CHAPTER 2: Boring Day
Hay, nako. Boring na naman. Ang tagal naman mag-bukas! Tsk. >____< Wala akong magawa dito sa bahay. Wala rin naman ako makausap. Tss. Kung meron man, boring din. HAYY NAKO.
Ano kaya magandang gawin? Hm..
Manuod kaya ako ng TV?
Tsk. Wag ALYANA! Boring 'yun. Kakasawa na.
Kung pumunta kaya ako ngayon kila Grace?
Eh? Wala nga pala siya ngayon sa kanila. Sunday ngayon eh.
Family Day.
Hay, buti pa si Grace.. May Family Day sila.
Kami kasi wala eh. /laslasmode Chos.
I mean, wala naman dito sila Papa at Mama. Nasa States, inaasikaso 'yung Business namin dun.
May Ate naman ako, si Ate Ajeena. Eh kaya lang, lagi naman siyang busy.
Siya kasi hahawak ng Business namin kung sakali.
At syempre, may Kuya rin ako. -_________-
Si Kuya Aki. Hay nako, tahimik lang 'yan eh kaya di ko masyado nakakausap.
Buti nga di napapanis laway niya eh. Mahilig lang magbasa, bookish, tahimik at higit sa lahat..
MAHILIG MAG-POKER FACE.
Tsk. Ewan ko ba diyan. Pero mabait din naman siya e. 50-50. HAHAHA.
Hmm. Balik tayo kanina.
Ano ba magandang gawin?
ISIP.,
ISIP..
ISIP..
BRAIN BLAST!
Magcocomputer na lang ako. Mage-FB, Twitter, Tumblr at Wattpad.
Pagkabukas ko ng FB ko, biglang may nag-chat sa akin.
Si Ryan. -3-
Classmate ko siya since 1st year HS kami.
Ryan Yoseff Faustino:
HOY YANNA!
Alyanna Nicole Sanchez:
Oh? Problema mo Ryan?
Ryan Yoseff Faustino:
WALA LANG. MISS LANG KITA. :)
Alyanna Nicole Sanchez:
PBB Teens? Loljk. Magkikita naman na tayo bukas eh.
Ryan Yoseff Faustino:
OO NGA. HOHOHO. ARE YOU WITH GRACE?
Alyanna Nicole Sanchez:
Nah, Sunday ngayon Ry. Remember?
Ryan Yoseff Faustino:
AH! OO NGA PALA. SORRY NAMAN. OO NGA PALA. MAY BAGO DAW TAYONG CLASSMATE BUKAS. ANG GARA NGA EH. AUGUST NA TAPOS MAY MAGTTRANSFER. >.<
Alyanna Nicole Sanchez:
Oh? Really? Sana girl siya para naman may bago tayong kaibigan.
Ryan Yoseff Faustino:
HAHAHA. OO NGA. PARA NAMAN MAY CHICKS NA AKO. *u*
Alyana Nicole Sanchez:
Hay nako, kahit kailan ka talaga Ry. Hihi.
Ryan Yoseff Faustino:
HAHA. GANON TALAGA YANNA. SIGE. OUT NA KO HA BYEEEEE.
Okay? Wala na akong ka-chat. Actually, siya naman lagi kong ka-chat eh. May pasok man o wala.
HAY BORING.
Ang dami ko pa lang Friend Request? Duh. Mga di ko naman kilala. Tsk.
HAYYYY. BORING NAMAN NG ARAW NA 'TO. WALA MANLANG MAGAWA.
Mapuntahan nga si Kuya Aki sa baba.
Tamang-tama nung pababa na ako nakita ko siya nanunuod lang ng TV.
Baka pwede ko siyang kausapin. HIHI.
"KUYA!" sigaw ko sa kanya habang naglalakad papunta sa kanya
"Yanna, lower your voice." Kfine, ganon na ba ko nahawa kay BFF Grace? Tss.
"Anong pinapanuod mo Kuya?" tanong ko sa kanya pero siya nanunuod lang
"Hindi mo ba nakikita? =_______=" POKER FACE! Ayan na naman siya. :3
"Ang sungit mo talaga kahit kailan Kuya!" I hate you.
"Psh. Whatever." ayan na naman kaya ako kausap 'to e.
"Makaalis na nga. May PMS ka ba Kuya?" tanong ko sa kanya
"Di ba aalis ka na? ALIS!" eto na nga aalis na eh.
Tsk. Okay, wala naman akong napala dito. Ang boring talaga. Gusto ko na pumasok! Gusto ko makita 'yung bago naming classmate. Sana babae siya. Hihihi.
*bzzzt bzzzt*
Nag-ring 'yung cellphone ko.. WEH? Hindi nga? May nagtext? Talaga lang ha.
From: Ryan Gwapo
YANNA! AGAHAN MO BUKAS HA! :)))))
Oh, wag na kayo magulat at magtaka kung bakit Ryan Gwapo ang nakasave na pangalan niya sa Contacts ko. Siya naglagay niyan. -___________-
To: Ryan Gwapo
K.
Boring kasi kaya ganyan. HAHAHAHA. Nako.
ANG BORING. TSSSSSSK. WALANG MAGAWA. =_____________________=
..to be continued
================================================================
[A/N]: Readers, sorry kung medyo pangit ang Chapter na 'to ha. Bored kasi ako ngayon kaya naman 'yan ang kinalabasan. Hihi.
FEEL FREE TO VOTE, LIKE, COMMENT. Ü
![](https://img.wattpad.com/cover/1518262-288-k897675.jpg)
BINABASA MO ANG
My Prince Charming
Genç KurguMeet Yanna. Ang babaeng minsan ng sinaktan, naloko at iniwan. Ang babaeng natutong lumaban at mahilig mangarap ng kung anu-ano. Mahuhulog kaya siyang muli sa isang tao hindi niya aakalaing magiging Prince Charming niya?