[A/N: May nagtatampo. Ba't di daw siya kasali. Eto na po. Hahaha!]
=====
Giovanne's POV
"Gio, may dalawang applicants tayo." Sabi ni Hudson sa akin sabay abot ng application form.
"Ipatawag mo silang lahat sa conference room." Ang sabi ko. Agad naman s'yang nagsalita sa walkie-talkie.
Pag-akyat namin ay nandun na sila. Si Laurice kumakain ng chitchirya. Si Swizza nakatutok sa laptop marahil nag-iisip ng bagong gadget. Si Gerry, as usual nasa isang tabi lang.
"Hoy Lau, penge." Ang saad ko ng maka-upo ako. Saktong pag-upo din ni Hudson ay umilaw ang mesa namin. Nagflip ito at isa-isang lumabas ang keyboard namin.
Kung kanina ay simpleng study room lang ito, ngayon isa-isa ng gumagalaw ang mga lalagyan ng libro at lumabas na si McKinzey. Ang Super computer namin.
"Hi McKinzey!" Ang bati namin. Agad umilaw ang mga keyboard nito na sobrang dami ang pindutan. Kasabay ang pagbukas ng monitor.
"Please use the thumb pad to activate the whole system." Ang saad nito with oh-so-cool voice.
Agad naming hinila pababa ang cover ng thumb pad sa gilid ng keyboard namin. Isa-isa naming nilagay ang mga hinlalaki namin tsaka iniscan ito.
"System activated." Ang sabi ni Kinzey.
Agad nagtype si Hudson ng kung ano. Agad lumabas ang form ng dalawang appicants.
"Woah. May bagong member?" Ang excited na sabi ni Lau.
"Wala pa. I-evaluate pa natin." Ang sagot ko naman.
"Eto ang background nila." May pinindot si hudson at lumabas ang dalawang listahan.
"Preety impressive huh." Saad ni Swizza habang kinikilatis ang listahan.
Totoo naman, maganda ang mga nakalagay. Marunong humawak ng Baril, magdefuse ng bomba, at ng martial arts.
"Are you sure about them?" Alangan na tanong ko ky Hud.
"Pinacheck ko na sila. And yes, they're good." Ang nakangiting sagot ni Hud.
"If that's the case. Let's put them on the test." Ang saad ni Swizza. Na agad din namang sinang-ayunan ng lahat.
=====
Hi, this is a message from The Golden Eagle . This message is to inform you that you are qualified to be a member. Please go to *** condominium tomorrow morning. See you at the main lobby.
"Ano pwede na ba to?" Tanong samin ni Laurice.
"Pwede na yan. Ano nga ulit pangngalan nila Hudson?" Tanong ni Swizza.
"Alliance Marie Santiago, tsaka Shirley May Margaux Pascual."
"Ahh, okay. Send mo na Lau." Sabi ni Swizza sabay salampak sa couch. Nasa sala na sila ngayon.
=====
Laurice's POV
"Sila na ba yon?" Tanong ko. Nandito kami sa lobby nakaupo sa may couch.
Si Hudson at Gio tulog. Pa'no six pa lang ginising na kami ni Swizza. Ayun, nakatulog pagbaba namin sa lobby.
"Oo, sila na yan. Gisingin mo na yung dalawa." Walang ganang sabi ni Gerry.
Agad kong kinuha ang grounder. Hugis razor sya. Pero may kuryente yung dulo.
Nilagay ko sa pinakamahina ang power. Tsaka ko nilagay sa batok ni Hudson.
Sabay on.
"Ahh!" Sigaw n'ya. Agad s'yang nagtatatalon. Nakuha n'ya ang atensyon ng mga tao.
"Aish, pwede namang gisingin ng maayos eh." Salubong ang kilay n'ya. Humagikgik lang ako.
"Ikaw na gumising kay Gio." Inabot ko sa kanya yung grounder.
"Takot ka lang eh." Inikutan ko lang s'ya ng mata.
Nilagay n'ya sa medium power sabay lapat sa batok ni Gio.
Then on...
"ARAY KO PUTANGINA!" Kung kay Hudson malakas, mas malakas yung kanya.
Sakto namang pumasok ang dalawa. Di namin pinansin si Gio at dumeretso sa main door para salubungin sila.
Paglingon ko ay kausap s'ya ng guard. Salubong ang kilay n'ya. Pag-alis nung guard ay patakbo s'yang sumunod samin.
"Good Morning! My name is Alliance Marie Santiago." Pagpapakilala n'ya sabay bow.
"I'm Shirley May Margaux Pascual." Sabi nung katabi n'ya at nagbow din.
Habang paakyat kami sa top floor--kung nasaan ang Headquarters ay ininterview lang namin sila.
Napagalamang naming takas sila sa pamilya. Parang kami lang. Sakto may tatlo pang tirang kwarto. Samin kasi yung buong top floor at rooftop at may sarili kaming elevator. Saming lima kasi itong building na 'to. Pero madalas kaming nasa The Castle. Sa mansion. Ang main headquarter. Dalawa headquarters namin for security na rin.
"Handa na ang test. Ihanda na sila." Rinig kong sabi ni Swizza sa WT445. Yung nakakabit sa tainga namin. Naiwan s'ya para iready ang test.
"Roger." Ang bulong ni Gio sa WT445.
Umpisa na ng test para sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Situation
General FictionSeven Different person. One gang. One mission. Could they make it...?