CHAPTER ONE
Krizia POV
BLAGGG!!!
"Ano kaya mo pa bang lumaban? Wala ka pala eh, mahina ka!!"
SPLASHH!!!
Teka mali to eh. Hindi naman na ako mahilig makipag away, iniiwasan ko na kaya yun. Paano naman nagkaroon ng swimming pool dito. May mali talaga eh? Isa lang kaya tong.. oo tama isa lang tong panaginip. Imposible naman kasi na matalo ko sa laban lagi kaya akong panalo. Dinilat ko ang mga mata ssbi na eh panaginip lang yun. Bakit parang, parang basa ang kama ko..
"Ohhhh!!!! Hindi!!!!", hindi ko namalayan naihi ako sa pantalon ko. Sa tanda kong to naihi pa ko sa kama ko.. nakakahiya!!!
"Ayos ka lang ba tol? Ang aga-aga sumisigaw ka", siya nga pala si Jeffrey kapatid ko siya pero di kami magkadugo.
"O-oo tol okay lang ako", di ako okay naihi kaya ako.
"Matulog ka na nga lang alas-kwatro palang kaya.", umalis na siya hayy salamat. Bumangon na ako sa kama ko para labhan ang nabasa kong kama. Naligo nuna kahit sobrang lamig ng tubig at nilabhan ang kumot ko.
"Ayoss!!!", oo nga pala may basketball pa kong pupuntahan mamaya. Alam ko babae ako para makipagbasketball pero ito ginagawa ko kapag walang nagagawa. Iniiwasan ko na kasing makipag basag ulo. Pero nung bata pa ako lagi akong may pasa pag uwi galing laban.
"Ano tol tara na basketball na tayo", inaaya na ko ng mga barkada kong magbasketball. Edi tara na. Nasa court na kami at naglalaro. Laging ako ang nakakascore. Magaling talaga ko sa basketball eh. Sandali muna kaming nagpahinga.
"Krizia!!!",andito na ang isa ko pang best friend. Lagi na lang niya ko tinatawag na Krizia kahit masyadong girlish, ang pagpronounced kasi nun ay Kri-za-ya.
"Oh Eirine bakit?", marami siyang kasamang mga babae.
"Nabalitaan mo ba na magcoconcert ang 1D dito sa Pilipinas!",nagtitilian naman sila nung sinasabi niya sakin yun.
"Pakialam ko ba dun Eirine at sino nga ulit yun.. Isang Direksyon?", naiinis naman sila nung sinabi ko yun malay ko ba, yun pagkakarinig ko eh.
"Wala ka talagang interest sa boys Krizia.", paki ko ba kasi. Iniwan ko na lang sila at bumalik na sa paglalaro ng basketball.
-----+
TIKTILAOK!!
Kailangan ko ng gumising may pupuntahan kami ngayon ni Marge. Marge tawag ko sa nanay ko siya yung kumopkop sa akin nung iniwan ako ng tunay kong magulang. Pupunta kami sa Quezon sasamahan ko siyang magtinda ng mga gulay mabenta kasi doon.
"Anak pwede mo ba kong ibili ng tubig dyan lang sa kanto oh.",inabot niya sakin ung pera.
"Sige po."
"Ate pabili po ng tubig.", habang kinukuha nung ate ung tubig nakita ko sa tv nila ung sinasabi ni Eirine na Isang Direksyon??.. oo tama un. Sinasabi na nakarating na daw sila dito sa Pilipinas at excited na daw silang makita ang mga fans nila nang biglang nasangkot sila sa isang plane crush accident. Sa ngayon pinaghahanap pa sila.
"Tsk Tsk kawawang Isang Direksyon sa bagay isang direksyon rin naman sila babagsak. Sila nga kasi diba and Isang Direksyon"
"Tubig mo oh", inabot ko na yung tubig at umalis na. Habang naglalakad naman ako nakikita ko ung mga kasing edad kong babae ay mali di pala ko babae, na nag iiyakan.
BINABASA MO ANG
Let Your Heart Finds It (One Direction tagalog fanfiction)
FanfictionTeka.. Paano ko ba ito eexplain. Ako si Krizia Ventura. Hindi ako nakapag-aral, laking kalye, inabando ng magulang, pangit, walang paki sa sarili, mahilig makirambol, tomboy. Pero paano kung may mangyaring hindi ko ineexpect na makakapagbago sa akin?