Jelo's POV
(picture on the side of Kim Woo BIn as Jelo)
Galing ako sa library para hanapin si Erich pero wala siya, ng pumunta ako sa canteen nakita ko siyang kausap si Ellen.
Lalapitan ko sana sila pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay narinig ko silang nag-uusap tungkol sa isang bagay.
"Ano gusto mo na ba talaga siya?" tanong ni Ellen na mukhang hindi niya ako nakita sa harap niya
"Ewan ko, parang. . . Nung nasa hotel kami parang ang saya-saya ko nun? Parang ayaw ko na siyang mawala sa akin?" seryoso niyang sabi
Hotel?
May kasamang ibang lalaki sa hotel si Erich??
Napakuyom na lang ako ng marinig ang pinag-uusapan nila pero nakinig na lang muna ako.
"Totoo na ba yan? Alam ba ni Kairen ang nararamdaman mo?" tanong ulit ni Ellen
Kairen??
Yung tomboy na transferee??
Inlove si Erich sa isang Tomboy!!?
Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko na sila.
"Erich!"
"Oy Jelo?" sabi ni Ellen at halatang nagulat pero si Erich cold pa rin ang stare
"Mag-usap tayo Erich!" sabi ko at hinila si Erich palabas ng canteen
"Hoy Jelo ano bang ginagawa mo, nag-uusap kami ni Ellen hindi ka rin bastos ano?" sabi ni Erich sa akin ng dumating kami sa isang liblib na parte ng school
"Ako pa ngayon ang bastos?" sabi ko
"Bakit galit ka? Dapat ako nga ang magalit kasi nanghihila ka ng wala sa timing."
"Sabihin mo nga sa akin Erich."
"Na a-ano?" halata na siyang kinakabahan kasi hindi siya maka tingin ng deretso sakin.
"Narinig ko lahat ng pinag-uusapan ni Ellen, totoo bang may gusto ka sa tomboy na yun??!" galit kong sabi
PAK!
"Anong karapatan mong sabihin sa akin yan Jelo? Sa lahat ng mga kabobohan na pinag gagawa mo sa buhay kahit ni minsan hindi ako nanghimasok tapos ngayon parang ikaw pa yung tatay ko ha??" galit niyang sabi
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa lakas ng sampal ni Erich.
"Bakit totoo diba? May gusto ka sa tomboy na yun! Bakit sa kanya pa?"
"Anong pinagsasabi mo Jelo? Oo aaminin ko na, may gusto ako sa tomboy na yun! At kahit ni minsan hindi ko to naramdaman ni isa dito sa campus."
"Nahihibang ka na ba Erich? Pano pagnalaman to ng Mama mo? Pano pag kumalat ang balita na nagka gusto ka sa isang babae??"
"Wala ka ng pakialam Jelo, akala ko pa naman susuportahan mo ang mga desisyon ko. Akala ko kaibigan kita, di pala nasusukat kung ilang dekada na tayong magbestfriends dahil ngayon ko pa nakita ang mabaho mong ugali." sabi niya at nag walk out
"Mahal kita Erich." natigilan siya dahil sa sinabi ko
"Mahal kita Jelo pero bilang bestfriend ko, pero mukhang wala na akong bestfriend kasi ayoko sa mga makikitid ang utak."
"Subukan mo muna akong mahalin Erich, gagawin ko ang lahat wag ka lang pumunta sa tomboy na yun. Please?" sabi ko at hinawakan siya sa kamay
"Wala ng magbabago Jelo, unang pagkikita pa lang namin alam kong minahal ko na siya. At sana wag mo tong ipagkalat dahil hindi mo alam kung paano ako magalit." sabi niya at iniwan na ako.
Wala na akong nagawa kundi pagsisipain ang mga trash bin at pagsusuntukin ang ding ding
Hindi ako papayag na sa isang tomboy lang mapupunta si Erich.
-------------------------------------------------------------------------
Erich's POV
Ng umalis na si Kairen sa bahay ay niligpit ko na ang pinagkainan namin.
Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa kilig. Naloloka na ata ako.
Matapos kong maghugas ng pinggan ay tumunog ang cellphone ko.
Kairen calling. . .
Agad kong sinagot ang tawag niya
"Hello??"
(Excited erich?)
"Tse! Napatawag ka?"
(Ahm tanong ko lang sana kung. . .)
"Ano?"
(Anong ginagawa mo?) mabilis niyang sabi
"HAHAHAHAHAHA"
(Bakit ka tumatawa?)
"Eh kasi tumawag ka lang dahil gusto mong malaman na what I am doing?"
(I think so)
"Naliligo ako kairen kasi ang init." malandi kong sabi sa phone at binuksan ang gripo sa sink
Tigil lang ako ng tawa ko kasi baka mahalata niya
(A-ano na-lil-igo k-ka pa-la?)
"Oo ang sarap ng tubig kasi malamig." sabi ko at nilakasan ang tubig sa gripo
(Ga-ganun ba-a? O s-ige ahh ta-tawag na lang a-ako ma-maya.)
"Sige byeeeeeee" sabi ko at binaba ang phone
Hindi ko napigilan ang tumawa dahil sa ginawa ko. Hahahahahahahahahahaha
Hindi ko talaga maitago pag si Kairen ang kausap o kaharap ko, parang ayoko ng mahiwalay sa kanya.
Is it just a crush or Love?
Kahit wala ako sa mood kanina dahil sa awayan namin ni Jelo, si Kairen lang talaga ang pain reliever ko. At kahit na palagi ko siyang inaaway at pinaglalaroan ay alam kong hindi naman niya ako matiis.
At sana pag dumating na ang panahon na kaya ko na siyang ipaglaban ay gagawin ko ang lahat wag lang siyang mawala sa akin.
________________________________________________
Short update to' hehe