Basahin niyo nga guys and lets see kung itutuloy ko ba. What do you think? Baka maging katulad lang din ito nang Pool Of Love na apat na chapters lang .
But I'm asking you guys if you would like me to continue this , Kaya comment kayo then if I'm satisfied about the answers that when I will Decide kung itutuloy ko ba ^_^
What do you think? Comment below please ~
~Mika~
"Mika hindi ka pa ba uuwi?" tanong nang Book Reader's Club President namin habang nag liligpit na siya ng gamit niya.
"Hindi pako tapos dito eh , pero sige mauna ka na. Ako nalang magsasara nang pinto ." sabi ko nalang
"Ah eh sige, Mag gagabi na din. mag iingat ka sa daan ha?" Sabi niya naman ulit
"Oo sige, ingat ka din. Babye" saka kumaway na ako sa kanya
Ang totoo niyan kanina pa ako tapos dito sa kung ano mang pinagagawa niya pero ayoko lang talagang umuwi pa. Inaantay ko pang matapos ung basketball team sa practice nila para sabay na kaming umuwi ni Miko.
Tiningnan ko ung orasan .
"Hala! Matatapos na sila!" dali dali kong iniligpit lahat nang gamit ko saka ko nilock ung pinto at kumaripas nang takbo para maabutan ko si miko.
5:41 na 5:45 si Miko saktong lumalabas nang gate kaya kaylangan bago mag 5:45 anduon na ako pero asa third floor pa yung Club room namin kaya aabutin nang 6 na minutong paglalakad hanggang sa Gym.
'Sana umabot ako'
Nagmamadali akong bumaba sa hagdan para maabutan siya. Bat kasi hindi ko tiningnan yung oras kanina eh?!
Isang floor nalang at makakababa na ako .
"Sasusunod talaga bibili na ako nang-AHHHH-!" napapikit ako sa kaba. Pitong hakbang nalang sana ay nakababa na ako ng matiwasay pero may Ballpen sa mismong tatapakan kaya imbis na madurog ito ay nadulas ako dito.
Inantay kong bumagsak ako at gumulong na kung ewan. Pero wala. NAramdaman ko nalang na parang nakalutang ako at may kung sinong bumubuhat sa akin ng parang bagong kasal.
Kaya agad kong iminulat ang mga mata ko. Balak na sanang sermonan at pasalamatan ung taong sumalo sa kin pero ... pagmulat ko.
"Mi-miko" Nasambit ko nalang.
Sobrang lapit namin sa isa't isa at konting galaw nalang ay mag didikit na ang mga ilong namin.
"Kahit kelan naman.Takaw aksidente ka talaga. Alam mo namang hagdan yan eh, at malaki ang posibilidad na madisgrasiya jan pero tumatakbo ka pa din. Ba't ka ba nagmamadali?" Tanong niya pag katapos niya nanaman akong sermonan.
"Eh baka kasi iwan mo ko kaya ako nagmamadali diba?" Sabi ko saka ko siya inirapan at hindi na ininda ang pagkakalapit namin ng sobra.
"Kelan ba kita iniwan? Ha?" Nanghahamon niyang tanong
Kaya napaisip ako. Kelan niya nga ba ako iniwan.?
Hindi pa. Ni isambeses ay wala akong maalalang iniwan niya ako.
"Ano meron?" Nang hahamon niya nanamang tanong
Tiningnan ko nalang siya nang masama saka siya hinampas sa balikat. Buhat buhat niya parin kasi ako.
"Ibaba mo na nga ako. Mamaya bitawan mo ko eh" Sabi ko sa kanya
"Kahit kailan ay hindi kita bibitawan wag kang mag-alala" sabi niya saka ngumiti at nag simula nang maglakad.
Kung kayo ba iniisip niyong may iba pa iyong ibigsabihin? Pwes nagkakamali kayo.Wala na iyong ibang ibig sabihin. Dahil kahit na mismo ako ay hinihiling na sana nga may iba pa iyong ibig sabihin. Pero Wala. At imposibleng magkaroon.
BINABASA MO ANG
The Wrong Love
Teen FictionMinahal lang kita, yun ang pagkakamali ko..Naranasan niyo naman na sigurong mag mahal diba? Kadalasan ang mga nagiging pag kakamali lang natin sa buhay ay dahil sa salitang 'Pagmamahal'. Yung sakin nga lang masiyadong naging mali. Na kahit anong gaw...