Chapter 4

353 7 3
                                    

Tapos nung hahalikan na Ako ni Blue bigla na lang Akong nagising na nasa - kamay ni Blue at nakaakbay pa Ako dito at buhat buhat nya Ako na parang bagong kasal. Nang magising Ako agad akong bumaba sa kamay ni Blue

"Nakakahiya naman binuhat mo pa Ako di mo na lang Ako ginising, sorry ahh" panlalaking boses na saad ko

"Its OK Ako lang naman ang nagsabing wag ka ng gisingin baka magalit ka" saad ni Blue

"Ahm, nasan nga pala yung mga kasama ko?" Tanong ko

"Ay nauna na sila" sagot ni Sofia

"Ows, nasa kanila yung pamasahe ko ehh, maglalakad tuloy Ako, humanda sila sakin bukas" saad ko

"Ihahatid na lang kita sa inyo" saad ni Blue

"Hindi na nakakahiya na ng sobra binuhat mo na nga Ako habang natutulog Ako then now ihahatid nyo pa Ako hindi na kailangan sanay naman akong maglakad ehh, sige bye" saad ko akmang aalis na sana Ako ng pigilan Ako ni Blue

Nakaramdam muli Ako ng mumunting kuryente ng hawakan ni Blue ang kamay ko kaya binawe ko agad ito

"Ihahatid ka na namin" saad ni Blue

"Oo nga ihahatid ka na namin" saad ni Sofia

"Nakakahiya naman sa inyo" saad ko

"Wag ka nang mahiya Hindi ka na IBA samin, diba kuya?" Saad ni Sofia saka bumaling ng tingin Kay Blue

"Yes, cause you're my mate" saad ni Blue, pabulong lang ang huli nyang sinabi kaya Hindi ko naintindihan

"Ano yon?" Tanong ko

"I said yes" sagot niya

"Hindi yun yung huli mong sinabe" saad ko

Blue's point of view

"Nothing" maikling sagot ko

Muntik na Ako dun ahh Buti hindi nya naintindihan kung naintindihan nya lagot kami malalaman nya na mga wolf kami

By The Way, my name is Blue Vansrod alpha of Blue moon pack, kapatid ni Sofia Vansrod, mate ni Aphrodite

"Kua narinig ko yung sinabi mo kanina ayiieee Buti ka pa nahanap mo na ang mate mo"  mind link sakin ni Sofia

Napatingin Ako dito at naka pout pa sya napatawa Ako ng mahina na iinggit sya sakin dahil natagpuan ko na ang aking mate Pero tao nga lang sya at ang malala pa tomboy sya

"Wag ka mainggit sakin kasi ang mate ko ay tao at ang malala pa ay tomboy sya" sagot ko gamit din ang mind link napatawa din sya ng mahina

"Tara na?" Aya ni Sofia

"Tara!" Sagot ko

Pumunta kaming parking lot at sumakay kami sa kotse ko nasa likod si Sofia Ako ang Magda drive at si Aphrodite naman katabi ko

"Ituro mo lang sakin ang daan OK?" Saad ko at tumango lang sya sakin

Habang nagda drive Ako papunta sa bahay ng mate ko hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya napakagandang tomboy naman kasi nya ehh alam ko mabait sya kahit hindi ko pa sya ganon ka kilala pakiramdam ko lang

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Mate Is A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon