PROLOUGE

6 1 0
                                    


Sabay sa buhos ng ulan ang pagtulo ng mga luha ko sa aking mga pisngi. Para itong gripong nakabukas, nag uunahan ang mga luha ko sa paglabas.

Agad ko namang pinunasan ang mga ito upang maiwasan ang pagtingin sakin ng mga tao habang naglalakad.

Unti unti ko pang binilisan ang paglalakad. Gusto ko syang mahabol. Kahit magmistula pa akong isang aso na naghahabol sa kanyang amo, gagawin ko maabutan lang sya.

Wala akong pake sa mga taong nabubunggo ko. Narinig ko pa ang mga mura at sigaw nila sa akin. Patawad, pero di ko hahayaang may mawala nanamang tao sa'kin.

Nang makalapit sa kanya ay agad kong hinigit ang kanyang braso.

"Enzo? Let's talk. Please." Hinarap ko sya sa akin. Namaos ang boses ko marahil sa labis na pag iyak. Heto nanaman ang mga luha kong nag uunahan makalabas saking mga mata.

Bumagsak ang aking mga balikat ng marahas nyang binawi ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ko. Sumalubong sakin ang galit nyang mga mata, nag iigting na panga at naka kuyom na palad.

"What did you expect from me now, Jannica? Na pakinggan ang mga sasabihin mo after what you did?" Galit nyang tugon habang pinagtitinginan na kami ng iilang tao rito.

Tumuloy tuloy nanaman ang paglabas ng luha sa'king mga mata. Hindi ako makapagsalita.

"Nakakadiri ka." Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang kanyang mga masasakit na salita.

"How did you do that? Nagpa galaw ka sa iba habang tayo pa? Anong klase ka?!" Kitang kita ko nanaman ang pagbaling ng atensyon ng mga tao sa amin. Ang mga mapang husga nilang mga tingin.

'If you only know, hindi ko rin ginusto ang nangyari'

"I don't want to see you anymore. Sinayang ko lang ang oras ko sayo" Utas nya habang papalayo. Pinanood ko lang sya hanggang sa mawala sya sa aking paningin.

...

That was four years ago.

If i'm only brave enough that time para sabihin ang totoo, I did. Pero hindi ko nagawa. I just chose to shut my mouth. I just chose to be coward.

Two Broken Tales in One MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon