Chapter 8

65 4 0
                                    

sorry kung puro si aila ang may pov dito :)) maybe sa next chapters sila sarah naman hahahha..

_______________________________________________________________________________

Aila's POV

KYAAAA! ANONG ARAW NGAYON15! SYEMPRE DAHIL JUNE 15 NGAYON AY BIRTHDAY KO! ALAM KO NAMAN NA MAY CAKE NG HINANDA SIGURO SI MAMA AT KUYA SA BABA... PERO MAAGA PA NAMAN PARA MAGHANDA SILA EH. MAKABABA NA NGA LANG PARA MAKITA KUNG ANO GINAGAWA NILA DUN.

Yun na nga. Bumababa na ako Para tignan kung may binake na si mama na cakes. Dumeretso na ko sa kusina Para makita yun pero... Bakit wala sila doon? Tinignan ko si mama at Kuya sa kwarto Nila at ayun, tulog sila? Di naman sila ganto tuwing birthday ko ah? Anong oras na? 6:00 na ah. Umakyat nalang ulet ako para maligo at gawin ang ritwals Kong lagi ginagawa. pagtapos naman ng halos 20 minutes ay bumababa na ko at pumuntang kusina Para tignan kung Meron na bang cake doon at.... wala pa rin?! nakita ko Lang dun ay isang almusal na hinanda ni manang.

"Iha, kain ka na oh.. Napagod kasi mama mo kagabi kaya ako muna nagluto ng almusal mo."

"Ahhh. OK po manang. Wala po ba kayong naalala Kung Anong date ngayon? tanong ko Kay manang na nagbabasakali na matandaan ito ni manang.

"hayy Naku iha.. matanda na ako kaya wala na kong masyadong maalala iha." ano ba yan. pero OK Lang naiintindihan ko naman eh.

"uhhmmm.. OK manang aalis na ako" lumabas na ako at nakita ko na si mike... yieeh! sana batiin na niya ako.

"Uy! Aila! " bati sa akin ni mike.

"Hello! mike."

"Sakay ka na sa kotse"

"OK "

Pumasok na ko sa kotse habang iniintay na batiin nya ko. Pero hanggang sa nakarating kaming school wala Kong narinig mula sa kanya?! Ayoko naman sabihin na uy birthday ko ngayon ng bestfriend mo, batiin mo naman ako. kaso gusto ko manggagaling sa kanya. Bumaba na nga ako at pumunta na sa classroom. Pumunta na ako sa barkada at nagkwentuhan maaga pa naman eh.

"Uhhm. Guys, ala ba kayong naalala ngayong araw?" tanong ko na nagbabakasakali na may makaalala nito .

"Ala naman? ordinary day Lang? sabi ni Danica na iniisip kung Meron ba talagang araw ngayon. Tss.. pati ba naman ikaw danica di naalala. Dumating na ang lunch at wala pa ring bumabati sa akin. Katabi ko ngayon si Luigi na nakikipagkwentuhan sa akin habang kumakain.

"Lui, wala ka ba talagang naalala ngayon? habang kinakausap ko siya habang sinusubo ang kutsara na may kanin.

"Ala naman Aila." tumingin sya ng diretso sa akin at nagtanong ulet.

"Bakit Aila? May mahalaga bang araw ngayon? pagtatanong nya. badtrip naman pati tong si lui di alam.

FRIENDSHIP OR LOVE? ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon