Ang Nakatagong Pinto 3

10 0 0
                                    


Nakita ko si lola, hindi lang sa kanya ngunit siya ay kasama ng maraming mga tao na lahat ay may suot na nakakatakot at itim na damit. Pinilit ko ang aking sarili na huwag matakot kahit na ang aking mga tuhod na nanginginig sa takot. Nakita ko ang mga ito na bumubuo ng isang bilog sa isang malaking lamisa na may nakahigang patay na tao. Sinasabi nila ang mga salitang hindi naiintindihan. Pagkalipas ng ilang minuto, pinutol nila ang dila ng patay na katawan at si Lola ay nasa gitna, inilagay ang isang tanda ng isang baligtad na tatsulok sa kanyang noo gamit ang dugo ng dila. At sa isang iglap lahat ng kanyang mga kulubot na balat ay nawala lahat. Naalala ko rin sinabi ni Tyler na Birthday ngayon ni Lola (12:13 na din kasi). June 23, at naalala ko rin na ang araw ng aksidente ng mga magulang ko at ang pagpatay ng tiyo at tiya ay magkasingpareha ng kaarawan ni Lola. Napaisip ako at napahagulgol na napatay sila mama, papa, tiya at tiyo dahil inialay sila sa mga masamang dimensiyon na sinasamba nila. Silbi, dapat mag-alay sila ng buhay tuwing may kaarawan na miyembro nila. Natatakot ako at nalulungkot. Iyon pala ang dahilan bakit sabi ni mama at papa na dapat ako'y tatakbo at hindi babalik pa. Iniingatan nila ako. Nakita ko din si Tyler dun, miyembro din siya kaya akoy tumakbo. Wala na akong kakampi dito. Tumakbo ako ng malakas hanggat kayak o pa, lalayo at lalayo ako sa bahay na iyon. Hinihingal na ako. Gusto kong huminto at magpahinga, pero hindi pwede. Sinusubukan ko pa ring tumakbo palayo at umaasang hindi mahuli. Tumatakbo ako habang ako'y nalilito. Bakit kaya dapat nilang gawin iyon? Pagod na pagod ay tumatakbo parin ako kahit pahina ng pahina na ako. Ngunit may sumigaw, "Halika ka, si Tyler to". Nangingilabot na ako at tumakbo ako ng todo. Tumalikod ako, at sa pagharap ko'y nakita ko si Tyler at nagising ako.

"Anak, kumain kana" sabi ni mama.

Hinagkan at niyakap ko ang aking ina at ama. Buti nalang na panaginip ang lahat. Sinabihan ko sila ng "I Love You" at nagtaka sila, "Bakit anak, anong nagyari?" sabi ni papa. Sabi ko naman, " wala lang, gusto kong sabihin na mahal ko kayo dahil maswerte ako dahil nandito pa kayo, nagmamahal sa akin." Ang buhay natin ay miserable kapag wala ang ating mga magulang kaya hanggat nandyan sila, dapat nating iparamdam pabalik sa kanila ang pag-ibig na binigay nila sa atin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Nakatagong PintoWhere stories live. Discover now