***"What are your reasons to live?"
Kaswal na tanong ni Ma'am Adrenal habang matamang nakatitig sa akin. Nanatiling nakapako ang tingin ko sa baba, nakatungo habang ramdam ang pagkatuyo ng labi, pilit iniiwasan ang nagtataka, nagtatanong at nanghuhusgang titig ng aking mga kakaklase. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pinapakalma ang bilis na kalabog ng aking dibdib. Tila ba, hindi ko inasahan ang tanong na iyon nang aking guro at hindi ako nakahanap ng panangga upang mabigyang linaw ang reaksyon na nararamdaman ko ngayon.
Dead air. Wala ni isang nagrepresentang sumagot sa tanong ko. Siguro wala nga talagang makakasagot sa tanong na iyon dahil para lamang iyon sa akin. Ngunit, hindi ko maintindihan kung bakit ako mismo, hindi ako nakaisip o nakasagot sa tanong na ibinitaw ng guro. Hindi ko magawang rumesponde o magbitiw lamang ng ni-iisang salita para mapawi ang tensiyon na bumabagabag sa akin. Nahihirapang gumana ang aking utak na siya sanang pinakamalakas kong alas laban sa mga bagay na ibinubuwelta sa akin.
Nanginig ang aking tuhod. Nawawalan ako ng lakas. Pakiramdam ko ay wala akong kuwentang klase ng babae na unti-unting nauupos sa isang simpleng interogasyon lamang. Hindi ko mawari kung ano ang karapat-dapat kong isagot sa tanong na iyon. Sandaling sumagi ulit sa isip ko ang isang bagay na hindi ko naisaisip kanina. Rumrehistro ito ng tuluyan sa buo kong kaluluwa na siyang ikinahinto ng aking buong sistema.
What are my reasons to live? Ano nga ba ang mga dahilan ko upang patuloy na mabuhay sa mundong ito?
_________
1
"Love,
Imemmorial and timeless ;
Sealing noxious magic on point against—
Levitation of bouleversement
And wherein,
Lies are lost from fainéant loveless
Oh, hail thous't canticle living—
In a home that;
was always been homeless."Blog/Domain/Source:
Ipinatong ko ang aking dalawang braso sa paanan ng keyboard sa harap ng aking desktop. Rinig na rinig ko ang malakas na buhos ng ulan mula sa labas ng aming tahanan kasabay noon ang malakas na pag ihip ng nakakabahalang hangin. Bahagyang tumunog ang bintana nang masagi iyon ng isang vase na gawa sa paper mache dulot ng nagbabadyang papalakas na ihip. Sumulyap ako sa labas upang masuri ang hitsura ng lumuluhang kalangitan. Poot. Paghihinagpis. Pagtangis. Hindi iyon nagpatigil sa akin na hindi saraduhin ang pinto sapagkat, mas hiniling ko pang marinig ang hinagpis ng bawat patak ng ulan. Napabuntong hininga ako nang maalala ang nangyari kaninang umaga sa klase at napailing sa kawalan. Hindi na dapat iyon mangyari pang muli.
"Zerell, anak? Nandiyan ka ba?"
Napalingon ako sa pintuan kung saan kumakatok si Mama. Lumikha iyon ng kaunting tunog sa doorknob ngunit hindi iyon nakadominante sa tunog na likha ng ulan. Tunog. Gayunpaman, sapat na iyon para malaman kong nandiyan ang aking ina sa labas at hinihintay akong sumagot sa tanong niya. Nagbabakasaling buksan ko ang pintuan, gaya ng normal na inaasahan ng isang indibidwal na tao sa tuwing kinakatok sila ng kanilang mga magulang o mga kapatid.
"Opo, Ma."
Banayad na sagot ko kay Mama. Ibinaling ko muli ang aking atensyon sa desktop na hanggang ngayon ay nakabukas parin. Saglit kong napansin na may tatlong icon sa ipinost ko kanina sa Wordpress na siyang nagpapahiwatig na may tatlong tao na nakabasa nang ginawa ko. Kaunti lang, ngunit maayos na rin dahil pakiwari ko'y hindi ko naman kailangan ng napakaraming mambabasa upang mapatunayan ko ang aking sarili. Sapat na sa akin na maibahagi ko ang aking mga ginawang akda sa pribado at maayos na paraan.
"Mamaya mo na ipagpatuloy 'yung ginagawa mo diyan, anak. Maghapunan ka na. Baka malipasan ka na naman ulit. Kanina pa tapos kumain ang dalawang kapatid mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/134825985-288-k868940.jpg)
BINABASA MO ANG
Hazels in Mistletoe
Short StoryStand-Alone #2: Althyzerell Forchsia Clarinette V. Clavemonte is a woman of sagacity, compassion, and innate benevolence. She is an outcast and aloof girl who ought to discover the purpose of her life. However, little did she know everything not un...