EX. Chapter Four

306 17 1
                                    

"Michi.."

"Timothy.."

Kinuha n'ya ang kamay ko at hinalikan ito with matching tunog pa. Nandidiri ko s'yang tinignan at binawi ang kamay ko.

Natawa s'ya ng mahina sa inasal ko at inakbayan ako. Ang feeling close talaga ng lalaking 'to. Hindi marunong mahiya

"Mom, Can we talk for a second? Privately?" He ask while his arm is traveling down to my waist. 'Langya naman, hanggang ngayon parin ba bastos ang lalaking 'to?!

His mom nodded at sinensyahan na kami umalis. Agad naman akong hinila at kinaladkad ng lalaking 'to habang nakahawak sa kamay ko. More like, holding hands kami while going somewhere. Jusko, napaka chansing talaga neto. Parang wala lang sakanya na mag-ex fiancé kami.

Hinihingal akong umupo sa grass ng binitawan na n'ya ang kamay ko. Dito lang pala sa swimming pool area n'ya 'ko dadalhin. Hindi pa nakuntento ang gago, hinila ako patayo at niyakap ng mahigpit.

Nanlaki mata ko at pilit umaalis sa yakap n'ya. What the hell is he doing? Baka makita kami ng parents nya! Lalo na si ma. Makitid pa naman pagiisip nun

"Timothy! Ano ba?" Sabi ko habang pinapalo s'ya sa likod. Sana naman masaktan s'ya sa ginagawa ko. Gusto ko ng kumawala, hindi ako makahinga.

"Hayaan mo muna yakapin kita ng ganito"

"At bakit? Ayoko mahawaan ng germs mo yuck. Bitaw nga!"

"Matagal ng may germs katawan mo kaya tumigil ka and let me hug you like this" he said and hugged me tighter

Hinayaan ko nalang s'ya. Tutal namiss ko ang yakap n'ya.. Charot! Matigas ang ulo nito kaya 'di ko nalang papatulan. Mahirap na, baka biglang magwala

Naramdaman ko ang kamay n'ya naglakbay sa likod ko, kaya naman agad akong kumalas at inayos ang damit ko. Medyo nagulo kasi. Hehe

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?"

Nagkibit balikat s'ya "I don't know"

Sinamaan ko s'ya ng tingin "Anong I don't know? 'Yung kamay mo nasa likod ko"

Pinakita n'ya sa'kin ang kamay n'ya at winagayway ito "How? Here's my hands oh"

Lalo ko s'ya sinamaan ng tingin. Pilosopo! Tse. "I'm not playing with you, timothy" I said in a serious tone

"Mas lalo naman ako, Hinding hindi kita pinaglalaruan"

Eh? Anong pinagsasabi ng lalaking 'to?

"Manahimik ka nga lang. Bakit mo ba 'ko hinila dito?"

Huminga s'ya ng malalim. "Gusto ko lang ipakita sa'yo ang mga bituin" aniya at tumingin sa langit

Pinagkrus ko ang braso ko at tinignan s'ya ng masama. "Tingin mo ba hindi pa 'ko nakakakita ng mga bituin?"

Umiling s'ya. "Ilan ba ang mga bituin?"

"Madami. They are endless"

Ngumiti s'ya. Ang ngiting 'yon kung bakit nahulog ako sakanya. "Parehas lang ang pagmamahal ko sa'yo at ang bituin na nakikita mo"

"What do you mean?"

He look at me with a big smile on his face. "It is endless"

Nung una 'di ko magents kung ano ang pinagsasabi ng ugok na 'yun. But in the end.. Feeling ko pati katawan ko namula

"Bwisit ka" 'yun nalang nasabi ko. Shit ka talaga santiago! You never fail to make me blush

"Sa'yo lang naman. Anyways, 'lika na. Hinahanap na siguro tayo" he said and wrap his arm around my waist

Sinamaan ko lang s'ya ng tingin but he manage to laugh at me. Bwisit talaga

"Until now, you're still beautiful as ever"

--

"Kamusta na nga pala ang kapatid mo, timo?"

"She's fine, tita. She just need a rest. Thanks for your concern po"

"Nakabili ka na ba ng ticket for two sa korea?"

"Yes, tita. Gusto n'yo ho ba sumama? Just tell me po"

"No thanks, timo. Bakasyon n'yo 'yan ng anak ko. I can manage naman na magisa lang ako dito"

Nanlaki mata ko sa sinabi ni ma. Ticket? Korea? What?

"Ikaw, Michelle. How's life without my son's presence?" Biglang tanong ni Mr. Santiago

Napalunok ako. Ano sasabihin ko? I can't tell the truth. Mapapahiya ko si timothy--wait. Wala nga akong pake sakanya diba? Then why am I thinking of this? I should tell him the truth that I'm more okay 'pag wala s'ya sa buhay ko

"I'm--"

"Lagi 'yan nagkukulong sa kwarto. Minsan pa nga'y hindi s'ya kumakain. She can't live without your son, Mr. Santiago. Now that timo is here, she is definitely fine"

Napanganga ako. What?!

"Ma!"

"We're eating, Michelle. Stop shouting"

Arghh. Wala na 'ko magawa kundi kumain nalang. Ni hindi ko nagawang tumingin kay timothy dahil masusundot ko ang mata n'ya gamit ang tinidor na hawak ko. Psh

Botong boto talaga si ma kay timothy. There is nothing special about him. Why can't they accept that past is past? Ang past, tinatapon na. Hindi 'yung, tinapon na nga, dadamputin pa.

Biglang nag vibrate ang phone ko sa hita ko. Napatingin dun si timothy. Yes, magkatabi kami. Obviously -___-

I check who it is. And it's from..

From: Hanzel
U alright?

-end of messege-

Napangiti ako. Napaka alalahanin talaga ni hanz. Kaya 'di na 'ko magtataka kung bakit ako nagkagusto dito dati. Yes, I liked him. Pero dati 'yun. Move on na ako

Magrereply na sana ako ng biglang nawala sa paningin ko ang phone ko. Eh?

"Sabi nga ng mom mo. We're eating. Kaya mamaya na ang landian" sabi ng katabi ko

Landian ba tawag dun? Chinecheck n'ya lang kung okay ako. Buti pa nga 'yung tao nagaalala sa'kin eh. Ikaw hindi! Hmp!

'Di ko nalang s'ya pinansin. Wala naman'g sense kung makikipag usap ako sa walang kwentang katulad n'ya. Masasayang lang laway ko

"Michelle, iha. Saan ka na nagaaral?" Tanong sa'kin ni Ms. Santiago

"Sa East West Junior University po" sagot ko habang umiinom. Kanina pa 'ko uhaw na uhaw jusko.

"Is it okay if dun din mag aaral ang anak ko?"

Bigla ko nalunok ng buo 'yung tubig

"Okay ka lang, iha?" Nag thumbs up lang ako sakanila at hinampas hampas ang dibdib ko.

Seriously? Hindi ba nila makuha na ayoko sa anak nila? I can't love him again. Sabihin na nating, Pwede ko ulit s'ya mahalin. Pero 'di na katulad ng pagmamahal ko sakanya dati. More like, crushes nalang siguro

"O..okay lang naman po, tita. It's your son's decision kung gusto n'ya po mag aral dun or not"

She nod and look at his son who is busy eating. Patay gutom. Tch. "Okay lang naman pala anak eh. Sa'kin mo pa pinatanong"

"Mom naman eh.." Nahihiyang sabi ni timothy

Marunong pala s'ya mahiya. Impressive

Naramdaman ko na naman nag vibrate ang phone ko. I look at timothy's legs. Jusko, nandun lang pala

Napansin ko ang pag tigil ni timothy sa pag kain. Nakayukom din ang kamao n'ya. What's his problem?

Tinignan ko kung sino nagtext..

From: Hanzel
Our date tom dont forget ;) mwa :*

-end of messege-

Kaya naman pala..

SDTL

Living with my Ex-FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon