[ Tim's POV ]
Kakarating ko lang sa bahay ng mga 11 pm . Galing kasi ako kanila nathan , alam na . Inom lang .
Nakita Ko Si Grei pababa ng hagdan ng nagmamadali .
" San punta ? gabi na ah ?! "
" Nasa bar si Jade lasing kaya pwede ba wag kang humarang jan . "
" Ako ang unang tinawagan kaya ako ang pupunta . "
" Talaga lang ha " Nakangisi niyang sabi .
" Oo kaya bumalik ka na sa kwarto mo kung ayaw mong matamaan "
" Bakit naman kita susundin , Sino ka ba ? "
" Kuya mo ! "
" Oh talaga ? Dat sinapak mo "
" Oo masasapak na talaga kita . " Bigla namang nagring yung phone niya .
" Hello dad ? Yes dad . okay . "-Siya .
" Pasalamat ka may gagawin ako . Sa *Tootoot* siya . "
Nagmadali akong pumunta sa lugar na yun at nakita ko siya dun sa may bench nakaupo na umiiyak . Note ! may dala pang Tequilla . susme tong babaeng to . Hindi pa naman palainom to . Bumaba ako Tapos inakay siya papuntang kotse .
" Grei ? Hoo buti nandito ka ! Muntik ko na mapatay yung manyak kanina dun hahaha . "Sabi niya , akala niya si Grei ako . Umiiyak pa rin siya .
" sssh . " Pinunasan ko yung luha niya tapos hinalikan ko siya sa noo .
" Alam mo ganyan din si Tim sakin . Kapag umiiyak ako . Pero kanina hahaha p*t*ng*n* wala na . Peste ka kasi eh hahaha . "
" Alam mo Grei . Mahal ko yun si tim . Mahal na mahal ko yun . " nagulat ako sa sinabi niya .. mahal niya ako ?
" Para na kaming magkapatid nun eh . Daig niya pa nga niya si dad kung manermon sakin kapag may kalokohan akong ginawa . Alam mo , Si tim , Di ko na alam kapag nawala yung kaisa isa kong bestfriend . Kasi siya lang yung nakakaintindi sakin . siya lang yung tumatanggap sakin kahit na ilang beses ko siyang inaaway . Pero peste ka kasi eh , naging bestfriend din kita . Ayun nagselos . Wala na . wala na , wala na . WALA NA ! "sabi niya habang umiiyak pa rin .
" 1 , 2 , 3 , 4 , 5 , 6 years . na kaming magbestfriend pero ngayon wala na . Wala na yung promise niya . wala na yung hershey ko . wala na , wala na siya . t*ng*n* hoo ! "
" Wala naman siyang sinabing ganun ah . "Ako
" Gusto niya lang na sana kahit may bago ka nang kaibigan , hindi na siya itsapwera . mahirap kasi yun . Masakit , masakit isipin na nauna ka pero iba yung mas pinapahalagahan niya . "
" KAYA NGA EH ! KASI NGA TANGA AKO ! HINDI KO MAN LANG INISIP NA GANON NA PALA YUNG NARARAMDAMAN NIYA . TANGA KASI AKO EH " pabulong niyang sabi pero narinig ko .
Hinarap ko siya sakin tapos pinunasan yung luha niya .
" Ssh . walang tanga ha ? Hindi ka tanga . Siya yung tanga kasi nagpadala siya sa emosyon niya at hindi inisip yung nararamdaman mo . " Umiyak lang ulit siya ng umiyak hanggang sa nakatulog na siya at nagdrive na ako pauwi sa kanila .
Dinala ko siya sa kwarto jgjniya . tapos pinapalitan ko na lang yung damit niya sa yaya nila .
" Grei "
BINABASA MO ANG
Dear Miss Riz , (On-Hold)
Teen FictionBabaeng Handa Magayos ng Buhay Ng Iba Pero Buhay Niya Di Niya Kaya ? Magulo Ba ? Well , Then Proceed Reading This , Enjoy ! ~ JeyEnnJii :*