Nagising ako ng hapon at ganun pa din ang posisyon namin. Kaibahan nga lang, nakayakap din ako kay Gio at nakasiksik yung mukha ko sa dibdib niya. Wait-- NAKAYAKAP?!
Natauhan ako sa pinaggagawa ko! Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap ni Gio para di siya magising kaso lalong humigpit ang yakap niya kaya di ako makatakas agad.
Napatingin naman ulit ako sa mukha niya. Nakikita ko ang maamo niyang mukha kapag natutulog. Medyo mahahabang pilik mata, medyo makapal na kilay, matangos na ilong at mapulang labi. Napa-stop naman ako sa labi niya. Ewan pero parang hinihigop ako ng labi niya at sinasabing 'halikan mo!'. Ipiniling ko ang ulo ko at sinasabi sa isip ko na masama yun dahil amo ko si Gio! Isang masungit na amo!
Buti naman at tumalikod na si Gio sakin at dali-dali akong tumayos para kumuha ng hangin. Feeling ko kasi kapag huminga ako ay maaamoy niya yung bunganga ko. Ewan ko ba kung anong amoy at baka mahimatay pa tong baklang to.
Lumabas na ako at naglinis linis na. Nakalimutan kong i-ref tong mga pinamili namin sa grocery kanina. Buti nalang wala namang nasira. Mamaya nalang ako magfried-chicken.
Incoming call...
Nanay
Dali-dali kong sinagot ang tawag. Malamang nami-miss ako neto.
"Nay, buti nalang po nakatawag kayo?" Ang alam ko kasi ay mahal ang pantawag sa ibang bansa.
[Syempre anak, nami-miss ka na namin ni Trixie eh. Ilang araw ka na nang nandyan. Maganda ba jan, Yuri?]
Na-upo ako sa dining area at masayang nakikipag-usap kay Nanay. Namimiss ko talaga sila. Gusto ko silang makita.
"Namimiss ko na po kayo ni Trixie. Gusto ko na po kayong makita." Malungkot na sabi ko. Kung mayron lang sana silang android phone, makakapag-messenger pa kami sana. Kaso 3310 lang yung phone ni nanay.
[Oo nga anak. Sa susunod, anak. Pinag-iipunan ni Trixie magkaroon ng selpon na tats skrin (touch screen) para makita daw namin ikaw.] Mukha namang maayos lang ila ni Trix sa Pinas.
[Madalas ding bumibisita si Chyra at nami-miss ka daw. Ayaw kang tawagan kasi baka lalo ka lang daw niya ma-miss pag narinig yung boses mo. Baka mapunta siya ng Korea ng wala sa oras dahil sa pagka-miss sayo. Osiya, malapit na maubos tong load ko. Ingat ka jan anak, ha? Mahal ka namin.]
"Opo, nay. Kayo din. Miss ko na kayo. Mahal ko din kayo." Yun at tinapos na ang call. Hay, gusto ko na tuloy umuwi.
Bandang 7 pm ako natapos maglinis. Nagluto na ako ng pagkain para sa hapunan. Nagtimpla muna ako ng hot choco at umakyat sa terrace para mag relax. Magmumuni muni muna ako.
Habang busy akong nagmumuni-muni ay naramdaman kong tumabi sakin si Gio. May hawak din siyang tasa at parang hot choco din ang iniinom.
Tumingin ako sakanya pero nakatingin lang siya ng deretso sa Namsan Tower. Tumingin nalang din ako sa deretso sa Namsan Tower.
Pero hindi ko inaasahan ang nangyari. Nag-snow habang katabi ko si Gio.
Medyo natawa si Gio kaya napatingin ako sakanya. "Alam mo ba ang ibig-sabihin neto?" Tanong niya ng nakatingin pa din ng deretso. "Ito ang unang snow. Kapag umamin ka sa taong mahal mo, tatagal daw kayo. Pero its just a stupid saying." At tinalikuran ako. Andami niyang alam sa mga ganung saying pero sinasabi niyang its just stupid thing. Well, broken yung tao.
Nagpakasaya muna ako sa snow at pumalad para makakuha ng konti. Ganito pala ang feeling ng snow. Ewan pero napangiti ako bigla kasi first time kong makakita at maka-feel ng snow. Unti-unti ay nakaramdam na ako ng gutom kaya bababa na muna ako para kumain.
Habang pababa ako ng pababa ay naririnig ko ang boses ni Gio na nakikipag-usap sa phone. Parang lalaki yung kausap niya. Tumatawa pa nga siya eh. Parang ang saya-saya niya. Sana lagi siyag ganyan.
Hindi ko na pinakinggan yung mga sinasabi niya kasi gutom na ako. Kukuha muna ako ng tubig sa ref.
Pagkainom ko ay lafang agad! Di na ako nagkanin kasi masarap na siyang papakin with matching gravy. Tapos naman na yata kumain si Gio. Bawas na yung chicken eh.
Habang busy ako sa paglafang ay may narinig akong nag-doorbell. Bubuksan ko na sana yung pinto kaso naunahan na ako ni Gio. Well, tuloy sa lamon!!!
"Hey, man! Wazzup?! Kamusta Pinas?" Preskong sabi ng lalaki. Tss.
"Ayos lang. Trying to move on." Masayang sabi ni Gio.
"Naku, ang dami-daming babae pero nagpapakatanga ka sakanya. Move on na, man! Idaan nalang natin yan sa inom." Narinig kong parang may bote siyang nilapag sa glass table na nasa salas. Ang lakas ng boses akala mo naman babae. Tss.
"Coming from you? Andami-dami mo ngang babae pero siya't siya lang ang hinahanap-hanap mo. Dude, you've been searching for her since the day you went here. And hanggang ngayon, you're still hoping that you will find that girl." Pang-iinis sakanya ni Gio. Babaero? Turn off!
"W-well, hay, basta! Inom nalang tayo!" Sabi ng lalaki at nag-cheers pa yata sila.
"I thought may kasama kang babae? Sabi ni Jon." Panigurado akong naka-ngisi yung lalaki. Malamang nilalagyan malisya niya yun. Sheesh!
"Tss. She's just my personal maid. Nothing more than that." Seryosong sabi ni Gio. Thats ouchi.
"Baka naman pwede siyang mahiram after natin uminom?" Naka-ngising sabi ng lalaki.
"Dude, stop that. Baka marinig ka niya. And besides, she's not available. Lalo na sayo." Pagtatanggol sakin ni Gio. Na-touch naman akis. Wait, am i eavesdropping to them? Bahala na! Ngayon ko lang napagtanto hehe.
"Ano ka ba, parang isang gabi lang naman. Please?" Pagmamakaawa niya. Ano bang tingin niya sakin? Isang laruan na pwede niyang gamitin kapag gusto niya?! Isa pa at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa kabastusan sa bibig niya.
"No, dude. She's only 17 years old. She doesn't deserves you. She's sweet, caring, and innocent. So stop. Its a no. Sakin lang siya maninilbihan." Tanggol niya ulit sakin. May ganitong side ba talaga si Gio? Observant pala siya sa paligid niya.
"Okay, okay. Chill. Masyado kang protective amo haha! Bibihira ang ganyan." Natatawang sabi ng lalaki. Tama na, Gio. Kinikilig ako ng sobra sobra dito.
Di na ako nakichismis pa dahil puro wala ng kwenta mga pinag-uusapan nila. About na sa babaeng iniiyakan ni Gio. Naggigigil ako sa babaeng yun. Wala siyang puso! Sana malaman niya na sobrang nasasaktan si Gio dahil sa pag-iwan nya kay Gio! Tss. Pumunta na ako sa kwarto at nagbasa ng Wattpad para antukin ako. After ilang oras ay unti-unti na ako inaantok kaya nakatulog na ako.
