Ikatlong Kabanata: Red Days xDD

30 1 3
                                    

Ugh.

School.

Ewan ko lang pero tinatamad talaga akong pumasok ngayon. AS IN SUPER TINATAMAD T.T Kasi naman napaaga din ako ng pasok. 8:30 pa class ko at 7:00 pa lang.

Papunta na ako sa building ng biglang may nagtakip ng mata ko. Hinawakan ko muna yung kamay at dahil medyo malaki, lalaki to for sure...

"Alam mo badtrip ako ngayon kaya alisin mo na yang kamay mo kung ayaw mong madedoks!" Banta ko. Wala talaga ako sa mood. At hindi pa din niya inalis kamay niya. Siniko ko siya ng mahina pero di pa din niya inalis

"UGH! Ano ba Yanno?!" sabi ko at inalis naman niya ang kamay at agad ko siyang nilingon...

"A-Avien?. Sorry. Akala ko kasi si Yanno" kalma kong sabi

"Sungit mo pa rin!" sabi niya with a grin

oh Avien. :"> charut.

"Red days" sabi ko with a poker face

red days- gets na yan ng girls ;)

"Maaga pa, tara!"

At hindi pa ako nakakasagot ay hinawakan niya na yung kamay ko at hinila ako. At ako naman nagpahila na lang.. duh.

Aangal na ako dahil ang bilis niya manghila nang mapansin kong nasa harap na kami sa entrance ng hanging garden.

Tapos naupo kami sa bench. At since maaga pa, kaunti pa lang ang tao at lahat sila nandun sa cafe. Kami lang ni Avien nandito sa part ng park.

wait.... DATE BA TO?! :O

Ay nako Heidi, umiral nanaman pagka-assuming mo.

"Ano iniisip mo?" tanong ni Avien

"Ikaw." oh taraaaay! bumabanaat xD

"Sabi na eh.." sabi niya with a wide grin on his face tapos naka pogi sign

"Ano yan? Papapicture?" sagot ko at inirapan siya

"Yabaaang" tapos binatukan niya ako ng medyo mahina kaya binelatan ko siya.

"Bakit ba tayo nandito?" tanong ko at nakatitig lang sa view

"Wala lang. Quality time. Nakakalimutan mo na ako ah! Porke magka-block kayo ni Yanno"

"Loko!.." at napatawa naman ako kaunti "Hindi ah. Sadyang mas close lang kami. Kasi ever since di niya ako iniwan"

Nilingon ko si Avien at nakapoker face lang sya pero kita kong may iniisip siya..  baka nagi-guilty

"Sorry Heidi. Di ko naman alam na--"

"Okay na Avien. Wag mo ng ipaalala. Sige ka, baka mag-away ulet tayo" sabi ko at tinignan niya ako. Nginitian ko siya at ngumiti naman siya pabalik pero may sadness sa eyes niya.

"Ay. Uhm. Heidi. Nalimutan ko. 7:30 kasi klase ko. Mauuna na ako ah?" Sabi niya na mas lalong nagpaalala saken about sa past.

Tinignan ko and watch ko at 7:15 na

"Okay lang..." tapos nagakangitian kami "Sanay na ako Avien. Yung bigla akong iniiwan sa ere." At mula sa pagkakangiti niya ay biglang naging seryoso

"Pero Heidi may -- "

"Kalma! Nagjo-joke lang ako! Haha. Sige na Avien. Baka malate ka"

Tapos tumango na lang siya at umalis na

"Haaaay"

"Magisa ka nanaman."

Napalingon naman ako sa nagasalita.

True Love St. [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon