PS: Unang story ko pa po to :-) Enjoy Reading.
Di papo na fix ang mga wrong spellings ang grammars :-)
"Hinihingal na ako. Gusto kong huminto at magpahinga, pero hindi pwede. Sinusubukan ko pa ring tumakbo palayo at umaasang hindi mahuli. Tumatakbo ako habang ako'y nalilito."
Simple lang naman akong babae. Ngayon, hindi ko na kasama ang mga magulang ko dahil sa kasamaang palad, sila'y sumakabilang buhay. Limang taon nang nakalipas, naulila ako sa mura kong edad na 12 anyos ng dahil sa aksidente nila sa lansangan. Sa limang taon na iyon ang kasama ko lamang ay ang tita at tito ko. Kung magtatanong ka kung okay lang ba ang pag-aaruga ng tiya at tiyo ko, oo, sobrang minamahal ako nila. Sa katunayan nga para na nga akong spoiled na bata dahil binibigay nila kung ano ang gusto ko. Nanirahan kami ng maayos, umiikot ang mundo ko ng maligaya dahil para akong biniyayaan ng Poong Maykapal ng pangalawang pagkakataon na magkaroon ng mabuting mga magulang. Pero kailan paman ay hindi parin kayang palitan nito ang pagmamahal ng sarili kong mga magulang. Sige lang, kahit papaano'y bumabalik na naman ang mga nawawalang pira-pirasong aspekto sa buhay ko. O kaya ko naisip, ito ba ay isang magandang simula para sa noon ay kalat na buhay? Kahit tanggap ko na ang kamatayan ng aking mga magulang, matatanggap ko pa ba ang buhay ko sa hinaharap?
Sa hindi inaasahang pangyayari, sumakabilang buhay ang aking tita at tito dahil nasangkot sila sa isang kaso ng pagpatay. Namatay sila nang walang dignidad dahil hanggang ngayon, hindi natatagpuan ang suspek o mga suspek. Ang tanging bagay na natagpuan ng mga pulis ay ang kanilang mga dila ay pinutol at hinila. Iyon ay medyo nakakatakot na iniwan ang kaso sa matinding misteryo. Sinubukan ng pulisya ang kanilang pinakamahusay na pag-usisa at pag-imbestiga ngunit walang kahit na isang maliit na bakas at impormasyon ng killer ang nakita. Doon talaga kung saan ang aking buhay ay talagang napinsala. Akala ko lahat ay mabuti at okay na ngunit ang lahat ng ito ay akala ko lang pala. Doon ko lang din naisip na tinalikuran na ako ng mundo. Pakiramdam ko ay ipinagkanulo na ako ng kapalaran at tadhana. Sino na lang ba ang natitira para sa akin? Paano ako magpapatuloy? Ang buhay ay labis na di-makatarungan na hindi ito makapagdudulot ng kaligayahan sa aking buhay. At kung nagdudulot ito, ang sigasig ay tumatagal lamang ng ilang sandali at pansamantala lamang.
Ang mga tanong na palaging bumabagsak sa aking isipan ay kung paano ko pa kukunin ang mga nakakalat na piraso ng aking buhay at magsimula muli? Paano?
Iisipin ko bang walang nangyari at magpatuloy, hindi kailanman maaapektuhan? o ihihinto ko ang pag-andar ng aking orasan sa buhay?
YOU ARE READING
Ang Nakatagong Pinto
Mystery / ThrillerKuwento tungkol sa isang batang babae na may isang malungkot at miserableng buhay sa isang mahiwagang paraan dahil na din sa kanyang lola.