still luigi's POV
" Edi to too nga na may gusto ka Kay Aila?!" nag nod nalang ako at may sinabi pa siya.
"Naku dadaan ka muna Kay mike pagmanliligaw ka Kay Aila." huh?
"Sino bang nagsabe na liligawan ko siya?"
"Hahaha! Bro, Do you mean di ka manliligaw Kay Aila?! Torpe mo!" di ko naintindihan ang sinasabi niya.
"Ha-ha-ha? bro, ano ba yung torpe?" pagtataka ko.
"LUI?! 1st year college na tayo! Di mo parin alam?!" sa sobrang gulat nya napatayo siya at pinagtinginan ng classmates namin pati narin ni prof. nakakapasok Lang.
" Is there anything problem Mr. Anderson? tanong ni prof sa kanya.
" s-sorry" yun Lang ang nasabi nya. Ako naman nagpipigil ng tawa dahil sa nangyare. Sinuntok nya ko ng mahina sa balikat pagkaupo nya.
"Ano ba? hihihi" bulong ko sa kanya.
" Kaasar ka" inirapan nya ako.
"Bakla, haha nangiirap" pangaasar ko. Binelatan Lang nya ko. Kumopya na kami ng notes at ilang sandali Lang ay nagdissmiss na. Sinunod ko yung sinabi ni Aila na magintay ako sa gate. Halos 30 minutes na akong nakaupo sa bench habang nagiintay at dumating na si Aila.
"Hmmm, Aila tara na" pagaaya ko sa kanya. Nagnod Lang siya. habang naglalakad kami sobrang tahimik Walang umiimik. Kaya binasag ko na ito.
"Aila, may problema ba?" mukhang nagulat sya sa pag basag ko ng katahimikan namin dahil nakayuko siya kaya naman bigla siyang tumingin ng diretso sa akin at ngumiti ng peke.
"Hmmm, kas-si... " tinignan ko siya ay parang nanginginig ang mukha at biglang tumulo ang mga luha nito sa kanyang pisnge.
"Buong araw akong nagintay na batiin nya ako, kayo. Pero ni-text wala akong natanggap. Kahit katabi nyo na ako di nyo parin ako naalala. Sabi niya dati may sorpresa siya Para sa akin sa birthday ko pero mukhang hindi naman iyon totoo. OK lang sana kahit walang sorpresa o kung anuman espesyal, ang gusto ko lang ay maalala ni mike, kayo. Na batiin saglit lang." pagkasabi nya nun tuluyan ng umagos ang mga Luha nyang kanina pa pinipigil. Sobrang nasaktan talaga si Aila na Hindi siya batiin ni mike,ng importanteng tao sa kanya. Naku Aila! wag kang umiyak sayang Lang yung luha mo dahil totoo niyan may sorpresa kami sayo. Kaya saktong andito na kami sa bahay niya at hinawakan ko na ang door knob ng pinto.
"Aila, Happy birthday!! :)" binuksan ko ng tuluyan ang pinto at bigla siyang nagtaka at sinaboy na Nila yung confetti sa harap niya. Tumingin si Aila sa akin na mugto ang mga mata, ngumiti sya at pinagpapalo ako sa dibdib.
" Lui! nakakainis ka! Pinaiyak nyo ko!" siya habang pinapalo pa rin ako.
"A-aray, Aila! Haha Tama na!"
"Nakakainis ka kasi eh! Hmmp!" pinalo nya ko ng pinakamalakas nya kaya naparay ako. Lumingon naman ako sa banda nila mike na nakatingin ng masama sa akin Ano bang ginawa ko?!
"Surprise!" kaming lahat ng barkada pati na rin ang mga magulang ni Aila. Andito na kasi ang papa ni Aila bukas pa daw ata dadating yung kababata nya.
*-*-*-*-*
Aila's POV
"Akala ko talaga nakalimutan nyo na yung birthday ko eh!" sabi ko. Andito kami ngayon sa sala habang kumakain na inihanda ni mama.
"Syempre makalimutan ba namin yunn?! " sabi ni Ivan habang iniikot yung tinidor sa spaghetti.
"Oo nga pala. Ito na yung gift namin" abot ni Danica sa akin.
"Wow. Nagabala pa kayo" binuksan ko na muna yung Kay Danica. Bigla akong napangiti dahil ito ay iPhone case na may design na strawberries.
"WOW! ANG CUTE THANK YOU! " malaking pasasalamat ko sa kanya.
"Uy Ako na pala next" inabot na niya sa aking yung gift. Mukhang malaki laki ito at malambot. Binuksan ko na at nakita ko ang favorite Kong cartoon character! Si strawberry shortcake! Niyakap ko to na parang batang namiss ang kanyang mga laruan.
"Thank you Ivan!! Alam nyo talaga ang mga gusto ko. "
"Ako naman bessi" sabi ni sarah inabot na nya sa akin ang maliit na box na nakabalot at inalog ito malapit sa aking tainga. Binuksan ko na at nakita Kong isang napakacute na singsing na strawberry!
"Bessi, nagpo- propose ka ba?" pangloloko sa kanya.
"Sira!" sigaw nya sa akin.
"Hahaha. Pero thanks bessi"
"Tooturutututu! Ako na pala " pagpapatawa ni Luigi. Si Luigi talaga comedian.
" hahaha ano kaya ito? " binigay nya sa akin na maliit na box. Singsing din ba to? Binuksan ko na at isang earings na strawberry! wow ito na ata ang pinakamaganda sa lahat.
"Woooww! Ang cute! ang ganda ganda! Thank you!" sa sobrang tuwa ko napalapit ako sa kanya at napayakap.
"W-welocome" sabi ni Luigi.
"E-ehem! Ito sa akin Aila" maliit din itong box . Yung totoo? Bat puro box? hahaha baka magpropose siya ahihihi. landi mo Aila. Binuksan ko na ito at WOW! Ito yung tinignan namin ni mike kahapon! Ito yung strawberry na necklace! Ang cute cute talaga!
"Awwww... THANK YOU! ITO YUNG MAHAL NA NECKLACE AH?! PERO THANK YOU!" sa sobrang tuwa ko napayakap din ako sa kanya.
"E.-ehem! Kain na tayo" singit naman ni lui. Si lui ba saka si mike may ubo ngayon? Uso Pala sakit ngayon? Pagkatapos non nagkwentuhan muna kami saka umuwe na sila. Nakipagkwentuhan na rin ako Kay papa. Sobrang saya ko ngayon at the same time nalulungkot kasi aalis na rin agad si papa after 5 days. Excited na rin ako bukas dahil dadating na raw si Patricia.
_______________
so sino na kaya talaga si Patricia?! Excited na ko! don't forget to vote and leave a comment!
follow me on:
wattpad : honey_lemon24
twitter: honey_30
IG: honey_ lemon24
add me on fb: facebook.com/aira.car.arm.
BINABASA MO ANG
FRIENDSHIP OR LOVE? ♥
FanfictionMasaya magkaroon ng isang bestfriend. Yung bestfriend na laging nandyan para sayo. Pero bestfriend nga ba talaga? Panu kung sa isang iglap mahulog ka sa kanya, mahalin mo sya. Sasabihin mo ba? O itatago mo nalang?