Introduction

82 16 3
                                    

Naglalakad ako, nagmumuni-muni, nag-iisip kung ano na ang mangyayari sa buhay ko lalo na't ngayon ay nagbreak kami boyfriend ko.

De joke! wala talaga akong boyfriend.

NBSB e, strict ang parents.

Lumabas lang ako ng bahay namin dahil sa inutusan akong bumili ni Lola ng deodorant.

Nakakairita nga dahil sa bawat lakad ko, may tumatalsik na putik sa binti ko. Katitila lang kasi ng ulan nung mga oras na yun.

Hanggang sa napadaan ako sa isang playground. Naglakad ako patungong duyan. Uupo na sana ako kaso basa yung upuan dahil sa ulan. Hanggang sa may nakita akong malapad na notebook na nakalagay sa ibabaw nito. Vintage ang design at may cherry blossom sa cover. Ang sarap sa mata. Parang nakakarefresh yung kulay. Kinuha ko yung notebook at binuksan. Nakakatuwa kasi amoy lavander ang bawat pahina. Kaso ang pinagtataka ko, bakit hindi sya basa? Tumingin tingin ako sa buong paligid at napansin kong lahat ng bagay dito ay basa. Maski ang bawat upuan ng duyan ay mahahalata mong hindi pa tuyo dahil sa bawat butil ng tubig na makikita sa ibabaw nito, maliban nalang dito sa kwadernong hawak ko ngayon.

Oh well, creepy man pero It doesn't matter. Ang mahalaga ay mayroon akong notebook at mukang mamahalin pa.

At dahil mag gagabi na rin, ay umuwi na ako samin.

Ngunit pagka- pasok ko sa aming silid, nakita ko si lola na nakapamaywang at magkasalubong ang dalawang kilay. Naku! lagot.

"Nasaan ang Rexona ko!"

The Mystical DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon