Prologue

16 2 2
                                    

[A/N: This is a side story of my fanfic. This story can stand alone. You can read this though you didn't read my fanfic.]

=====

"Gio, we are all ready." Ang saad ni Gerry sa walkie-talkie na maliit. Ito ay nakakabit sa tainga nila.

"Okay then. Swizza, take over." Ang sabi ni Giovanne. Nakatanaw s'ya labas. Nasa fourth floor s'ya ng isang hotel.

"Roger." Ang saad ni Swizza sabay lakad with poise. Nasa entrance sya ngayon ng isang hotel.

"Ay sorry po." Ang sabi ni Laurice kay Swizza ng mabangga niya ito. Hudyat ito ng paggalaw ng buong gang.

Kung kanina ay nakakangiti pa sila, ngayon hindi na. Lahat sila ay seryoso sa kanilang misyon ngayon. Ang makuha ang bayad sa kanila ng isa pang gang.

Si Gerry ay nakaantabay sa isang pulang mini bus. Dito nakalagay ang station nila para sa komunikasyon. May mga camera din sa paligid upang masubaybayan ang bawat kilos ng lahat.

"Laurice, umalis ka na d'yan. Bababa na ako." Ang wika ni Gio

Pagkabukas ng elevator ay lumakad na s'ya. Suot ang isang tuxedo, lumakad s'ya papuntang information desk at binangga si Swizza. Palihim n'yang inabot kay Swizza ang detonator.

Sa pagkakataong ito ay may tumigil na dalawang itim na kotse sa harap ng hotel. Ito ay member ng half wing.

Agad inactivate ni Gerry ang defense system. Ang dating relo ni Giovanne ay may kakayahan ng maglabas ng maliliit na syringe upang magpatulog ng tao. Ang purse bag naman ni Swizza ay may kakayahang maging tear gas. Ang singsing ni Laurice ay naging Synthetic Memory Remover. Lahat ng ito ay magagamit sa isang pindutan lamang.

Ang sasakyan naman nila ay may dalawang gun-type ammunition sa headlights. May sobrang talim na bakal sa sentro ng mga gulong nito. May booster ang tambutcho. May mini missile din ang gilid nito. Ang mga salamin nito ay bulletproof sa kahit anong ammunition.

"May dala silang dalawang ataché case. Mag-iingat kayo, may mibomb dun." Ang sabi ni Hudson sa lahat. Nakatingin lang s'ya sa monitor ng infrared camera na nasa side mirror ng sasakyan.

Mibomb. Isang high-class na bomba. Kasing laki lamang ito ng hinlalaki ngunit kaya nitong magpasabog ng isang buong building.

Pormal na nagkamayan si Gio at ang dalawang lalaki. Binigay ng mga lalaki ang mga dala nilang cases.

Sa kabilang dako naman ay may magtatangka sanang hampasin ng baril si Laurice sa batok ngunit bago pa man siya ito mahampas ay nakatukod na ang paa nya sa leeg nito. Sa isang iglap ay tulog na ito sa tama ng kamay sa batok.

"The name's Laurice Delos Reyes. I'm the B commandant and no one touches me." Ang saad n'ya sa natutulog ng kalaban. Tsaka bumalik sa pagmamasid sa gilid ng hotel.

Agad kinuha ni Giovanne ang bayad. Base sa initial findings ni Hudson ay kumpleto naman ang pera at tunay. Ang problema lang ay pag binuksan ito ay tyak na sasabog sila.

Palihim na nilagyan ni Swizza ng GPS device ang sasakyan ng dalawang lalake. Tinurukan na rin ni Laurice ng SMR ang nagtangka sa kanya. Eto na ang last phase; Ang precautionary phase.

Nangangatog ang dalawang lalake ng iwanan sila ni Giovanne. Dahil unang beses nilang nakaharap ang isa sa mga elite gang. Alam nilang maaring ito na ang huling araw nila. Kung tutuusin ay neophytes pa lang sila. Inutusan lamang sila ng superior.

Pagkapasok sa kotse ay pinaharurot na nila ito paalis.

"Ayos!" Ang sigaw ni Gerry.

"Yuhoo! May pangkain na ulit tayo!" Ang masayang sabi ni Swizza

"Shit, ang hirap tumunganga." Pamaktol na sabi ni Laurice na animo'y walang pinatulog kanina.

"Hooo, medyo pinagpawisan ako dun ah!" Ang Hiyaw naman ni Hudson

"Akala ko pa naman may bakbakan." Ang tila dismayadong saad ni Gio

Ito ang mundong ginagalawan nila.

Bilang A-class Gangsters.

The Inevitable SituationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon