Chapter 8

83 6 6
                                    

Hideout

"Did my hideout didn't help?" Pabalang na tanong ni Kassandra while she's busy polishing her damn nails.

"Hindi! Natunton niya pa rin ako pagpunta ko sa binigay mong pagtataguan ko. Ano bang klaseng mata meron ba siya? CCTV?" Inis na sabi ko saka napasabunot na lang ako sa precious beautiful hair ko na kaaayos lang sa famous salon.

"I don't even know. Bakit sa akin mo tinatanong?" Inis na balik ni Kassandra sa akin. Baka ako pa pagbuntungan ng inis niya, I better stop mocking her.

"Why don't you ask the experts in hiding? Hindi ba eksperto ka dyan." Ngising turan ni Myka, agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. This bitch! Makikita niya talaga hinahanap niya! How dare she mocked me, oh my gosh!

"May suggestion ka ba, Jed?" Tanong ni Danna.

"Hmm, ako? Wala akong alam na ibang mapagtataguan kung hindi ang Japan lang." Natatawang sabi ni Jed saka abala sa paglalaro ng tongits kay Jin.

"Alam mo, Caira. Just give it up, hindi ka mananalo sa ex mong gago haler." Hirit ni Phia.

"Phia, it will be really hard for our dear friend to do it." Ngusong dagdag pa ni Shana.

Kaibigan ko pa ba sila? I can't seek tulong from them. Laging may gatong and whatsoever.

"Bakit hindi ka kay Jin magpatulong?" Tanong ni Cindi habang tahimik na nakamasid sa aming lahat. 

"Like she would help me." Turan ko then rolled my damned beautiful eyes.

"Marami akong alam na pagtataguan but it will be dangerous to her, Cindi. Hayaan niyo si Caira, she'll get over to it." Sabi ni Jin na ang attention is still on the tongits.

Wow! Paano ako makakaget-over if patuloy na lang ganito ang sitwasyon. Gusto ko na lang magmakaawa kay Dad na ibalik niya na lang ulit ako sa France. Mas magiging okay ako roon kaysa rito na nadudurog ako unti-unti.

It's my fault bakit nararamdaman ko ang panliliit sa sarili. Why? Pinili ko tong sitwasyon na to and it is better for me na tanggapin iyon.

Nasabunot ang buhok ko sa inis. Sobrang frustrated na ako dahil ang bilis niya akong nahanap at hindi ko man lang maikwento sa kanila an nangyari between me and Keizzer.

"I'll help you. Hindi ko alam kung alam niya, kung matutunton niya iyon." Malamig na sabi ni Jin saka dinukot ang cellphone niya at tinapat sa tenga niya.

"Please ready my chopper, we will land to Puertonara. And, please tell my bodyguards na iba ang babantayan nila. I hate them following me the whole fucking day!" She angrily said and pinched her nose.

"Oh, so the evil Jin knows how we feel sa mga bodyguard na buntot ng buntot sa atin." Ngising sabi ni Phia saka agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Jin.

"Yes, sanay kasi ako na walang bodyguard. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko, I'm not like you." She rebutted. How nice na na-offend kami sa sinabi niya pero totoo naman kasi.

"Let's go, Caira. My chopper's ready at the rooftop of our company. Doon ka magtatago sa high-end resort ni Jared." Sabi niya saka naunang lumabas, agad naman akong sumunod sa kanya bitbit ang mga gamit ko.

Gamit niya ang paboritong sasakyan ni Jared. Hindi ba maraming sasakyan si Jin pero bakit mga sasakyan ng mga kapatid niya ang gamit niya.

"Where's your lambo?" Tanong ko habang tinatahak namin ang papunta sa company nila kung saan nandoon nakaready ang chopper papuntang Puertonara.

"My lambo's at the casa. Wala na akong sasakyan na magagamit, my brothers let me borrow their car because they're to lazy na ipagdrive ako dito." She coldly said saka patuloy sa pagdrive.

I sighed saka sinandal ko ang ulo ko sa binta at inabala ang sarili sa pagtanaw sa labas.

"Your sexy hunk ex nasa news for breaking the heart of Congressman Villaverde's daughter."

"Nabasa ko nga kanina bago ako pumunta rito." I said at napapikit sa inis.

Hindi ko na lolokohin pa ang sarili ko, mahal ko pa rin talaga siya. Hindi ito basta na guilty ako sa nangyari sa kanya.

Natatakot akong aminin sa lahat dahil ayokong mapahamak si Keizzer sa kamay nila lalo na kay Jin. Alam kong plano na ni Jin ang mawala si Keizzer sa landas ko tapos nakipagtulungan pa kay Kassandra kahit na magkaaway silang dalawa.

"Tuloy ka ba sa date niyo ni Captain? Gusto mo ikaw na lang makipag-usap sa kanya. I'll give his contact number." Sabi ni Jin at pinark na ang sasakyan ni Jared sa private parking space saka bumaba.

Sumunod naman ako sa kanya na aligaga sa pagkilos dahil nagmamadali nga itong evil incarnate na 'to.

"This is the private elevator going to my office and to the rooftop." Sabi niya pagkapasok namin at tinatahak papuntang rooftop.

"You've never been here?" She smirked. "I understand, kunsabagay you've been gone four years ago bago i-turn over sa akin ni Dad ang kumpanya." Jin said saka umismid.

The sound of the chopper stings in my ears. Hudyat na ito nang paglipad namin papuntang Puertonara. It was a peaceful resort, nababasa ko iyon sa news noong nasa London ako.

"Kapag nakabalik na ako, pwedeng matuloy yung date namin ni Chester?" Mahinang tanong ko at nagsuot ng gear bago umakyat sa chopper.

"Okay, I'll tell it to Captain then." She smirk saka naunang pumasok sa chopper, agad naman ako sumunod. Pagkapasok ko, pinaandar agad ang chopper papuntang Puertonara.

Inabala ko ang sarili ko sa pagscroll sa newsfeed sa Instagram account ko. Nakita ko ang post ni Calvin na magkahawak kamay at nakasuot ng singsing ang kahawak kamay nito.

"Sino ang bride-to-be ng kambal mong asungot?" Tanong ni Jin at pinakita niya sa akin ang post ni Calvin na kakalike ko lang.

"I don't know. Wala naman siyang pinapakilala sa amin." Sagot ko saka binalik ang atensyon sa tanawin sa labas. Asul na asul ang dagat at nakikita ko ang high-end resort sa ibaba.

"Poor Phia. She's probably crying for her broken heart." She smirked saka tumawag sa tauhan nila sa resort para abisuhan na palapag na ang chopper sa helipad.

"Jin," tawag ko sa kanya.

"What?" Tanong niya nang lingunin niya ako.

"Tell me, what I had lost four years ago?" Nanginginig na tanong ko. I know I shouldn't asked this things kasi alam ko naman ang sagot eh.

She sighed and glanced at me. "Everything, Caira."

"I-I wanna know kung ano ang mga iyon?"

"I can't tell. Gusto namin na ikaw mismo ang umalam, Caira. Likewise, ayaw namin na pangunahan ka. You will know it soon, by detail." Malumanay sabi niya at hindi niya ako tiningnan.

"Kelan ko pwedeng malaman?" Napapikit ako sa mga sinasabi ko. Ganoon na siguro ako kadesperadang malaman ang lahat.

Kung bakit kailangang maging ganito ang sitwasyon na kinahaharap ko.

"Today, when you are ready to face the world you left four years ago."

Sana hindi niya ako matunton. Nakakadurog ng puso ang ginagawa niya sa akin. Alam niya siguro na mahal ko pa rin siya kaya grabe ang paghihiganti niya sa akin.

"I can't stay long but if you want to go home just tell it to the reception para masundo ka ng chopper namin." She said saka inayos ang suot niyang damit.

"Sa presidential suite ka matutulog, may clothes naman roon and bikini also kasi alam kong gusto mong magswimming so you should enjoy. Hindi ka naman niya mahahanap dito, no one can access the high end resort unless binigyan naming magkakapatid na makapasok dito sa resort." She added. "I'll go, magduduga sila sa pagkawala natin dalawa." Tumango naman ako sa kumaway sa kanya pagkapasok ni Jin ng chopper.

Pagkaalis ng chopper, humampas sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Keizzer, how long you're gonna destroy every inch of me? How long?

Napatingin ako sa kahel na kalangitan, sunset... that's when we started and that's when we ended.

Hide-and-Seek with the Casanova (Bitchers Series #3) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon