Ikaanim na Kabanata: Bread

10 0 0
                                    

3rd Person

Tensyon.

Yan ang naabutan ni Zach pagkadating niya sa tambayan.

"Oy, oy, oy. Mamaya magkadevelopan kayo dyan sa pagtititigan niyo ha!" biro ni Zach kaya naman binigyan siya ng dalawa ng nakamamatay na titig

"Saan si Heidi? Ok na ba siya?" tanong ni Yanno

"Huh? Ok lang naman siya. Mukha namang di natuloy ang sipon at nadapuan ng sakit. Andoon siya sa cafeteria kasama si Sam."

Tumango tango na lang si Yanno.

"Anong meron kanina? Intense ha.." tanong ni Zach at binigyan naman siya ni Avien nang naiiritang tingin

Tinaas naman ni Zach ang dalawang kamay na para bang sumusuko

"Bakit ka ba nandito?" tanong ni Avien

Umarteng nagiisip si Zach, "Uhm.. Kasi tamabayan natin ito?" at inemphasize ang word na 'natin'.

"Tatanungin ko na din kung may practice ba mamaya? Para alam ko kung ipapareserve ko yung Music Room."

"Yup" "No"

...........

"Ahm---"

"Wag muna tayong magpractice. Sigurado akong pagod si Heidi."

"Magpa-practice. Hindi lang naman siguro umiikot ang banda kay Heidi. May duet pa kaming ire-rehearse ni Marj" dipensa ni Yanno at tumingin sa direksyon ni Avien

"Eh di kayo lang magpractice. Mukang gusto mo lang naman ng oras para makasama siya" walang emosyon na sabi ni Avien

"Hindi naman namin kaya tugtugin lahat ng instruments, di ba!?"

"Eh kelangan niyo pa ba kami doon? Baka makaistorbo kami sa inyo"

"Uhhh. Mga tol. Tama na --"

"Tss. Bakit ka ba nagagalit!? Concerned ka ba kay Heidi o sadyang bitter ka lang!?" at nagsmirk si Yanno

Akamang lalapitan na ni Avien si Yanno kaya nama'y mabilis na pumagitna si Zach.

"TAMA NA!"

Napalingon naman ang tatlo sa dalagang sumigaw.

.

.

.

Si Sam na katabi si Heidi na ngumunguya pa habang may hawak na tinapay sa isang kamay.

Itinaas naman ni Heidi ang kamay na para bang sumesenyas at tsaka nilunok ang nasa bunganga.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng tatlo kasunod si Sam sa likod niya.

"Haaaay. Oo o hindi lang naman ang kailangan na sagot ni Zach eh. Why don't you just set aside your issues with each other?" Lumingon ang dalaga kay Avien at tsaka ngumiti "Avien, pagod ako pero kaya ko pa kumanta. Makikipractice pa rin ako. Magpractice tayo. Edi kung bibigay na yung boses ko, yung kay Marj at Yanno na lang ang irehearse."

Ngayon naman ay nilingon niya si Yanno. "Sabihan mo na lang si Marj mamaya." kumagat ng medyo malaki ang dalaga sa tinapay tsaka lumakad palayo

Naiwan ang apat na nakatingin sa papalayong likod ni Heidi.

"Ah. Ahem. Music Room, 5pm. Bawal malate. From now on, I'll act as your manager or what since ako naman nagassign sa inyo na tumugtog for the Freshie Night. okay?" Striktong saad ni Sam pero deep inside ay kinakabahan siya dahil sa nangyayare at di pa niya kaclose ang mga ito.

"Tss" sabi ni Avien at nagwalk-out.

>>>>>>

Heidi's POV

Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga bench sa Hanging Garden.

Alam niyo ba yung feeling na hindi mo alam kung maiinis ka ba or matutuwa dahil sa isang situation?

"Iiyak mo na."

Gulat na tinignan ko ang lalaking nasa tabi ko ngayon.

"Iiyak? Bakit ako iiyak?" tanong ko naman

"I know you, Heidi. You were stopping yourself from crying by munching your bread and filling your mouth with it."

Tinignan ko siya at nakatingin din siya sa akin.

Dahil sa sinabi niya mas natrigger ako maiyak.

"You really know me, huh."

Tumulo na ang luha ko habang nakikipagtitigan sa kanya kaya naman mabilis kong tinakpan ang mukha ko habang humihikbi.

"Ang babaw talaga ng luha mo"

"*sniff* W-Whatever Avien."

Tch. Such a familiar scene

*Flashback*

"Iiyak mo na!"

"Che! Anong iiyak? Eh wala naman dahilan para umiyak."

"Wala daw. Eh ang laki nga ng kagat mo sa tinapay kanina nung kausap ka ni Marj at kwine-kwento ang about sa date nila ni Avien...

Kilala kita Heidi."

At dun, umiyak ako.

"Ang babaw ng luha mo. Para yun lang iniiyakan mo."

"Eh bakit ikaw Yanno? Di ka ba nasasaktan? Alam ko namang matagal mo ng gusto si Marj."

Tinignan niya lang ako at ngumiti

"Nasasaktan din. Pero, mas pipiliin kong maging masaya para sa kanya. Maging sila ba naman ng taong matagal niya ng gusto. Kaya ikaw Heidi, kaibigan mo si Marj at Avien, be happy for them. Bata pa tayo. Marami pa pwedeng mangyare."

---

"Yuck. Wala ka ng mata. OA mo naman kasi umiyak." sabi ni Avien at tumatawa pa

"Hoy ang yabang!" tapos sinuntok ko siya ng pabiro sa braso niya

Kasalukuyang naglalakad kami ngayon papuntang Music room. Okay nanaman na ako. Feeling ko nga medyo mababaw talaga yung rason ng mga iniiyakan ko. Hello! Red days kaya tsaka sensitive ako.

"Uhm Avien.."

"hmm?"

"Ahm.. A-ano nafifeel mo ngayong nililigawan na ni Yanno si Marj?"

Nakita ko namang biglang sumeryoso ang mukha ni Avien...

Uhhh. Wrong timing ata tanong ko.

"Ah.. Nevermind" sabi ko na lang

"Kung ano ngayon nararamdaman mo ngayon... Ganun na din siguro nararamdaman ko" sagot niya at tinignan ako. Napataas naman ang kilay ko at sandali na inisip kung ano ba mararamdaman ko.

Ano nga ba nararamdaman ko?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Sorry Avien! Ikaw naman kasi! Di mo sinabing gutom ka! Tara garud, samahan na lang kiya sa cafeteria."

Kumunot saglit ang noo ni Avien tsaka napa-face palm.

"Slow." sabi na lang niya at inunahan ako sa paglalakad

"Huy!!! Dito kaya yung cafeteria!" natatawang sabi ko habang hinahabol siya para masabayan

Nagusap na lang kami ng nagusap ni Avien habang papunta ng music room.

Pero di ako slow. Nagets ko yung tanong. Di lang ako sigurado kung paano ko sasagutin...

------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True Love St. [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon