Chapter 2 The Rain

12 2 0
                                    

Kyla's POV

Waah! Ano ba to bakit ang lakas ng ulan? Ang aga ko pa naman nagising para pumasok. Sayang lang ang uniform ko sabi kasi sa balita suspended daw ang klase. Kung kailan naman handang handa akong pumasok dahil kumpleto ang assignment ko! Kahapon kasi pag uwi namin nila Ven at Chris, gumawa muna kami ng assignment namin. Wag kayo mag alala dahil dito lang naman sila nakatira sa tapat ng bahay namin. Si Chris naman sa tabi ng bahay namin. Ang saya diba? 10 PM na nga sila nakauwi. Ang boring. Alam niyo bang mag-isa lang ako sa bahay? Hindi ako independent ha, ang totoo niyan kasama ko naman talaga dati ang mama ko. Pero ngayon may bago na siyang pamilya kaya ako na lang ang nandito minsan dinadalaw niya na lang ako. Kaya naman ganun na lang ako alalahanin ni Ven at Chris. Mula kasi nag-highschool ako namuhay na ako mag-isa pero syempre may allowance pa din galing kay mama. Minsan nga kulang pa. Hindi man lang niya iniisip baka hindi na kumakain ang anak niya o kaya baka may sakit ang anak niya. Hay naku tama na nga ang bad thoughts! Ang aga aga iiyak na naman ba ko?

*ding dong*

sino kaya yun? baka naman classmate na na-stranded. kawawa naman.

O__O 

"ANONG GINAGAWA MO DITO??"

"Sorry di ko alam na bahay mo to, pero pwede ba papasukin mo muna ko?" papapasukin ko ba? Ehh galit ako dito kaaway ko to ih!

"geh pasok" Binuksan ko ng malaki yung pinto para makapasok siya.

"Sa..lam..at" hala nanginginig siya, nabasa pala siya ng ulan.

"Bakit ka naligo sa ulan? Ang aga aga?"

"Hindi ako naligo sa ulan"

"bakit basa ka?"

"..."

"uy! sumagot ka! ang sungit mo naman. Kape gusto mo? Giniginaw ka ba?" Ano ba tong lalakeng to nakatingin lang sa sahig. Bnibilang yata yung dumadaan na langgam habang nakahawak sa mga braso niya.

"Ui! book stealer napipi ka na jan!" Naalala niyo ba siya? Oo xa yung umagaw ng Catching Fire sa library na classmate ko pala na kapatid ni Ma'am Katie.

"Gin..ginigin..aw ako..." Yun lang ang nasabi niya habang nakatulala pa rin sa hilera ng mga langgam sa sahig.

"Ha?" sandali akong natulala sa sinabi niya. Nanginginig siya. Teka giniginaw?

"Uy ayos ka lang?" Tanong ko ulit. Hinawakan ko ang noo niya. O__O OMG!

"Ang init mo. Teka may lagnat ka?? Ay ano, teka ano bang gagawin ko? Dadalin kita sa ospital.. oy ah teka basang basa ka nga pala.." Waah! ano ba to natataranta ako! Ano bang gagawin ko? Wee di ko na alam gagawin ko. Napalingon ako sa Telephone. *Ting* Bright idea! Tama tatawag ako kay Chris di ko kasi alam gagawin ko lalaking to eh!

Dial. Dial. 962 - ****

"Hello good morning! Cabreros Residence."

"Ah Tita! Anjan po ba si Christian? Si Kyla po ito."

"Naku tulog pa kyla. Nung nalamang walang pasok natulog ulit."

"Ah sige po tita thank you po! Pasensya na sa abala."

"O sige iha. Matulog ka nalang din. Maaga pa naman."

Binaba ko na ang phone wrong timing naman bakit natulog ulit si Chris! Patay ako nito anong gagawin ko?

"Mmmm...ginaw..." Narinig kong sabi ng book stealer na to. Nanginginig? Naku po baka mamatay to anong gagawin ko? Pag dito namatay to mumultuhin pa ko pagnagkataon!

"Wait lang huy! Dumilat ka wag kang pipikit! ui uy!"tinapik tapik ko yung pisngi niya.

"Hin..di...ko na...kaya..." ANO?

Friendzoned By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon