Chapter Three

48K 668 18
                                    

DRSW#3

"Bulsh*t, slut! hihilata ka nalang ba buong maghapon diyan?" Bigla siyang napabangon nang maramdaman niyang may sumipa sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya nang mabungaran niya ang galit na galit na hitsura ng asawa niya.

Kaagad niyang hinablot ang kumot na nasa paanan lang niya at kaagad ipinantakip niya sa hubad niyang katawan. Kita niya kung paano siya tingnan ng asawa. A disgust look.

Napahigpit ang paghawak niya sa kumot. After what happened between them. Ganito pa rin siya nito kung tingnan. Walang pagbabago.

"Andrew, sorry h-hindi---" hindi niya na naituloy ang sinasabi dahil sinampal na naman siya nito.

"Sorry? pang ilang ulit na ba yan, ha!? Sana nakakain iyang sorry mo." Napadaing siya nang hawakan nito ng mahigpit ang kaliwang braso niya.

"Tama n-na..nasasaktan a-ako." Pagmamakaawa niya rito.

"Kailan ka ba mawawala sa buhay ko ha!? Napakawala mo talagang kwenta, mga mukha kayong pera!"

Sa nanginginig niyang mga kamay ay sinampal niya ito. Napaigik naman siya nang bigla nalang siya nitong sakalin. Sa totoo lang ngayon lang siya naglakas loob na sampalin ito. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nagawa.

Pero kasi sumusobra na ito. Kahit kailan hindi pera nito ang gusto niya.

"You bitch! you don't have the right to slapped me!" Parang demonyo ito na binalya siya sa may dingding.

"Get out! now!" galit na galit pa ring sigaw nito.

Sa nanginginig niyang kamay ay mahigpit niyang hinawakan ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan. Kahit masakit ang buong katawan niya ay pinilit pa rin niyang makalayo rito kaagad sa takot na mapatay na talaga siya nito.

Dali-dali naman siyang lumabas ng kwarto nito. Kanina kasi matapos ang nangyari sa kanila sa may kusina at sa sala, akala niya tapos na ito sa kanya pero hindi pa pala.

Pinuntahan siya nito sa maids' quarter at bigla nalang siya nitong kinaladkad paakyat sa second floor, papasok sa kwarto nito at doon pinagpapasaan na naman siya nito.

Kung papipiliin siya sa buhay niya dati at buhay niya ngayon? Kahit na magkapareho lang ang mga pasakit na kanyang natatanggap ay ang ngayon parin ang kanyang pipiliin.

Napakaimposible man na isipin pero nangangarap at naghihintay parin siya kung kailan siya mamahalin ng kanyang asawa, at sana kung dumating man ang araw na mangyari iyon, sana hindi pa siya sumuko, at sana hindi sa araw kung kailan aalis na siya.

Pero asa pa siya. Hinding-hindi na iyon mangyayari pa. Ilang beses na nga niyang hiniling na sana mabiyayaan siya ng anak at ito ang ama syempre. Para naman may ebidensiya siya na minsan ay naging asawa niya ang isang Andrew Miguel Del Rio, ang tinaguriang rare business genius ng buong Asia.

Kahit malabo naman dahil hindi naman nito iyon hinahayaan.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising, kaya maaga rin niyang sinimulan ang kanyang trabaho sa loob ng mansion, kahit bilyonaryo si Andrew ay hindi ito kumuha ng katulong dahil ang sabi nito ano pang silbi niya.

Syempre hindi naman asawa kung ituring siya nito kundi isang katulong, parausan at isama narin ang pagiging isang punching bag niya.

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang paglilinis sa may sala nang makitang pababa na ng hagdanan si Andrew at kasalukuyang inaayos ang necktie nito. Base sa hitsura nito, mukhang kanina pa ito nayayamot dahil hindi nito maiayos ng mabuti kaya nilapitan na niya ito.

Napangiti siya, kahit pala lagi itong nagsusuot ng necktie pero nakakatuwa lang isipin na hindi parin nito alam kung paano iyon aayusin.

"Gusto mo bang ako na ang mag-aayos?" Nang hindi ito umiimik ay kaagad siyang lumapit rito at inayos ang necktie nito. Tiningnan lang siya nito ng masama at pagkuwa'y ibinaling sa ibang deriksyon ang paningin nito. Mabuti naman at hindi  ito nagrereklamo.

"Ayan okay na." aniya at nakangiting pinasadahan pa niya ng kanyang palad ang suot nito para mawala ang kunting gusot doon. "Kumain kana muna, nakaha--"

"I don't have a fucking time for your sh*t, bitch!" Bulyaw nito sa kanya at agad na naglakad palabas ng mansion.

"Let's go, Manong Rad." Narinig pa niyang sabi nito sa personal driver nito. Hinatid nalang niya ito ng tingin.

Nang tuluyan nang makalabas ang sasakyan nito sa malaking gate ay pinagpatuloy nalang niya ang pagwawalis.

Nang tumunog ang may kalumaan na niyang cellphone dali-dali niyang kinuha iyon sa may back pocket ng suot niyang maid's uniform.

"Hello?" Sagot niya nang hindi man lang niya tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hello, Ate." Kaagad sumilay ang magandang ngiti niya nang marinig ang boses ng kanyang kapatid sa kabilang linya. Kahit anong lungkot niya ay kaagad talagang mapapawi kung marinig na niya ang masiglang boses ng kanyang kapatid.

Kung meron man siyang ipinagpasalamat sa mga nangyari, iyon ay ang hindi siya nagkamali nang magdesisyon siyang piliin niya si Andrew kapalit ng pagpayag niya sa madrasta na ibenta nito si Brian, ang labing isang taong kapatid niya.

Kahit masakit at pakiramdam niya ay wala siyang kwentang ate dahil pinapabayaan niya ang kapatid at nagpaubaya na ibenta ito ng madrasta niya pero ngayon na naririnig niya itong masaya sa bagong pamilya nito ay masaya narin siya.

At nangako naman ang mag-asawang nakabili sa kapatid na ipapagamot nito si Brian.

"Hi, bunso. Uh, napatawag ka? May problema ba?" Pilit niyang pinapasigla ang boses niya kahit na maiiyak na siya.

"Kasi ate, gusto ko sanang makita ka, kahit sa huling pagkakataon? Kasi ate aalis na po kami mamaya." Oo nga pala noong isang araw, noong nagkita sila ay sinabi nito na gusto ng mga umampon rito ay sa London na ipagpapatuloy ang pag-aaral nito at doon na rin ito ipapagamot.

Kinausap narin siya ng mag-asawa at pumayag siya pero kahit hindi siya papayag wala naman na siyang magagawa kasi mula nang tanggapin ng madrasta niya ang pera ay wala na siyang karapatan pa sa kapatid niya.

Mabuti na nga lang at mga mababait ang mga ito at hindi inilalayo sa kanya ang bata hangga't nasa Pilipinas pa ang mga ito.

"Oo naman bunso, magkita tayo, saan mo gustong makipagkita sa'kin? Itext mo sa'kin ang add--" Nagulat siya nang may humablot ng kanyang cellphone at hinagis iyon sa pader. Wasak.

"A-Andrew.." Napasinghap siya.

"Sinong kausap mo? Lalaki mo?!" nanlilisik ang mga mata nitong tanong sa kanya. Sa takot ay hindi kaagad siya nakapagsalita.

"Answer me, bitch?!" Halos mabali ang leeg niya sa sobrang lakas ng sampal nito.

"A-Andrew hindi---" Pero parang bingi ito at patuloy lang siyang sinasaktan.

"Malas ka ng buhay ko! Alam mo ba iyon, ha!? You were the one who threw yourself into me! and now you're seeing another man! that's bulsh*t, bitch!" Sigaw nito sabay sampal, sabunot at suntok nito sa kanya. Paulit-ulit.

"Ta..ma..a..na.." Halos panawan na siya ng ulirat ng ihampas siya nito sa may dingding at kaagad itong umalis.

Nanghihinang bumagsak ang katawan niya sa sahig. At sa nanlalabong mga mata ay nakita pa niya ang malapad nitong likod bago ito tuluyang nakalabas ng pinto.

Halos isiksik niya ang katawan sa may dingding nang bumukas ulit ang pinto pero boses ni Manong Rad ang huli niyang narinig bago siya nawalan ng malay.

"Ms. Bella."





:::::::

God bless and happy reading☺

Del Rio's Selfless Wife (Preview )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon