Nagising ako sa isang puti at malaki na kwarto. Teka, nasaan ako? Nasaan si Ynia?Teka lang? Naka uwi na ba kami?
Nung akmang babangon na sana ako upang hanapin si Ynia ay may dalawang mga kamay ay pumugil sa akin at pinahiga akong muli.
"Ina..."Sabi ko at parang naiiyak na tinignan siya.
"Ina..."Muli kong saad at oras na ito ay tumulo na talaga ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ako bakla ngunit tao din ako at nakakaramdam. Niyakap ako ni ina at sinabing okay lang daw ang kapatid ko. Si Ynia.
"Ano po anh nangyari? Paano po kami naka uwi rito ina? At saka si Ynia..."Tanong ko sa kanya habang nakayuko lamang at tanging ang mga daliri ko lamang ang aking tinitignan.
Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa mata niya dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang ipakita sa kanya ang anak niyang walang naguwa upang iligtas si Ynia.
Hinawakan niya ang kamay ko na kanina ay nilalaro ko at tinignan ako sa mga mata na may mga munting ngiti sa labi.
"Alam kong nag aalala ka para sa kapatid mo ngunit maayos lang siya. At nakita kayo ng isa sa mga kasamahan ni iyong ama kaya dali dali itong humingi ng tulong at idinala kayo rito sa bayan."Sabi niya sa akin. Teka? Nakakita? Bakit wala akong maalala na may tumulong sa amin.
"Pero bakit wala akong nakitang tumulong sa amin."Naguguluhan kong tanong kay ina.
Ginulo niya muna ang buhok ko habang bahagyanh tumatawa. "Hay nako anak. Alam mo ba habang umiiyak kang buhat buhat ang kapatid mo sa kabila ng mga pinsalang natamo mo ay nagawa mo paring mag lakad at makapunta sa may bukana ng gubat? Kaya yun ang naging dahilan upang makita kayo ng mga kasaman ng ama mo."Sabi niya sa akin na ikinalaki ng mata ko.
Impossible. Hindi ko binuhat si Ynia dahil hindi na kaya ng katawan ko at maski ako ay nanghihina na. Ano ngaba ang totoong nangyari?
FLASHBACK
"Ynia..."Tanging sabi ko nung makita ko ang kapatid ko na nakahandusay sa sahig at nag aagaw buhay. Sa akin dapat 'yun eh! Sa akin.
Nanginginig akong lumapit sa kanya at binaliwala ang mga lubong nasa paligid namin. Naluluha akong tinitignan ang aking kapatid. Ang sama kong kuya. Wala akong kwenta!
"Tsk. Tapusin na natin itong isa."Giit ng isa sa mga kasamahan ng lubo ngunit di ko yun pinansin at ang mga mata ko at nakapukol lamang sa aking kapatid.
Tumawa muna ito bago sumagot. "Hindi."Seryosong saad nito na ikinalingon ko. Ano pa't hindi nila ako tatapusin kung nasimula na nilang saktang ang aking kapatid? Ano ba ang binabalak nila?
"Bakit?"Agad na sagot nito at naguguluhang tinignan ang kanyang kasamahan.
"Bakit? Dahil gusto kong makita silang mag dusa. Ang makitang unti unting nababawasan ang mga angkan nila."Mala demonyong saad nito na naging dahilan upang mag tiim bagang ako at nanggigigil sa galit.
Pumikit ako dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko. Hindi, walang mawawala, walang mamamatay. Buhay ang kapatid ko. Buhay si Ynia.
Nakarinig ako ng mga papaalis na yabag ng mga paa kaya napalingon ako rito at nakita ko ang leader nilang anim na nakangisi at ay malaking ngiti sa labi.
"Hindi pa kami tapos. Nag sisimula palang kami. Babawiin namin kong ano man ang inyong kinuha at maghihigante kami."Sabi niya at tuluyan ng nawala sa aking paningin.
Pagkatapos nun ay parang dahan dahang nauubos ang natitira kong lakas. Parang ang kaninang galit na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng sakit at pagkadismaya.
Mag gagabi na ngunit hindi parin kami nakaka uwi. Hindi ko kayang buhatin ang aking kapatid dahil maski ako ay nanghihina narin at baka sa mga oras na ito ay mawawalan na ako ng malay.
Napalingon ako sa aking kapatid na hanggang ngayon ay nakapikit parin. Please, Ynia gumising ka na oh. Gising na k-kulit. Sabi ko at humahagol hol sa harapan niya.
Hanggang sa unti unti ay bumibigay na ang katawan ko. Ngunit bago iyon ay may naaninag ako. Isang babae. Papalapit ito sa amin ngunit huli na nung biglang dumilim na lamang ang lahat.
End of Flashback
Matapos kong isipin lahat ang nangyari ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto kaya sabay kaming napalingon ni ina dito.
"Ama..."Bulong ko nung nakita ko siyang iniluwa ng pinto at agad na tumingin ang kanyang mga seryosong mata sa akin. Bigla na lamang akong nakaramdam ng kung ano at kinabahan ng sobra kaya napayuko nalang ako at napalunok. Nakakatakot ang presensya ni ama kaya ayaw ko siya suwayin.
"Cyril Klent Romero."Sabi niya sa boung pangalan ko na ikinalingon ko.
"A-ama. Mag papaliwanag ako."Sabi ko sa kanya na kinakabahan.
"Magpaliwanag? Sige ipaliwanag mo sa akin kong bakit nagkaganun si Isabel? At bakit kayo napunta roon."Sabi niya na pinipigilang gumaas ang boses At Oo Isabel ang tawag niya kay Ynia. Ang pangalawang pangalan niya.
Pumikit muna ako ng mariin at sunod sunod na lumunok.
"N-nagpumilit po kasi si Ynia. Alam ko po na binalaan niyo na kami doon ngunit sadyang matigas lang talaga ang kanyang ulo."Saad ko na nauutal.
"Nagpumilit? Huh? Cyril?!"Sabi niya sa mataas ng boses at agad naman siyang pinakalma ni Ina.
"Gabriel huminahon ka. Anak mo yan."Sabi ni Ina at hinawakan si ama sa braso.
"Ngayon. Paano kayo nagkaroon ng mga kalmot ng lubo?"Sabi ni ama at parang na statwa naman ako sa kina uupuan ko ng marinig ko iyon. Lubo...
"Sumugod sila sa amin."Saad ko ngunit di kumibo si ama kaya nagpatuloy na lamang ako sa aking sasabihin. Alam ko na galit na ngayon si ama lalo nn't tungkol ito sa mga lubo.
"at may sinabi sila. Pagbabayaran daw natin ang ating nagawa sa kanila. At nagsisimula na sila."Huling saad ko at nagulat na lamang ako na biglang nag wala si ama at lumabas sa aking silid na padabog.
Patawad ama...
Matapos umalis ni Ama ay sinundan siya ni Ina sa labas.
Kaya dahan dahan akong tumayo at kinuha ang wheelchair malapit sa kama ko. Masakit pa ang mga binti ko at baka mabinat pa ako.
Lumabas ako sa aking silid at hinanap ang aking kapagid.
.
.
."Ina ayos lang po ba si Ynia?"Tanong ko sa aking Ina habang hawak hawak ang kamay ng aking kapatid.
"Oo, ang sabi ng doktor ay pahinga na lamang ang kanyang kailangan."Sagot niya habang tinitignan ang natutulog kong kapatid.
K
aya simula nung naging maayos na ako ay ako na ang palaging nagbabantay kay Ynia habang abala si Ama sa pamamalakad sa bayan dahil isa siya sa may matataas na tungkulin at si Ina na siyang nagbabantay at nag aalaga din kay Ynia.
•••
HalfBlood Series 1
Snow White is a Vampire
By:♡ᴛʜʀᴏɴᴇs
BINABASA MO ANG
Snow White is a Vampire
VampireUPDATES EVERY SUNDAY ʜᴀʟғʙʟᴏᴏᴅ sᴇʀɪᴇs 1 ʙʟᴏᴏᴅʏ ᴍᴏᴏɴ ɪɴ ᴛʜᴇ ᴅᴀʀᴋ sᴏ ʙʀɪɢʜᴛ ɪɴ ᴛʜᴇ ɴɪɢʜᴛ sʜᴏᴡ ᴍᴇ... ᴡʜᴏ ᴡɪʟʟ ʙᴇ ᴍʏ ɴᴇxᴛ sʟᴀᴠᴇ ᴛᴏɴɪɢʜᴛ ʜᴇʀ ʟɪᴘs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴀs ʙʟᴏᴏᴅ ʜᴇʀ ʜᴀɪʀ ɪs ʙʟᴀᴄᴋ ᴀs ɴɪɢʜᴛ ʜᴇʀ sᴋɪɴ ɪs ᴡʜɪᴛᴇ ᴀs ᴀsʜ ᴡᴇʟᴄᴏᴍᴇ ᴛᴏ ᴍʏ ɴᴇᴡ ᴡᴏʀʟᴅ... ʜᴇ ᴇᴠɪʟʏ sᴍɪ...