Chapter 1 The Beginning

32 2 0
                                    

Kyla's POV

kriiinng......

Waaahh! Late na naman ako! Bakit ba kasi nasa 3rd floor ang room ko! Lagi na lang akong naaabutan ng bell sa second floor. Alam mo  yung konti na lang? Tumakbo na nga ako ng mabilis hindi pa ko umabot. Hay hingal na hingal ako. Sayang energy ko kaya naglakad na lang ako paakyat ng isa pang floor late na din naman ako. Dahil nasa dulo ang room namin, dadaanan ko yung ibang mga room. Nagchecheck na ng attendance yung ibang teacher kaya medyo binilisan ko na yung lakad ko kahit medyo hinihingal pa ko.

"Good morning Ma'am. I'm sorry I'm late. May I come in?"

"Third time in a row Kyla. 1 absent for this week"

"Mam nasa 2nd floor na po ako nung nagbell. Pramis po! Kahit itanong niyo pa po kay kuya guard mam! Pramis na pramis"

"Do we need to review the student hand book Miss De Guzman?"

"No need mam" Opo di na kailangan. Dapat kasi saktong 7 AM dapat nasa classroom na at hindi sa stairs.

"Good. Get in." Nanlulumo akong pumasok sa classroom namin. Bakit naman kasi ang strikto ni mam sa oras. Lagot talaga sakin si Shane! kasalanan niya to eh! Ang bagal bagal kasi kumilos. Sa susunod iiwan ko na talaga siya, mag-commute siya mag-isa niya! Nagkaron na tuloy ako ng 1 absent. Dalawang absent na lang drop na ko!

"Psst!" Sino yun?

<_< lingon >_> lingon

wala naman.

"Psst!"

<_< lingon >_> lingon

wala talaga. Sino ba kasi yon?

"Oi Yumi! Ikaw ba yon?" Tinanong ko yung klameyt ko.

"Ang alin?"

"Yung sumisitsit?"

"Hindi noh, wag mo nga muna kong guluhin nagsosolve ako dito eh."

Nyek nagalit pa. Sino kaya yon. Pabayaan na nga lang baka hindi naman ako yung sinisitsitan.

"Psst! Kyla!" Ehh?? Kyla daw? ako yun ah. Teka sino ba kasi yon?

<_< lingon >_> lingon wala na naman. Naiinis na ko ah, istorbo! pag etong area ng triangle na to hindi ko nasagutan humanda talaga sakin yang nagtitrip na yan.

"Oi Kyla!! Bingi!" Ayan na naman.

"SINO BA KASI YUN??" 

O_O mga mukha ng klasmeyt ko. Hala napalakas ata. nakatingin silang lahat sakin.

"what's the matter? Are you done?"

"I'm Kyla mam. I'm not done" nyek korni ko. Nagtawanan yung mga klasmeyt ko pero si mam hindi. Meron ba siya ngayon? Kanina pa siya masungit. Minsan naman hindi.

"Are you kidding me Kyla? You may now take your lunch"

"How about my Quiz mam?"

"Just leave it there"

"Exempted ako mam?"

"No. Zero ka for this quiz. Get out of the room now!"

Whaaat?? Zero ako? Oh my! Minamalas talaga ko ngayong araw na to! Bibinggo na talaga ko kay Mam Katie. Kanina late ako, ngayon naman gumawa ako ng eksena. Bakit ba kasi sa Math pa!! sa adviser ko pa nangtrip yung kung sino man yun? Malaman ko lang kung sino yun. Malaman ko lang talaga! Makikilala nila kung sino ako. Sino nga ba ako? Let me introduce myself. Wow English! Ako lang naman si Princess Kyla Marie P. De Guzman. 15 years  old, 3rd year sa Sun Flower High School at may kapatid akong mantika matulog, si Vivien Shane De Guzman, 12 years old, grade six sa Sun Flower Elementary School. Mamaya humanda siya sakin dahil siya ang nagsimula ng kamalasan ko sa araw na to.

Friendzoned By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon