Part 2"Tao po! Tao po!" Pagtawag ko sa bahay. Nakailang tawag ako pero walang sumasagot. Baka walang tao.
"Tao po! Tao p---"
"Sino ka?" Napatigil ako at napalingon ako sa taong nagsalita.
Hindi ko maiwasan ang hindi mastarstruck sa lalaking nasa harap ko ngayon. Paano nagkaroon ng ganito kagwapong nilalang ang lugar na ito? Kung makapaghusga naman ako.
Gwapo naman kasi ito kahit nakapambukid ang suot. Siya ang best description ng dark, tall and handsome. Just like dad.
Hindi ko rin maiwasan na hindi aalahanin ang taong mahal ko. But for the sake of my bestfriend's happiness, nagparaya ako para rito.
"Ahm dayo ako rito. M-May hinahanap lang kasi akong tao at dito siya nakatira. Si Flora Lopez."
Gosh! Bakit ako nauutal? Huwag ka nga Christian! Napaghahalataan ka eh.
Tinaasan ako nito ng kilay? "Anong kailangan mo sa mama ko?"
Nagulat ako sa sagot niya. Mama niya ang may-ari ng bahay? Ibig sabihin, anak siya nito? Oh my... It can't be. Ito iyong sinasabi ng investigator ko na anak ni Flora.
"G-Gusto ko siyang makausap." Sagot ko.
"Wala siya rito. Nasa Cebu siya ngayon."
"Ha?"
Nasa Cebu si Flora? God. Paano ko makikiusapan ito kung wala siya rito?
"Bakit siya nasa Cebu? K-Kailan, Kailan siya umalis?" Natarantang tanong ko. Sabi ng investigator ko nandito si Flora pero ano ba 'tong sinasabi ng anak niya na nasa Cebu raw ito.
"Kahapon lang siya umalis at sa susunod pa na linggo ang uwi niya. T-Teka nga bakit ba gusto mong makausap si mama? Anong kailangan mo sa kanya? Anong pakay mo?"
Napahinga naman ako ng maluwag na uuwi rito ang mama niya.
"I have something to tell her kaya ko siya hinahanap. Pero mukhang nabigo ata ako."
Sagot ko. Paano na 'to? Lagpas isang linggo na lang magpapasko na. Wala na akong oras. Ang tanging magagawa ko na lamang ay ang maghintay kahit matatagalan iyon ng isa pang linggo.Marami pang oras para kausapin ito pero iniisip ko lang si daddy. Dadating naman ang Pasko na malulungkot siya. Baka atakehin na naman siya ng sakit niya. I can't bear to see him suffering again.
"'Di ba nag-aaccomodate kayo ng mga turista dito at may mga rooms na pwedeng upahan?"
Tutal nag-aaccomodate naman sila rito ng mga tourista dahil sa maraming tourist spots dito sa lugar nila why not if I stay here hanggang sa makauwi si Flora. May dala naman akong mga damit at pera. Itetext ko na lang si dad na mag-eextend ako sa lugar na ito.
"Sa tinigin mo, itong bahay ba namin 'yon? Nasa katabing baryo iyon at mali ka ng lugar na pinuntahan."
Sarcastic sabi ng lalaki. Grabe! Ang sungit niya ah.
Magsasalita pa sana ako nang may sumulpot na isang babae na nasa mid 40's ang edad. Tinanong ako nito sa kanya kung sino ba raw ako. Sinabi niya naligaw ako pero sumabat ako na hinahanap ko ang mama niya at gustong kausapin.
Totoo nga ang sinabi niya na nasa Cebu ang mama niya ayun sa babae. Nalaman ko na Deo ang pangalan niya at tita niya ang ginang. Nabuhayan naman ako ng loob dahil sa pagdating ginang. Parang hindi ko kasi kayang pakiusapan ang nagngangalang Deo na ito.
Tinanong ako ng ginang na Flor ang pangalan--- bunsong kapatid ni aling Flora kung tagasaan ba raw ako at anong sadya ko Sinabi ko kung sino ako at tagasaan. About sa pakay ko, I said to her that I have to keep it but I did assure her na wala akong binabalak na masama sa kapatid niya. Pinakitaan ko pa siya ng I.D ko.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (from Carols of Love Season 1)
Historia CortaAng kwentong ito ay unang lumabas sa Carols of Love Season 1. Dahil binura ni Wattpad ang librong iyon, ibabalik ko siya as solo story para naman mabasa ninyo. Credited ito sa lahat ng writers na kabilang dati sa kolabarasyong iyon.