CHAPTER 2: How I met the GUY I like

89 2 1
                                    

MARIXI'S POV

Ako nga pala si Marixi R. Valdez ang makulit sa mag kakaibigan

I always wear a smile on my face.. pag malungkot ang mga kaibigan ko tinatary kong magpatawa para di sila ma badtrip

Effective naman kahit papaano

Dahil isa akong mabait na kaibigan Iniwan ko si Cheesy kasama si John para magkausap sila..

Bibili ako ng tokens para makapaglaro kami ni cheesy

Pang apat ako sa naka pila... habang nagiintay ako.. narinig ko na lang yung nagtitinda ng tokens na nagagalit na

"Sir may pera po ba kayo o wala?!" tanong nung babaeng nagtitinda ng tokens dun sa lalaking matangkad na may malaking tenga?!? O_o

"Meron ako.. nahulog siguro hehe" sabi niya naman dun sa babae

"Kung ganun sir hanapin niyo muna tapos bumalik kayo dito" sabi nung babae

"Eh pero ang tagal ko nang nakapila dito eh!!" mukang matagal na nga.. kung minamalas ka nga naman nawala yung pera niya tapos siya na yung bibili .. hayyz

Di ko na matiis at lumapit ako sa kanya

"Naku sorry kung natagalan ako.. may nakita lang kasi akong bagay na maganda kaya nilapitan ko" sabi so kanya na nagbibigay ng look na makisabay-ka-sakin

At yung nga nakisabay na lang siya sakin at nag panggap kami ng close kami kahit ngayon ko lang siya nakita

"Ang tagal mo naman kasi eh" galit niyang sabi sakin para mukhang totoo

"Sorry na nga eh! ate ito na po yung bayad (sabay abot ko nung 200) tatlong tig 20 tokens" dapat dalawa lang eh.. para kay cheesy yung isa tapos akin naman yung isa eh kaso itong lalaking toh minamalas

Kaya binilhan ko na lang din siya mukha namang mabait eh ^O^

Pagkatapos naming bumili binigay ko na sa kanya yung 20 tokens sa kanya

Tatalikod na sana ako sa kanya kaso hinigit niya yung kamay ko para mapaharap sa kanya

"Salamat. Ako nga pala si Jason" sabay abot ng kamay niya sakin para makipag handshake .. nakipag handshake naman ako

"Ako naman si Marixi R. Valdez, Rixi na lang" ngumiti lang ako sa kanya tapos nginitian niya din ako

"Anung pwede kong gawin para masuklian ka?" tanong niya sakin

"Pag nagkita na lang tayo ilibre mo ako kahit ano" yun lang sinabi ko.. baka kasi pabilhin ko siya ng maraming bagay dahil mahilig ako magdiscover ng mga bagay bagay

"Ah alam ko na.. maglalaro ako para sayo tapos kung gaano karaming ticket yung makuha ko.. ipapapalit ko yun sa prize at sayo na lang yung prize" sabi niya sakin sabay hila sakin sa may basketball area

Nakita ko si Cheesy kasama si John.. hehe tapos lumapit ako sa kanya tapos sinundot ko yung tagiliran niya at binigay yung tokens niya

Tahimik lang ako na inabot sa kanya tapos may binulong ako

"Uy maiwan ko muna kayo ha.. maglalaro lang kami nung malaking tenga na yun (sabay turo ko kay laki tenga) " magsasalita pa sana siya kaso inunahan ko na

"Ikukuwento ko sayo mamaya.Byeee" sabay hinalikan ko siya sa lips HAHAHAHA ... beso lang naman sa cheeks na jongdae kayo nohh xD

Pagkatapos ay lumapit na ako dun kay laki tenga ~^O^~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHRISTINE's POV

I fell in love with my ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon