Confession 11

4 1 0
                                    

Habang nasa byahe pauwi ay nag aupload ako ng mga pictures kanina. Nag upload ulit ako sa IG ng groufie namin at itinag si Raphael dahil nagbabakasakali akong mapapansin nya ulit yon. Nagpasalamat ako sa kanya at humiling na sana mabati nya ako!

Pagkadating sa bahay ay gustong gusto ko ng magkwento sa bestfriend ko tungkol sa mga nangyari kanina pero parang bad mood sya kaya natulog na lang ako. Pagod na din naman ako e.

Kinabukasan, after duty ay nag open agad ako ng Instagram at nagbaka sakaling nagcomment sya sa pinost ko. Pero laking tuwa ko ng nag comment nga sya at binati ako ng Advance Happy Birthday. Ngayong linggo kasi ang birthday ko, at ngayong linggo sya ang unang bumati sakin. Kahit alam kong request ko din yon, kilig na kilig ako!

Palapit na ng palapit ang araw ng birthday ko at isa lang ang hinihiling ko. Ang maging friend kami sa facebook! Hanggang ngayon kasi hindi pa kami friend e!

Birthday ko ngayon kaya nag message ako sa isa sa barkada nyang friend ko sa facebook. Si Ate Celine, close na close kasi sila. Para nga silang magjowa kung titignan e. Kahit alam kong malabong mapansin yon, nagbaka sakali pa din ako! Medyo kilala na din naman nya ako e. Nag request kasi akong humingi ng fs or vg sa kanila at buong buo na ang birthday ko! Napakaimposible talaga ng nirequest ko, pero nandon pa din yung umaasa ako. Gumabi na at lahat pero wala pa din, ni hindi pa din nya naseseen yung message ko kaya nawalan na ako ng pag asa.

Kaya binasa ko na lang isa isa yung mga greet sakin galing sa kung kani kanino. Raphers ang may pinaka madaming bumati sakin. Nakaka overwhelm dahil yung inaakala kong wala lang sa kanila ay may halaga pala sa kanila. Pahabaan sila ng mga sweet message at kung ano ano pa. Hindi ko inaasahan na mangyayari to. Isa to sa birthday na hindi ko makakalimutan. Nireplyan ko isa isa yung mga bumati sakin.

Kinabukasan, pagkatapos ng duty ay nagreply sakin si Ate Celine. Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa pagkabigla dahil may VG ako ni Raphael. Naluha din ako sa sobrang saya at napasigaw. Kahit mali sa una yung sinabi nyang pangalan pero itinama din naman nya ito. Sobra sobrang saya yung naramdaman ko. Sobrang unexpected talaga. Kaya todo pasalamat ako kay Ate1. Dun ko naramdaman na worth it talaga yung pagfafangirl ko sa kanya.

Kinabukasan pa, birthday naman ni Mama. Bumati ako sa kanya sa facebook. Syempre gaya ng nakasanayan ko, long sweet message. Isa ang facebook sa pinasasalamatan ko, dahil kasi sa facebook nasasabi ko kay mama yung mga hindi ko masabi sa personal. Nagthank you ako sa kanya dahil sa pagmamahal at suportang binigay nya sakin.  Sobrang pasalamat ako sa kanya kasi halos lahat ng bagay sinusuportahan nya kahit sa luho ko at lalong lalo na sa pag fafangirl ko. Sobrang swerte ko dahil meron akong Mama na suportado ako. Sya pa nga nangunguha ng bayabas para dalhin ko kay Raphael e.

Mga after 3 hrs. Sumagot si Mama sa pinost ko. Mahaba din ang sagot nya pero dun ako kinilig sa sinabi nyang Sana next time na pangunguha ko ng bayabas para dyan sa idol mo ay jowa mo na sya. Ay di pa nga pala kayo friend sa facebook kaya malayo sa katotohanang maging jowa mo sya haha. May pang iinsulto sa sinabi nya pero still, kinilig ako! Iniscreen shot ko yung reply ni mama at sakto namang nag post si Raphael tungkol sa Book Signing nya this week end na gaganapin sa Cavite. Kaya ikinomment ko yung screenshot ng sinabi ni mama. Tapos nagcomment ulit ako ng Add mo na kasi ako Kuya! Ako yung taga supply ng bayabas mo! Hindi ko alam kung mababasa pa nya yun dahil dagsa agad ang comments.

Maya maya ay may nag friend request sakin, Raphael Santos wants to be your friend. Nanginginig pa ang kamay kong inaaccept ang friend request nya! Hindi ako makapaniwalang friend ko na sya sa facebook. Nakakatawang isipin na friend palang naman kami sa facebook pero grabe na yung tuwa ko. oo na! Ang oa ko, fangirl e! At isang achievement sa fangirl ang maging friend mo sa facebook at hinahangaan mo.

Sunod kong ginawa ang maghanap ng kasama papuntang Cavite. Hindi na daw kasi makakasama yung mga kasama ko sa Rizal dahil hindi na sila makakatakas. Yung isa naman, hahabol lang daw sya. Balak ko sanang maaga pumunta.

Nag chat ako sa gc at dun ako nakahanap ng kasama. Dalawa kaming pupunta kaya Go na Go na talaga. Sana lang, hindi pa nakakapag schedule ng medical service ang mga kasama ko para maka Go na talaga ako.

Mamayang gabi, magpaalam ako sa kasama ko para hindi agad sila mag schedule. As usual, absent ulit ako! Naku Raphael, masyado akong naaadik sayo!

Confessions of a ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon