulong o tumakbo man kami palayo ay alam kong mahahabol parin kami ng lubo.
Hindi ko na alam ang gagawin. Parang nawala ako sandali sa sariling katinuan. Basta ang nais ko lamang ngayon ay maging ligtas at buhay si Ynia.
"K-kuya?"Wika ni Ynia na nanginginig at takot na takot nung napansin niya na nasa harapan ko na ang lubo na handa ng kumitil ng buhay naming dal'wa.
Nilingon ko siya at nginitian. "Wag kang mag alala kulit. Makaka uwi din tayo at sisiguraduhin ko sayo na maglalaro pa tayo."Sabi ko sa kanya upang mabuhayan siya ng loob at hindi makain ng takot.
Kahit na alam kong imposible ngunit gagawa ako ng paraan upang maging ligtas si Ynia. Kahit na ibuhis ko pa ang buhay ko para sa kanya.
Napahawak siya sa braso ko habang umiiyak nung biglang umungol ang lubo.
"Sh*t ang laki ng lubo at parang nagtatawag pa ito ng kasamahan niya."Sabi ni Cyril (Ynia's older brother) sa kanyang isipan.
"Kuya Cy alis na tayo." Umiiyak na saad ng aking kapatid at hinihila ako papalayo.
Kahit labanan ko pa ang lubo ay alam kong wala pa rin itong patutunguhan kaya habang wala pa ang mga kasamahan niya ay dahan dahan akong umatras habang nasa likuran ko si Ynia.
Habang papalayo kami sa lubo ay siya namang papalapit sa amin.
Nung nakarinig na ako ng mga malalakas alulong na papalapit sa amin ay walang paligoy ligoy na binuhat ko ang aking kapatid at tumakbo ng mabilis sa abot ng aking makakaya.
Nagsisigaw ang kapatid ko nung hinabol kami ng lubo at ng mga kasamahan niya.
"Kuya!"Sigaw ni Ynia nung may lubong humarang sa dadaanan namin kaya dali dali akong pumihit sa kaliwa ngunit wala na din kaming matatakbuhan dahil ngayon ko lang napagtanto na napapalibutan na pala kami ng mga lubo.
Humahagulhol na yumakap sa akin si Ynia sa kabila ng panginginig ng kanyang katawan. "Shh.. Tahan na."Sabi ko sa kanya at tinapik tapik ang ibabaw ng ulo niya. Pero di niya ako pinakingan at umiyak lang ng umiyak.
"Grawwr!"Ungol ng lubo at unti unting humahakbang papalapit sa amin.
"W-wag kang lumapit."Sabi ko sa kanya at itinaas ang kamay ko at ibinuka ang palad na parang nagsasabing h'wag siyang lumapit.
Nagulat na lamang ako nung nag anyong tao ito at humahalakhak sa harapan ko. Kaya napakunot naman ang noo kong tumingin sa kanya.
"Takot ka?"Saad niya na parang nasasayahan sa nakikita niya. Ngunit nginisihan ko lang siya kaya biglang nawala ang mga ngiti nito sa labi at sa isang iglap kang ay hawak na ako nito sa leeg.
"K-kuya!" Paos na sigaw ng kapatid ko habang hawak hawak ng isang lubo.
"B-bitawan mo ang kuya ko. Nagmamakaawa ako."Sigaw ni Ynia habang nagpupumilit na makalaya sa pagkakahawak sa kanya ng mga lubo.
Tumingin siya sa akin na umiiyak. Ang pinaka ayaw kong makita sa kapatid ko ay ang umiyak ito at nahihirapan. Nagagalit ako sa sarili ko dahil humantong pa sa ganito ang lahat.
Nagulat na lang ako nung may mga kamay ang humawak sa magkabila kong braso.
"Alam mo. Malaki ang kasalanan niyo sa amin. Mga hunters."Saad niya bago kinalmot ang kaliwa kong braso kaya napasigaw naman ako at napangiwi sa hapi.
BINABASA MO ANG
Snow White is a Vampire
VampireUPDATES EVERY SUNDAY ʜᴀʟғʙʟᴏᴏᴅ sᴇʀɪᴇs 1 ʙʟᴏᴏᴅʏ ᴍᴏᴏɴ ɪɴ ᴛʜᴇ ᴅᴀʀᴋ sᴏ ʙʀɪɢʜᴛ ɪɴ ᴛʜᴇ ɴɪɢʜᴛ sʜᴏᴡ ᴍᴇ... ᴡʜᴏ ᴡɪʟʟ ʙᴇ ᴍʏ ɴᴇxᴛ sʟᴀᴠᴇ ᴛᴏɴɪɢʜᴛ ʜᴇʀ ʟɪᴘs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴀs ʙʟᴏᴏᴅ ʜᴇʀ ʜᴀɪʀ ɪs ʙʟᴀᴄᴋ ᴀs ɴɪɢʜᴛ ʜᴇʀ sᴋɪɴ ɪs ᴡʜɪᴛᴇ ᴀs ᴀsʜ ᴡᴇʟᴄᴏᴍᴇ ᴛᴏ ᴍʏ ɴᴇᴡ ᴡᴏʀʟᴅ... ʜᴇ ᴇᴠɪʟʏ sᴍɪ...