Chapter 4

21 0 0
                                    

Aquia's POV

They say, you will meet your one true love in an unexpected place, time and moment. Hindi mo mamalayan na nakilala no na siya o nakasama mo na. Ang taong  magmamahal at magpapatibok ng iyong puso. At ang taong, tatangapin ka ng boung puso.

Puting kisame ang bumungad sa akin ng magising ako.

Where am I?

Kahit naghihina, inilibot ko ang aking paningin. And found a guy intently staring at me.

Ano ba ang ginagawa niya dito?

Tinaasan ko siya ng kilay ng maglakad siya palapit sa akin.

"Leave" imiwas ako ng tingin sa kanya. At bumangon na sa higaan. Nasa school clinic pala ako.

"Nahimatay ka raw dahil sa matinding pagod idagdag mo pa na mataas ang lagnat mo" balewala niya sa sinabi ko. Agad akong bumaling sa kanya.

"I. Said.Leave" I don't need him.. Kaya ko na ang sarili ko.

"Totoo nga ang sabi sabi nila, mailap ka sa mga kaklase mo. And you are also stubborn, para hayaang magkasakit ka ng dahil sa kanya." Titig na titig ako sa kanya ng sabihin siya iyon. Stubborn? Heck??!!

Parang kumulo lahat ng dugo ko sa katawan ng sabihin niya yun.. How dare you!!!!

"Ano ba ang Alam mo?!! You are just a transferee. Wala kang Alam.. Hindi sapat yung nakita mo kahapon, para husgahan ako!!" Ughh..

Sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang labi. Puno naman ng kalungkutan at awa ang mga mata niya.

Hindi ko kailangan ng awa niya. Tsk.

"Believe me, marami akong Alam. Maraming marami" he said bago naglakad papalabas.

Malapit na siya sa pintuan ng bigla niya akong lingunin.

What now?! Lumabas ka na kasi!!

"22 Words" and he left me downfounded.

Nagiging madaldal na yata ako... Fuck..

Ughh... I can't control my emotions anymore. Dahil sa lalaking yan. Dapat kasi, hindi na ako nagsalita.. Grrr... Nangiging madaldal na tong bibig ko. Tsk.

Lalabas na sana ako ng Clinic. Nang biglang dumating si Nurse Eah.. She raised her eyebrow at me na nagpatigil sa akin sa paglabas sa clinic.

She is our school nurse, at ang pinakamakulit na nurse na nakilala ko. She is my tita by the way. Siya ang bunso sa kanila. Pero heck.. Bata mag isip. Kahit 22 yrs old na siya. Mas mature pa nga akong mag isip.

Katulad ko, mas gusto niyang mag serve sa public schools kaysa sa mga hospital. Why? Love Problems I guess? Wala na akong pakealam.

Though, she is very beautiful. Maraming nagsasabi that we are pretty much alike. Except for the attitude. I can't imagine myself na maging kasing daldal niya.

I don't treat her as my tita, parang nagkabarkada lang ang turingan namin. Wala namang problema sa kanya. Hindi naman nalalayo yung edad namin.

"Hep.. Hep.. Balik, hindi ka pa magaling kaya  go, go.." Itinulak pa niya ako pabalik sa higaan.. She is wearing a white pencil skirt and an offshoulder blouse na mas nagpapalitaw ng kanyang mapuputing balat.

Nang makaupo ulit ako sa kama. Bigla niyag inilibot ang tingin na tila may hinahanap.

"Wait, nasaan na pala si Kuya Pogi?" Nagtatanong na baling nya sa akin. Pogi? Yung lalaking yun ba ang tinutukoy niya? Wait-- pogi na ba ang tingin ko sa lalaking yun.. Eww.. Erase 2x

"Who?" Pagmama angmaangan ko. Heck, hindi ako aamin na Pogi siya, kahit tot---... Grr..

"Yung nandito kanina, yung nagdala sayo dito. Binilhan ka pa nga niya ng pagkain ehh, ayun ohh" nguso niya sa supot na nasa gilid ng kama. Ngayon ko lang napansin iyon.

Did he really bought me food? Bakit naman niya gagawin iyon?

"Ang swerte mo sa boyfriend mo gurl... Gwapo na nga, maalaga pa" sabay sapak niya sa akin.

Heck??!!! Boyfriend?!! Yung lalaking yun??!! No!!

"He. Is. Not. My.Boyfriend" na iirita kung sabi sa kanya.

Walang namamagitan sa amin!! Wala!! As in NEVER!!

"Wait... May new rule ka bes?? 5 words na ang hanep mo ngayon..ayiehh" tukso pa rin niya sa akin.

Gosh.. Ayaw ko na dito, kasama tong baliw kong tita na mas bata pa mag isip kaysa sa akin.

"Pero...Papano na si Luke my labss?? Hala ka!! Nag taksil ka sa kanya.." Paratang niya sa akin.

Heck..Bata isip talaga.

At bakit ko naman pagtataksilan si Luke? Siya ang pangarap ng kahit sinong babae. Sinong tanga, ang pakakawalan siya? Sinong tanga? Sino?

Bumuntong hininga muna ako. Bago muling maihiga sa kama at ipinikit ko na ang aking mga mata. Pag nagiging ganito ako, alam na niya ang ibig kong sabihin. I want privacy.

"Alone.please" nanatili pa rin akong nakapikit. Ilang sandali pa, naramdaman ko na lamang na bumukas at sumara ang pinto. Ibig sabihin nakalabas na si Eah.

Kailan ko kaya titigilan tong katangahang to? Gusto nang sumuko ng puso ko, pero ayaw ng utak ko. What will I do?

Bumangon nako sa pagkakahiga. At tintigan ang supot na nasa gilid ng kama. Agad ko itong kinuha at binuksan. At laking Gulat ko ng makitang. Lahat ng Ito ay mga paborito Kong pagkain. Paano niya nalaman?

Agad kung sinungaban ang pagkain na nasa harap ko ngayon. Bahala na, magkatanaw ako ng utang na loob sa kanya.. Gutom na gutom na ako...

Nang matapos na akong kumain. Iniligpit ko na iyon at inilagay sa cellophane.

Busog na busog ako. Gosh. Itatapon ko na sana sa basurahan ang cellophane na nag lalaman ng kalat ko. Nang may nahulog na sticky note mula dito.

Sakanya ba to galing?

Inilapag ko muna sa sahig ang cellophane at pinulot na ang sticky note.

Magpagaling ka, Aquia. MKRA.

-West

MKRA? Bakit pamilyar ang mga letter na yan?

MKRA? Hala...naalala ko na, yan ang nakalagay sa payong na ibinalik niya sa akin. Anong kahulugan ng mga letrang yan? Weird.

Nagkibit balikat nalang ako at tuluyan nang itinapon ang basura sa basurahan.

Naglakad lakad muna ako sa boung clinic bago ko napaagpasyahang lumabas.

Honestly, Hindi ko Alam kung bakit ako lumabas. I really like quite places, gusto ring makaamoy ng mga medicina. In short gusto ko ang aura ng mga hospital and clinic. But I don't know kung bakit ko napagpasyahang lumabas. Maybe dahil bored? No.. Parang mag nag uudyok sa akin na lumabas. And I don't like this feeling.. No, not this time. Ayoko ng dagdag sa ulo.goshh...

Babalik na sana ako ng Clinic ng biglang umalingaw ngaw sa boung campus ang isang tinig na nagmula sa speakers na nakasabit sa mga dingding.

"Calling Ms. Mordeno.... Please report to the principal office right now"

A/N:
Another short update.. I'm sorry guys. Sobrang busy lang talaga, Malapit na kasi ang High School Day kaya puspusan ang pagpractice para sa mass dance. At nag stastart na rin ako mag oonline bussines. Plus malapit na ang final examination. So, sorry my fabulous readers kung palaging short update at ilang weeks nang Hindi nagpaparamdam si author. Dont worry dahil sa summer, araw araw na ang update.. Hahaha.. XD..

-Ate M.M.(MischievousMind)💕💖

Whenever It Rains (On going)Where stories live. Discover now