Entry #1

79 16 2
                                    

Dear Diary,

First of all, bakit kita ginawang diary? Hindi ko rin alam, yun lang kasi yung unang pumasok sa isip ko. Tsaka sayang naman kasi kung pagsusulatan lang kita ng mga lectures sa school, hindi bagay sa katauhan mo.

Ah nga pala. Ang sakin ng pwet ko dear diary. At alam naman nating lahat na ikaw ang may kasalanan nito! Nakalimutan ko kasi yung inutos sakin ni lola, masyado kasi akong nahumaling sayo. Ayan tuloy, pinalo ako sa pwet ng walis tambo.

Well anyway, bakasyon namin ngayon kaya naman nakatunganga lang ako sa loob ng kwarto. Nagtataka lang ako dear diary. Bakit kaya wala pa akong boyfriend? Nakakainsulto lang kasi sa pagkatao ko lalo na't halos lahat ng kakilala ko sa school may boyfriend na. And speaking of boyfriend, biglang may nagdoorbell sa bahay. At sino naman kaya ang hampaslupang mambubulabog samin ng gantong gabi? Tatayo na sana ako kaso naalala ko, ay wala nga pala kaming doorbell.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong may lalaking mukang butiki na kumakatok sa tapat ng pintuan ng kapitbahay namin habang hawak ang mga bulaklak. Ang shunga shunga naman nung guy, may doorbell na nga kumakatok pa. Aww turn off. May lumabas na babaeng mukang kagagaling lang sa bagong paligo. Taray ni ate naka robe, nagmuka tuloy syang tadpole. If I know, sure sya na guy ang bisita nya kaya nag suot sya ng robe. No doubt, mang-aakit yan, malanding tadpole.

At naalala ko dear diary. Diary ko nga pala to, bakit story nila ang sinusulat ko? Ay jusko.

P.S Hindi ako bitter ha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mystical DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon