(Tzuyee's POV )
Nagising ako dahil sa namimilipit kong paa
Shit !
Hindi ko maigalaw ang paa ko dahil namumulikat iyon kaya naman ay humiga ako ng maayos at itinuwid ang aking higa
Maya mayay unti unti ko na iyong naigagalaw pero masakit parin ang paa ko
Bigla Kong naalala may training pala ako ngayon
Tumingin ako sa orasan sa side table ko at alas kwatro palang ng madaling araw kaya may oras pakong kumilos at magluto ng umagahan namin
Ngayon ang training ko sa swimming at 5:00 ay dapat nasa school nako para makapag stretching pako
Ng magawa ko ng makalakad ay nagtungo nako sa walk in closet ko at daretsyong naligo at pagkatapos ko ay inayos ang damit ko para sa swimming ko at iba ko pang gamit pang pasok
Pagkatapos Kong ayusin ang mga gamit ko ay parang magbabakasyon lang ako sa dami Kong bitbit na mga bag pero sanayan nalang siguro pag isa kang sporty person e
Bumaba nako at dumaretsyo nako sa kusina pero nagulat ako makita ko si Viv's Lyn na nagluluto ng fried rice
"Oy Vivs aga mo naman ata gumising ? " sabi ko sabay upo sa upuan para kumain , nakapagluto na pala sya ng tocino , hotdog , at pancake na nakahain na at yung fried rice nalang yung kulang
"Para makapagalmusal ka ng maaga Viv's LL , training mo ngayon diba ? Tsaka para makapag jogging pako bago pumasok " sabi nya sabay lapag ng fried rice na kakatapos lang nyang lutuin " ayan kumain kana para makapunta ka ng maaga sa school at makapag stretching ka pa , ako naman ay maliligo na at pagkatapos mo iwan mo na yang pinagkainan mo jan at isara mo yung pinto , ingat sa pagpasok " tuloy tuloy na sabi nya at ako naman ay sinimulan ko nang kumain
Maya Maya din ay natapos nakong kumain at kinuha ang gamit at susi ko para makaalis na , napatingin naman ako sa wrist watch ko at 4:50 na yung goal na oras ko ang hahabulin ko kaya naman ng maayos ko ang mga gamit ko ay naghelmet nako at inistart ang motor ko at umalis
Nagmaneho ako ng mabilis dahil maaga pa naman kaya wala pang masyadong sasakyan kaya naman walong minuto lang ang tinagal ko sa motor at ipinark iyon sa parking lot sa likod ng school namin at binuhat ko lahat ng gamit ko at dumaretsyo sa swimming pool
Kaagad Kong nakita ang caretaker ng swimming pool area na kakatapos lang maglinis
"Magandang umaga ho" sabi ko at nginitian si kuyang guard at ngiti din ang ibinalik nya saken
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagtungo sa mga locker at Hindi nako nagabala pang hanapin yung locker ko dahil pangalan ko na agad ang bungad kaya inayos ko na ang mga gamit ko at nagtungo na sa cr para makapagpalit na ng swimmer's uniform
YOU ARE READING
Its a sporty thing ( Sporty Love )
Teen FictionSporty Cool Girls Meets The Sporty Badboys