(1)

3 0 0
                                    

BadGirls in your areaaaa!!!

Been a bad girl, I know i am
And im so hot, i need a fan
I don't wanna boy, i need a man.

Araw-araw yan ang lagi kong pinapakinggan. Kahit na hindi ko maintindihan ang kanilang salita, naadik pa din ako sakanila. Sila ang mga paborito kong mga grupong koreano. Ang gagaling nilang sumayaw at kumanta. Sila ay sina Rizza, Jelly, Jin Soo, at Lucy. Sila ang mga miyembro ng grupong BadGirl.

"Yuri,  kamusta? Kamusta paghahanap ng trabaho?" Sabi ni nanay habang ako ay nasa sala at nagpapahinga.

Si nanay nalang ang aking magulang sa aking pamilya. Si tatay ay hindi ko na itinuturing na aking ama dahil sa nagdroga siya. Lagi niyang sinasaktan si nanay kapag hindi niya ito nabibigyan ng pera para sa droga niya. Ang masama nga lang ay hindi pa nahuhuli ang aking amang adik. Sana lamang ay mahuli na siya, ang aking ama. Bakit hindi ako manghingi ng tulong sa iba? Ayoko. Natatakot ako na baka isang araw ay may mangyaring masama sa akin at sa aking pamilya dahil lamang sa pagsumbong ko.

"Ok lang naman, Nay. Pumasok muna akong katulong jan sa kalapit na karinderya. 100 kada araw."

"Anak, pagpasensyahan mo na ang nanay mo at hindi makapagtrabaho."

Tumayo ako at niyakap siya. "Nanay naman, nagdadrama. Haha. Wag ka mag-alala nanay. Aahon din tayo at lalayasan natin si tatay."

"Ateee, meron ka bang 50 jan? Pangbayad lang sa school." Sabi ng aking nakababatang kapatid na si Trixie.

Sinilip ko ang aking pitaka. Ngunit, 30 pesos lang ang laman ng aking wallet.

"Trixie, pasensya na ha? Wala kasi akong pera ngayon eh. 30 lang 'yong perang nasa wallet ko. Sabihin mo muna sa teacher mo na sa susunod ka na magbabayad." Lalapit sana ako sakanya pero umatras siya.

"Ate naman, puro ka nalang walang pera. Puro susunod, susunod nalang. Ate, kinakahiya na ako ng mga kaibigan ko! Di na nila ako nilalapitan kasi mahirap lang ako! Tapos nahihiya na ako sa teacher ko kasi ako nalang hindi nakakabayad! Ano ba naman ate!" Sigaw sakin ni Trixie.

Nilapitan ni Nanay si Trixie. "Trixie! Ano ka ba naman!? Mabuti nga't hindi ka pinababayaan ng ate mo! Magpasalamat ka nalang at nakapag-aaral ka pa at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw!"

"Nay, tama na ho. Pahinga na po kayo doon. Trixie, pasensya na talaga. Nakahanap na ako ng trabaho. Bukas mo nalang bayaran yang kailangan mo."

"Ewan ate! Bahala na!" Padabog na pumunta si Trixie sa kanyang kwarto.

"Pagpasensyahan mo na anak si Trixie, ha?" Pagpapaumanhin sakin ng nanay.

"Ok lang yon, nay. Tulog na tayo para maaga akong magising bukas."

Nahiga na ako sa aking kwarto at ilang minuto lang ay nakatulog na ako dahil na rin sa pagod.

Zzzzzzzzzz....

*Kriiiiiiing!!!**Kriiiiiiiiing!!!*

"Ahhhh!!!" Paghikab ko. Uminom muna ako ng tubig at pumunta na ng banyo para maglinis ng katawan. "GOODMORNING PEOPLE!!!" Masayang bati ko habang naghahapag ng pagkain sina Nanay at Trixie

"Psh." -Trixie

"Goodmorning din, anak. Ang ganda yata ng gising mo? Tara kain na."

"Sige, nay. Ah, nay, agahan ko ngayon sa trabaho ah? Baka malate ako. Sayang yung kikitain ko." Sabi ko kay nanay.

"Osige anak. Bilisan mo nalang kumain at pumunta ka na don." Nakangiting sabi ni nanay.

Binilisan ko na ang pagkain at agad na umalis ng bahay para makapagtrabaho sa karinderya.

Nagtrabaho ako bilang taga linis doon sa karinderya. Punas dito, punas doon, hugas dito, hugas doon. Sobrang nakakapagod, lalo na madaming costumer ang dumating ngayong araw. Kaya kahit papaano'y maibsan ang aking pagod, nakinig ako ng kanta ng mga BadGirls.

Papalapit palang ako sa bahay ay dinig ko na ang sigawan sa bahay.

"Ano ba, Arnaldo! Wala akong mabibigay na pera sayo! Wala akong pera! Ipon ko yan! Wag mong kunin!" Pagmamakaawa ng aking ina sa aking amang adik.

"Manahimik ka nga jan, Rosa! Naririndi ako sayo! Patayin kita jan eh! Masyado kang madamot!" Sabi ni tatay. Narinig ko pa ang pagsampal ng aking tatay sa aking nanay.

Tumakbo ako papasok ng bahay at nakita kong pinagsusuntok ni tatay si nanay sa tiyan. Pinukpok ko ng malakas ang aking tatay gamit ang kawayang makapal na pinulot ko bago ako makatakbo dito. Nawalan ng malay ang tatay at tinulungan ang ina.

"Nay! Dalhin na kita sa ospital! Tara na!" Aya ko kay nanay.

"Hindi anak, sayang lang ang perang gagastusin natin sa ospital."

"Pero nay--"

"Shh. Ok lang ako, Yuri. Wag kang mag-alala. Alalahanin mo ang sarili mo at baka mapano ka." Nakangiting sabi sakin ni nanay. Pero alam kong nasasaktan siya kahit nakangiti siya. Ayaw niya lang ipakita ang sakit na nararamdaman niya.

Hindi ko na pinilit pa akong ina. Naglakas loob akong tawagan ang mga pulis sa mga pulis at isinumbong ang aking ama.

Pagkatapos lamang ng 30 minutos ay nandito na ang mga pulis at hinuli na nila ang aking ama. Ang sabi nila ay dadalhin muna nila ang aking tatay sa isang rehabilitation center malapit samin. Isang malaking kaginhawaan ang aking ginawa. Di ako nagsisi na ipakulong ang wala kong kwentang ama.

Kinaumagahan, sinabi ni Nanay kay Trixie ang nangyari sa kagabi sa aking tatay. Natuwa siya dahil sa wala ng mangbubugbog kay nanay. Nanghingi din siya ng tawad sa nagawa niya noong isang araw at pinatawad ko naman siya. Ulit, Happy Girl Family na kami!!!

Pumunta na ako sa karinderya at nagtrabaho doon. Akala ko isang normal na araw ang bubungad sakin.

Habang naglilinis ako, may nakita akong wallet na may lamang 50,000 pesos. May nakita din akong ID na nasa loob. Hinanap ko ang may-ari at sa nakita ko siya. Hindi pa siya nakakalayo kaya nilapitan ko siya.

"Ate, wallet niyo." Tawag ko sa babaeng may-ari ng wallet.

"Ay, salamat ate. At dahil jan ate, may i-o-offer akong magandang trabaho sayo! Pagusapan natin to sa karinderyang pinagtatrabahuhan mo."


"Salamat nga pala ulit ate sa pagbibigay mo ng wallet sakin." Pagpapasalamat niya sakin.

"Walang ano man po yon. Hehe. " nahihiyang sabi ko sakanya.

"Ay eto na nga, may i-o-offer ako sayo. Magandang trabaho sa ibang bansa!" Sabi niya.

"Saan naman po yon?" Interesado kong tanong.

"Sa America! Magiging Personal Assistant ka ni Taylor Swift doon!" Sabi niya.

"Talaga ho?! Magkano ho bayad?"

"50,000 lang! Lahat lahat na nun! Tatawagan nalang kita pag ayos na mga papeles mo. Basta kailangan mong magbayad muna bago ko maayos papeles mo."

"50,000? Saan naman ho ako makakakuha nun?... Osige po. Pag-uusapan pa po namin ng nanay ko. Anong pangalan niyo nga ho? Eto nga ho pala yung Number ko." Dali-dali kong binigay ang Cell phone number ko.

"Elezie Valdez. Eto number ko, 0931*******. Para alam mo na ako ang tumatawag sayo. Salamat!"

San ako makakakuha ng 50,000?

Love Rivalries, He's Mine! ~On Going~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon