Part 1

2.7K 49 0
                                    


Author's note:

Ang kwentong ito ay unang lumabas sa Carols of Love Season 1. Dahil binura ni wattpad ang kwentong iyon, ibinalik ko ito rito as solo story. Credited ang kwentong ito sa lahat ng manunulat na kasali sa koloborasyong iyon.

Paunawa: Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Kung may pagkakahalintulad ito sa aktwal na pangalan ng tao, lugar, pagkakakilanlan at kahit sa patay na tao at higit sa lahat sa ibang kwento ay hindi sinasadya ng manunulat at nagkataon lang na katulad ang nagamit nito.

***

Part 1
    

"Ready ka na Dad?" Tanong ko kay daddy nang makalabas kami ng eroplano. It's been years bago kami ulit nakatuntong dito sa Pilipinas. Huling balik namin dito ay no'ng namatay ang lola ko 5 years ago. I'm 20 years old right now. Kasama pa namin no'n si Mommy.

Speaking of mom, hindi namin siya kasama ngayon. Actually, matagal na dahil hiwalay na sila ni daddy tatlong taon na ang nakakalipas.

Nasa harap nila ako noong magdesisyon silang iwan ang isa't-isa. Napakasakit para sa akin ang mga sandaling iyon lalo na't sa mismong araw pa ng Pasko. Ang noo'y araw para ipadiwang ang kapanganakan ni Hesus at ang araw para magsama-sama ang buong pamilya.

Pero anong magagawa ko kung ayaw na nila, 'di ba? Mas mahihirapan lang silang pareho kapag nagsama pa sila ng matagal. Matagal ko na rin kasing alam na ang kasal nila ay pangdisplay na lamang at para sa kapakanan ko kaya wala na rin akong nagawa para magkaayos pa silang dalawa.

I tried many times dahil maraming beses na rin silang nag-away. Dahil napapakiusapan ko pa sila dati, hindi nila nagawang maghiwalay. Marahil nang araw na iyon ay hindi na nila kaya at ramdam ko iyon. Parang nasosoffucate na sila kaya binigyan ko na sila ng kalayaan.

May bagong pamilya na ngayon si mommy at may kapatid na rin ako sa kanya. Kakaisang taon pa lang nito. Babae. Mom named her Christia dahil sa araw din ng pasko ito pinanganak katulad ko.

Lumingon sa akin si daddy at tumango lang bilang tugon. Mababanaag sa kanyang mukha ang pananabik ngunit nandoon din ang kakaibang lungkot. Marahil naalala niya ang nangyari noon. Lalaki man si dad, hindi siya nahihiyang ipakita ang totoong nararamdaman niya. He even cried in front of me for many times.

Mabuti na lang at sa kanya ako sumama. Walang mag-aalalaga sa kanya sa tuwing maaatake siya. Walang aalo sa kanya sa tuwing umiiyak siya at walang dadamay sa kanya sa tuwing malungkot siya.

Akala ko noon, nagkakaganoon lang siya kapag sa tuwing nag-aaway sila ni mommy. Hindi pala. I just recently knew the reason nang magkwento siya sa akin noong nakaraang pasko. Dati galit ako kay dad kapag nag-aaway sila ni mommy pero nang sabihin niya ang lahat ay naiitindihan ko na rin.

Kaya ngayong taon, determinado na akong hanapin ang totoong nilalaman ng kanyang puso.

May sakit din kasi si daddy sa puso. Nitong nakaraang buwan lang namin nalaman pero ilang taon na pala niya itong tinatago. Kaya pala napakadali niyang mapagod at kapag hindi siya umuuwi ay nasa hospital pala siya. Akala ko noon, nambababae lang siya. Masakit para sa akin na naglilihim siya pero sabi niya ayaw niya raw kaming mag-aalala pa sa kanya.

I want him to be happy dahil alam kong ito na lang ang magpapasaya sa kanya. I know that I'm not enough for him kahit hindi niya sabihin. Gusto ko ring makita ang totoong daddy ko, parang hindi ko pa kasi nakikita ang totoong siya.

May isa pa kaming flight bound to Gensan. Namalagi muna kami sa isang hotel dahil sa isang araw pa ang byahe namin. Kailangan munang magpahinga ni dad bago bumyahe ulit.

Selfless Love (from Carols of Love Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon