Reality behind Our Love Story (One Shot Story)

18.1K 609 160
                                    

[A/n: Mas mabuti kung nabasa nyo ang Our Love Story Part 1 & 2 kung babasahin nyo din naman ito. Lahat ng nakasulat dito ay pawang kathang isip lamang ng awtor.]

**

Sa bawat kwentong nililikha ko na nagtatapos sa isang HAPPY ENDING~, umaasa akong mamahalin nya rin ako balang araw tulad ng mga naisulat ko.

Sa bawat kwentong nililikha ko na nagtatapos sa isang HAPPY ENDING~, iniisip kong naligaw lang sya at sa sobrang tigas ng ulo nya, ay ayaw nyang magtanong ng direksyon papunta sa akin.

Sa bawat kwentong nililikha ko na nagtatapos sa isang HAPPY ENDING~, tahimik kong hinihiling na maging akin sya sa huli.

Pero...

Sa bawat kwentong nililikha ko na nagtatapos sa isang HAPPY ENDING~, lagi akong minumulat sa katotohanang, KATHANG ISIP LAMANG LAHAT NG ISINUSULAT KO... at mahirap umasang, magkakatotoo yun sa isang simpleng manunulat na tulad ko.

**

"Peste, ayoko na! Bakit nya kasi ako in-unfriend?!" Binilisan ko ang paglalakad ko at nagawa pa ngang lakihan bawat hakbang na ginagawa ko. Kahit nabibigatan ako sa malaking bag ko, kelangan kong magmadali kundi--

"Nag pm ako dba?" Tumigil ako sa paglalakad. Napatitig ako sa dalawang sapatos na nasa harap ko, at di kalauna'y, sa mukha ng lalaking nagmamay ari nito.

Oo, nag pm pa sya bago pa nya ako in-unfriend. =____= Leche. Ano naman kayang ibig sabihin nun?

Nagdadalawang isip man, pero tumango nalang ako bilang sagot sa kanya at sinundan sya nang magsimula na syang maglakad papunta sa swimming pool.

Yun kasi ang pm nya sakin kagabi.

Mag-usap tayo sa swimming pool bukas. 5:45 pm.

Bakit dito pa? Naalala ko tuloy yung moment nila Jhie at Lorenzo. Dyahe! Ang cute ng nangyari dito sa one shot story na ginawa ko  (A/n: Our Love Story Part1) pero kami? Tss. Ewan lang. Unang pagkakataon ko kasi syang makakausap ngayon, since... tulad sa kwentong yun, hindi kami ka-blockmates. Hanggang tingin lang ako sa kanya.

Napasinghap ako nang makapasok na kami sa loob ng swimming pool. Nakatayo na sya doon sa gilid habang hinihintay ako. Iniyuko ko nalang ang ulo ko hanggang sa makarating sa pwesto nya.

Hindi ko talaga alam kung ano ang pag-uusapan namin. Kahit umaasa man akong magiging sweet ang unang pag-uusap namin pero, iba ang aurang nararamdaman ko sa kanya eh. Walang halong kilig.

Hindi pa nga ako nakakadalawang segundo sa pwesto ko ay agad syang nagtanong, "Writer ka dba?" Kinabahan ako bigla sa tanong nya. Parang alam ko na kasi kung saan to patungo.

Reality behind Our Love Story (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon