Chapter 1

49 3 0
                                    

Aquia's POV

"Juskong Bata ka! Anong nangyari sayo? Ba't basang basa ka?" Dali dali namang lumabas si manang para salobongin ako sa gate habang dala dala ang napaka laking payong.

"Kotse.Nasira" simpleng tugon ko. Hindi naman sa hindi ako marunong magsalita, ma's sanay lang ako na 2 o di kaya 3 words lang ang sasabihin ko. Hindi naman siguro makitid ang mga utak nila para hindi maintindihan ang sinasabi ko.Tsk.

Nang makapasok ako sa mansyon. Bumungad sa akin ang mga nagagandahang myembles at appliances. Lahat puro mamahalin. Malaki rin ang masyon at may 3 palapag.

Ako, Si Manang at ilang katulong at 2 guards lang ang nakatira dito. Madalang lang kasi umuwi si Mommy at Daddy palagi kasi silang may mga business meetings. May sari sarili kasing business kaya ganon.

"Bihis.Itaas" paalam ko Kay Manang bago umakyat patungo sa kwarto ko.

Matagal nang naninilbihan si Manang sa amin. Simula pa noong bata pa ako, siya na ang tumayong nanay nanayan ko.

Sanay na siya sa ugali ko, at naiintindihan naman daw niya ang sitwasyon ko. Lumaki akong walang magulang na nag aaruga, walang nagbabantay, at gumagabay. Siya lang ang nag iisa at natatanging tao na nag alaga at nakaka intindi sa akin. Kaya kahit hindi ko maiparamdam sa kanya. Mahalaga si Manang sa akin.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Kailangan ko pa kasing paghandaan ang klase bukas.

By the way, First day of school bukas. And this year magiging Grade 10 student na ako sa Sto. Nino National High school.

Yahh.. That's right.. Hindi ako nag aaral sa isang private school. Public school ang pinasukan ko. Kung bakit? Dahil gusto ko.. Even though my parents are against it, wala silang magagawa because they are always busy kaya hindi na nila ako napagtutuunan ng pansin.

Matapos kong maihanda ang mga gamit ko para sa pasukan, umupo ako sa study table ko na kaharap ang bintana.

Hanngang ngayon, malakas parin ang ulan. Sabi sa balita may bagyo daw kaya't malakas lakas rin ang hangin.

Sa totoo lang, takot ako sa ulan. No. Let me rephrase that. Hate ko ang Ulan. Simula mangyari yung aksidente 6 Years ago.

***Flashback****

"Kuya!! Tingnan mo yun ohh!! Umaabon na!! Yes!! Uulan na!!" Excited na saad ng 12 years old na si Aquia, na pilit ipinapakita sa kanyang kuya ang bintana ng kwarto nila.

"~Rain,rain go away. Come again another day. Little children, wants to play. Rain, rain go away" pang aasar sa kanya ng Kuya Aqi niya. Alam kasi nito na gustong gusto nito ang ulan.

"Kuya naman ehh!!" Nakasimangot na saad ng kanyang nakababatang kapatid.

"Sige na puhleaseeee.." Sabay puppy eyes ni Aquia. Napaikot nalang ang mata ni Aqi sa inasta ng kapatid. Alam kasi kaagad niya kung anong gusto  mangyari ng makulit na si Aquia.

Whenever It Rains (On going)Where stories live. Discover now